C H A P T E R T W E N T Y - F O U R

69 3 4
                                    

"Ano na ba ang gagawin mo, kuya?"

Halos isang linggo na ang naalipas pagkatapos na binalewala mo ang pakiusap ni Julian na kausapin ka. Habang tumatagal na hindi kayo nag-uusap,parang naninibago at natatauhan na din si Julian sa kagaguhan n'yang nagawa.

"Hindi ko alam. Dumaan ako doon sa kanila, at nakita ko na andoon sina Vicente. Alam ko naman na bugbog yung aabutin ko kapag magpapakita ako do'n," sagot ni Julian sa kapatid n'ya na nasa kabilang linya. "Eh, alam mo naman pala yung consequence ng ginawa mo. Ba't ba ang tanga mo?" sagot ni Goyo.

"Alam na ba nina mama?"

"Hindi pa. Just to let you know, baka bugbog din ang aabutin mo kina papa at Jacinto. Nako, Kuya." Nakinig na lang si Julian sa tawa ni Goyo. "'Wag mo kong tawanan."

"Kung ako sa'yo, gumawa ka na ng effective na plano para suyuin s'ya."

~~~~

Isang linggo na.

Natulala ka sa white board sa harap ng classroom nyo. Medyo naging early ka lang sa unang klase mo, kaya mag-isa ka lang. Napaisip ka kung bakit walang ginagawa si Julian para makausap ka. Tanga tanga mo kasi eh.

Napatingin ka sa labas ng pinto at nagtaka ka na kung bakit wala pa rin ang mga kaklase mo. Narinig mo bigla ang sunod sunod na tunog ng cellphone mo at binuksan mo agad ang messages sa group chat nyo. Walang klase.

"Bakit ba late sila nagsasabi na walang klase?" tanong mo sa sarili mo. Dahan dahang kang tumayo sa kinauupuan mo, at lumabas ng kwarto. Sa paglabas mo ay bigla kang may nabanggang tao. "Ay shet, I'm sorry talaga!"

"Okay lang 'yon. Ang mahalaga ay naabutan pa kita."

Punyemas.

Napatingin ka sa taong nabangga mo at hindi ka nga nagkamali na si Julian 'yon. Grabe, ang gwapo pa rin nya... Gago nga lang.

"Umalis ka na habang wala pa 'kong lakas ng loob na basagin 'yang mukha mo. Diba mas gusto mo si Lory? Do'n ka na." Lumayo ka sa kanya ng pagalit kahit na alam mo sa sarili mo na kailangan mong marining yung side nya. Kailangan mong malaman kung bakit n'ya na gawa 'yon sa'yo.

"Sandali!" Hinablot ni Julian ang braso mo at hinila ka n'ya pabalik. "Please, please. Mag-usap tayo. Bigyan mo 'ko ng pagkakataon. Oo, alam kong gago ako, na walang hiya ako, na manloloko ako pero please, give me a chance na maayos to, please."

Halos hindi mo na makita ng klaro ang nagmamakaawang mukha ni Julian ng dahil sa luhang bumubuo sa mata mo. "Putangina naman Julian eh. Ang galing mo sa mga ganito eh. Sige. May klase ka ba?" tanong mo sa kanya.

"Wala. Wala akong klase sa first subject," ang sagot ni Julian, kahit na alam nya na first absence nya 'to sa klase nya.

"Sige, doon tayo sa empty field ng school para malayo sa lahat."

~~~

Umupo kayo sa kung saan kayo pumwesto noon. Yung date n'yo dito yung pinakamemorable sa'yo, kaya kahit na masakit na balikan yung lugar na 'to nang dahil sa nangyari, mas maayos kung dito kayo maguusap.

"Sige nga, explain yourself, Julian. Para matapos na din 'to."

"Hindi," sagot n'ya, "ayokong matapos 'to. Oo, gugustuhin kong matapos yung gulo, pero yung tayo? Ayoko."

"Eh, paano kung pagkatapos mong i-explain yung side mo, magdedesisyon ako na ayaw ko na?"

"Hindi. Please... 'wag mong tapusin  'to please?" Hinawakan ni Julian ang kamay mo at hinalikan. Napansin mo na umiiyak na sya sa harap mo.

"Pakinggan mo lang ako, please," hikbi ni Julian, "alam kong gago talaga ako. Hindi ko gustong sabihin na hindi ko sinasadya kasi alam ko sa sarili ko na pinili kong gawin 'to. Alam ko na magagalit ka kapag nalaman mo, pero ginawa ko pa rin. Please, paniwalaan mo 'ko, mahal na mahal kita, sobra. Siguro nasilaw lang ako sa idea na palagi na kaming magkasama ni Lory, alam kong na-tempt talaga ako, and I'm sorry. I'm so sorry na nasira ko yung tiwala mo, I'm so sorry na naparamdam ko sa'yo kung ano yung nararamdam mo ngayon. I fully admit my fault, and I swear with my heart na hindi ko na uulitin pa. Hinding hindi na."

Walang emosyon ang mukha mo habang umiiyak si Julian sa harap mo, pero sa kaloob looban mo, parang gusto mong sumigaw, saktan, at bugbugin si Julian. Dahan dahang tumulo ang luha mo, at agad mo rin pinunasan ito. "Kung pwede lang talaga Julian, tatawagin ko sina Kuya Enteng at Ate Feli na pumunta agad dito para bugbugin ka pero hindi ko gagawin 'yon. Alam mo ba kung bakit? Kasi kahit na ang sakit sakit na ng ginawa mo, pipiliin ko pa rin na mahalin ka."

Napatingin sa'yo si Julian na parang nabuhayan ng pag-asa. "Hinding hindi ko maitago yung katotohanan na mahal pa rin kita, kahit gustong gusto na kitang itakwil at sigawan ng kung anong masasakit na salita na maiisip ko. Mahal pa rin kita kahit na yung dating ng ginawa mo ay parang minahal mo lang ako dahil alam mong mahal kita, at nandyan pa rin yung pagmamahal na dapat kay Lory mo ilalaan."

Napailing si Julian sa sinabi mo. "Hindi 'yan totoo. Mahal na mahal kita. Please, 'wag mo 'kong iwan, please."

"Julian, mahal kita. Mahal na mahal kita. Bibigyan kita ng chance na baguhin yang sarili mo at baguhin mo yung direksyon ng puso mo. Sino ba talaga, Jules? Ako ba talaga o si Lory?"

Sana piliin mo pa rin ako.

SINO (Julian del Pilar x Reader || TAGLISH)Where stories live. Discover now