Jhustine's Point Of ViewIts been 16years na walang sawa ang mga babaeng maghabol at mangulit sakin. Karamihan ay masyadong desperada. Medyo nakakairita na nga dahil daig ko pa artista sa dami ng buntot ng buntot sakin. Kulang nalang pati sa Bahay namin ay doon na tumira. -_-
Playboy ako, Kaming Lima nila Mark, Bren Andrew , Tyron at Kenzo. Magkakabarkada kaming lima. At marami kami since may Gang kaming binuo. At ako ang lider.
Magpapakilala muna ako. Im Jhustine Fortalejo, 19 years old. HRM students. Panganay sa magkapatid. Yeah, dalwa lang kami at Grade 3 lang ngayon. Book lover ako, matalino at mayaman. Basketball ang sport ko. Varsity ako dito sa Tsukishima kasama nila Mark. Hindi naman talaga ako tahimik, maingay at palakaibigan ako. But pagdating doon sa babaeng yun. Napipi ako. Ngiti lang ang tema ko palagi.
Kamusta na kaya yun?
Napakurap ako ng may bumato sa bintana ko. Fvck. Sila Mark nanaman to. -_-
Binuksan ko ang bintana at pagtingin ko sa baba. Andun yung Apat na ugok kong kabarkada.
"Tin! Tara na! Gang Fight ulit doon sa may abandonadong fabrika.." ika ni Tyron.
"Teka lang dude. Baba na ko."at agad akong bumaba. Kinuha ko yung susi ng Bugatte motors ko. Pababa palang ako ng hagdan nakasalubong ko na agad si Yaya Melds.
"Sir, saan nanaman po ang punta niyo? Anong oras napo? Ay jusko. Malalagot nanaman ako kay Sir Jun nito." nagumiti lang ako kay Yaya at nagmadaling lumabas.
Pagkalabas ko nasa kanya kanya na silang motor. Sinuot ko na yung Device para magkarinigan kami. Di lang basta device to na para sa communication. Tracking device rin to para matunton namin ang bawat isa.
"Mark, sino nanaman ba nakaaway niyo?" sabi ko. Lagi kasing may Gang Fight e, itong mga to talaga ang sarap iuntog e. Sabagay gusto ko rin ng ganto.
"si Bren, loko e. Naangasan sakanya. Pano yung girlfriend nung babae naghahabol kay mokong." sabi nito ng natatawa
"gago, kasalanan ko bang gwapo ako? Haha!!"singit ni Bren.
"tsk. Puro kayo kahambugan." sabi ni Tyron.
"Chill dude,hindi kayo ang magkakaaway. Mamaya niyo ilabas yang himutok ninyo sa muka at katawan ng mga kaaway."sabi ni Kenzo. Pilyo talaga itong isang to.
"malapit na tayo."excited na tugon ni Mark ng makita ang boundary. Pagkarating na pagkarating namin, di pa man kami nakakababa ay may mga sumugod na agad. Tsk. Masyado ba silang atat? Akala naman nila kahit Nasa Labing Lima sila at Lima lang kami ay may pag asa na silang manalo at matalo kami.
Sinagasaan naming lima yung mga nasugod nailag kami sa bawat sugod nila. Yung iba may hawak na bakal at ihahampas samin. Para kaming naglalaro sa isang Online Na Action Star ang naganap. Wengya naman. Baka madiscover kami nito. Mahirap na. Gwapo pa naman kaming lima.
"Tin, ang saya makipaglaro sa mga kuwagong to. Hahaha!! Weeee!" at pinasadahan niya yung mga nakaharang sakanya. Lipad lahat eh. Yung ginagawa ko naman pinapaangat ko yung motor ko sa unahan at pinapasadahan yung muka ng mga kuwago raw. Lokong Mark talaga.
Nung isa nalang yung natira, at yun ata yung Leader na Nakabanggaan ni Bren. Sayang muka mo dude. Basag yan mamaya kay Bren. I smirked.
Nagkakasukatan na sila ng tingin ngayon. Kaya na yan ni Bren.
"tapusin muna. Gutom na ako."reklamo ni Kenzo. Sabagay di pa rin ako naghahapunan. Langya kasing mga to. Di nagtext, dumiretso agad sa bahay. Panigurado ang iba naming kasamahan ay magtatampo nanaman dahil lumakad kami ng di sila isinasama.
Maya maya pa ay sumugod na yung Blonde ang buhok at sa bawat suntok niya. Ni isa walang tumama kay Bren. Sabi na, weak tong mga to. Wala pa kaming naeencounter na tipong duguan kami o may gahat man lang. Asa namang papayag ako , kami na mahawakan o magasgasan ang muka namin.
Sipa dito, sipa doon ang nangyari. Di kasi mahilig gumamit ng kamay si Bren. Ayaw niya raw marumihan ang kamay niya. Ang arte parang babae. But kahit paa lang gamit niya. Kawawa yung kalaban. Katulad ng isang to. Putok na nguso basag pa muka. Bali bali pa buto.
*blaaaaggg!*
Sumipa pa ulit si Bren mula sa likod ng lalaki. At tuluyan ng nawalan ng malay kaya iniwan na namin at dumiretso kami sa Restaurant nila. Dahil nagpasama siya sagot niya siyempre pagkain namin noh.
Pagkadating namin dumiretso agad kami sa 4th floor kung saan nakalocate ang Private room naming lima.
Bumaba lang ako saglit dahil itatabi ko ng ayos yung motor ko.
Nang may mahagip ang mata ko. Nagkakagulo.
Nakiusisa ako at nakita ko si GL. Siya lang naman ang traydor samin. Hayup na ito. Sabing wag ng magpapakita pa.
Tinulak ko yung kasuntukan niya at sinuntok siya sa muka ng pagkalakas lakas.
*BOOOGSH*
Nagkasigawan nalang lahat ng nanood. Di ko talaga alam kung bakit ang init ng dugo ko sa kupal na to. At nakielam ako sa away nila. Nakita ko ang pagtataka sa muka niya.
"L-leader.." yun lang ang nasabi niya at sinuntok ko siya ulit.
"kabilin bilinan ko sayo. Na wag na wag kanang magpapakita sakin diba. Dahil papatayin kitang hayup ka!!"sinikmuraan ko siya. Nagkakagulo na ang lahat ng nanonood ewan ko sakanila. Mga abnormal yata. Tsk.
Nung susuntok ako ulit may pumigil sa kamay ko. Its Mark, tsk hanggang ngayon ba Mark? Napasuklay ako ng kamay ko sa buhok ko. Bwiset. At iniwan ko na sila doon. At itinabi ang motor ko.
Flashback..
Nagkakagulo na sa Grupo dahil sa Rumors na. Bumaligtad samin si GL para lang sa babaeng mahal niya pinagpalit niya kami. Halos patayin na namin siya dahil ilan sa mga kaGangmate ko ay napuruhan ng kabila.
"hayup ka!! Traydor! Wag na wag ko ng makikita yang pag mumuka mo at di na kita bubuhayin pa!!" sinuntok ko siya ng buong pwersa kaya halos mabasag na yung makinis niyang muka. Hayup.
"S-sorry.."yun lang ang nasabi niya at tumulo ang butil ng luha sa mga mata niya. Nadisappoint ako kay GL, unang una dahil matagal ko na siyang kaibigan at pinagkakatiwalaan namin siya. Tapos dahil sa isang babae. Ok lang mamatay ang mga kaibigan niya na halos kapatid na ang Turing sakanya.
Genesis Lester ang Tunay na pangalan niya.
Sorry pangit po ba? Comment nalang haha!! :*
BINABASA MO ANG
My Only One
RomanceAng istoryang ito ay batay sa nagaganap sa Reality at Fictional World. Hershey's meet Jhustine in Fictional World or what we called Fcw. Noon pa mang una niya itong makilala ay labis na ang paghanga ng dalaga dito. Datapwat maraming nagkakagusto kay...