Narinig kong nagbukas ang pinto. May umiiyak na babae.
"Rence! Bakit? Pakawalan mo ako! Please! V--Via?? Via!" Naramdaman ko na lang na hawak hawak niya ang kamay ko. Si Kara to.
"Kara." Umiiyak kong sambit
"Itali niyo si Kara." Utos ni Clarence. Tinali nila si Kara at tinanggal ang piring ko.
"Bakit mo ba ginagawa to?!" Sigaw ni Kara.
"Dahil sa mga walang kwenta niyong boyfriend!" Sagot ni Clarence
"Boss! Nandito na si Kei." Sambit ng isa niyang tauhan. Ano bang ginagawa ni Kei dito??
"Dalhin niyo dito!" Nakangisi niyang utos.
KEI'S POV
"Kapalit ng mga girlfriend niyo. Kailangan niyong pumunta sa dati naming bahay kung saan namatay si Anna. Buhay ang kapalit!"
"Yro anong gagawin natin?" Tanong ni Clark.
"Susunod tayo sa gusto niya. Clark humingi ka ng tulong kung maari, Yro. Pupunta ako mamaya kapag di pa ako tumatawag makalipas ang 2 oras ibig-sabihin nasa peligro na ako." Paliwanag ko.
"Sige."
Nagpunta na ako sa Resthouse nila Clarence sa Batangas. Malayo-layo din. Nang makarating ako, dinala ako sa bodega. Doon nakita ko si Kara at Via na parehong nakagapos.
"Clarence! Ano pa bang gusto mo?" Sambit ko.
"Gusto ko pare-pareho na tayong mamatay! Ikaw, ako at si Yro! Ipaparamdam ko sa dalawang to ang mawalan ng pinakamamahal na kasintahan!" Galit na sambit ni Clarence.
"Pakawalan mo na sila! Clarence nandito na ako! Kaya maawa ka sa kanila." Sambit ko.
"Maawa?" Sinuntok ako ng malakas ni Clarence hanggang mapaupo ako. Di pa nagtapos doon. Pinagsisipa niya ako.
"Keiiiii!!!" Umiiyak na sambit ni Via. "Tama na. Tama na." Sabay ng pagiyak niya ang patuloy na paninipa ni Clarence sa akin.
YOU ARE READING
The Heart's First Love [On-Going]
Teen FictionLove is about what's inside your heart and the beat that keeps on beating.