Continuation...
Pagkagising ko kinabukasan. Its already 2pm in the afternoon. Hirap na hirap akong umupo sa sobrang sakit ng ano ko. Tiningnan ko ang paligid pero natumba ako ulit. Shocks. Hang over ang saklap naman. Di ko ata kayang bumangon :/ omg. Ansakit.
Pinilit kong tumayo at kinuha ang damit ko. Kaso bakit wala T.T asan na yun?!
Pagtingin ko sa gilid may Notes.
Kaya napangiti ako.
Moo,
good afternoon moo. Nga pala andito lang ako sa kusina nagpeprepare ako ng pagkain mo. Di parin ako nakain gusto ko sana sabay na tayo :) moo magsabi ka lang kung nahihirapan ka kumilos ah. Thank you moo. Sobrang saya ko. Pangako ako bahala sayo. Mas lalo kitang mamahalin moo. I love you so much moo..- your handsome boyfriend :)
Dahan dahan akong kumuha ng damit sa drawer niya. Ang laki nito. Kakaloka.
Yaan na nga. Bumababa ako ng paika ika. Tawa siya ng tawa nung makita niya ko. Kainis to. Hmp.
Nagulat ako ng salubungin niya ko ng Halik.
"Round 2 moo. Hahaha. Kidding..." pinamulahan tuloy ako ng muka kainis to. Hay naku.
Kumain na kami habang siya naman alagang alaga ako. Ang sarap sa pakiramdam. Para kaming mag asawa na talaga.
Sana wag ng magbago ang lahat. Kuntento na ko sa ganto.
Walang araw na di ko siya kasama. Mas lalo siyang dumikit sakin ngayon hindi dahil sa nakuha niya ko. Kundi dahil sobrang mahal na mahal niya ko.
Ilang beses ding naulit yung nangyari samin..
Hanggang sa nagbunga na yung nangyari. At Omg! I'm so Happy. Triplets daw yung babies namin. Kaya naman. Ang mokong tuwang tuwa ..
Pinaalam namin yun kina ate. Nung una sinermunan ni Ate si Jhustine. Humanda daw si Jhustine kapag pinabayaan ako. Ganun din sila Thirdy at Lucian. Natuwa naman ako dahil di na sila nag aaway.
Lahat sila inaalagaan ako. Walang araw na di sila nabisita.
"ano bunso? May gusto kabang kainin?" tapos umiling ako. Nung may dala sila Thirdy ng Strawberry naasar ako. Kaya naman nagsusuka ako dahil parang ayoko sa strawberry tapos ayoko ding nakikita pagmumuka nila Lucian at Thirdy. Pinaglilihian ko yata sila. Gosh. Baka maging kamuka ni Mario Maurer ang anak namin.
Medyo maliit pa naman tiyan ko. Nasa stage palang ng paglilihi.
Kawawa palagi ang tenga at ilong ni Jhustine sakin. Palagi kong pinang-gigilan pati ang lower lip niya lagi kong kinakagat.
Pag nagala kami ang dami kong inuutos kaya palagi siyang nakasimangot sakin. Laughtrip naman ako lagi. No choice siya eh..
Palagi niya din akong ginagala sa park. At kapag may gusto ako. Sinasadya niya talaga yun bilhin kahit sobrang layo. Tapos si Mark yung nagbabantay o nasama sakin. Kaya naman palagi nalang pikon si Mark.
"Mark. Kuha mo ko Tissue..
Mark kuha mo ko ng unan. At kumot
Mark kuha mo ko juice..
Mark penge akong cake.. "puro Mark Mark yung tawag ko hahaha. Kaya nagpapadyak na siya na parang bata sa sura sakin. Hahahaha. Pero no choice din siya at lagot siya kay moo kapag pinabayaan ako.
Lumipas ang mga araw na mas lalo namin minahal ang isa't isa.
December 01, 2016 ng dalhin niya ko sa Garden. At nagpropose siya sakin.
"moo, alam ko masyado ng common to. Pero para sakin makabagong pag ibig ang meron tayo. Kaya moo. Sana kahit di kita nabuntis o nabuntis kita mahalin mo parin ako. Dahil ikaw sobrang mahal na mahal na mahal kita moo.."
Lumuhod siya "Moo.. Will you marry me?" halos maluha ako sa saya. At ngumiti.
"YES! I do.."tumayo siya sa pagkakaluhod at niyakap ako. Hinalikan niya ng paulit ulit ang noo ko. Sabay palakpakan nila ate at ng iba pa naming katropa. Andito pala sila. Ang qtqt naman. Hihihi.
Ito na ata ang pinaka masayang simula ng buhay ko. Kasama ang taong pinaka mamahal ko.
BINABASA MO ANG
My Only One
RomanceAng istoryang ito ay batay sa nagaganap sa Reality at Fictional World. Hershey's meet Jhustine in Fictional World or what we called Fcw. Noon pa mang una niya itong makilala ay labis na ang paghanga ng dalaga dito. Datapwat maraming nagkakagusto kay...