Kinagabihan nagpunta na kami sa clubhouse. Parang kailan lang dito nagcecelebrate ng anniversary ng Fav Boys. Ngayon graduation party na ang cinecelebrate namin.
“Mama!” Sambit ni Xander.
“Hello Baby ko.” Sambit ni Sari. “Kiss mo si Mama.” Sambit niya at kiniss siya ni Xander.
“Congratulations V! Pasensiya wala ako kanina may interview ako kanina.” Sambit ni Yro sabay bigay ng isang bouquet.
“Thanks Yro.” Sambit ko.
“Sari ko. Congratulations.” Sambit niya at nagbigay din ng bouquet. Nang ikikiss niya sa cheeks si Sari humarang si Xander.
“No.. No Papa. Only Xander can kiss Mama.” Sambit ni Xander kaya natawa kami.
Kung akala niyo anak nila Sari at Yro si Xander, yes anak nila pero anak anakan lang. Adopted lang si Xander ng Mommy ni Yro pero si Yro at Sari ang tinuturing na Parents ni Xander.
“Hello Guys! We're here!” Sambit ni Ardi kasama si Andrea.
Naupo na kami sa isang malaking table habang sila Daddy magkakasama.
“So anong mga Plano niyo after this?” Tanong ni Erin
“Ako magttrabaho na ako by next week.” Sagot ni Chee
“Kaming dalawa ni Jett waiting for the final interview na lang. Nauna ng magpainterview itong si Yro.” Sambit ni Kuya Kenji
“Ako. Alam niyo naman na nagsisimula na akong magtrabaho bago pa tayo maggraduate.” Sambit ni Andrea
“Ako naman magttraining na ako sa Monday.” Sambit ko.
“Basta ako agad agad start na ako sa trabaho.” Sambit ni Kei. Yabang eh.
“Oh eh kayong dalawa?” Tanong ni Erin kina Andrea at Ardi.
“We're both going to work in San Francisco. Sa company ng Tito ko.” Sagot ni Ardi.
“Ang lakas maka Relationship Goals.” Biro ko.
“Si Darren kaya kamusta na?” Tanong ni Kuya Kenji
“Oo nga no? Nakakamiss yung mokong na yun. Next year pa siya ggraduate.” Sambit ni Chee
Anong nangyari kay Darren? Abangan sa Next Chapter. Happy happy muna tayo dito sa chapter na to okay?
“Guys. I heard my name.” Sambit niya.
“Darren!” Tuwang tuwa naming sambit. Nakakamiss tong lalaking to.
“And I'm with the squad.” sambit niya at biglang sumulpot si Alby at Sean.
Nagkakwentuhan pa kami. Nauna ng umuwi ang iba kaming buong barkada andito pa din.
“Basta next year magsiuwian kayo ng May! Kapag wala kayo sa kasal namin F.O na this.” Sambit ni Erin.
Yes, you heard it right. Ikakasal na sila ni Jett next year. I'm so happy for them. Finally after almost 6 years? I think.. Of relationship grabe sila. Kami nga ni Kei 3 years and counting pa lang.
“Oo naman. Nakamarka na sa kalendaryo namin yun na by 2nd week of May nakauwi na kami dito and will help you sa preparation. ” Sambit ni Andrea.
“Best man ko si Kenji syempre diba.” Sambit ni Jett.
“Hashtag BestFriends.” Sambit ni Chee
“Oh wala na bang hahabol na ikakasal sa inyo next year? Para masched na namin. Hahahaha.” Biro ni Ardi.
“Oh kayo Yro?” Tanong ni Kenji
“Nagmamadali ka Kenj? Una ka na. Matanda ka na uy. Tsaka 1 year and 11 months na kaming engaged ni Sari kaya okay lang na mauna ka na.” Sagot ni Yro.
“Kung makasabi ng matanda to ha.” Sambit ni Kuya Kenji
“Basta kami out muna kami dyan. 4 years pa siguro.” Sambit ko.
“Awwe. Ang tagal I'm excited to be your hubby.” Sambit ni Kei.
“Makakapaghintay yang pagiging hubby mo Kei.” Sambit ko.
“Oo nga. Dahil kayong dalawa ang bunso sa barkada, kayo ang huling magpapakasal. Hanggang di kasal si Yro hindi kayo pwede.” Sambit ni Kuya Kenji.
Nagtawanan lang kami. Isa to sa mga mamimiss ko. Magiging super busy kami. May mga magpupunta sa ibang bansa. Yung iba for sure sobrang busy na sa mga kanya kanya nilang trabaho. Maybe once a week or once every two weeks na lang kami magkikita kita.
Pero tiwala naman ako na, friendship pa din ang mangingibabaw despite sa busy scheds na darating sa mga buhay namin.
“Kamusta na pala yung nililigawan mo Albs?” Tanong ni Kei.
“Psh. Ayun nililigawan pa din. Mukhang kapag kinasal na laying lahat nilikigawan ko pa din yun.” Sagot ni Alby.
“Mamaya niyan malalaman lang namin na kayo na pala di niyo lang sinasabi.” Sambit ni Andrea
“Baka yung isa diyan.” Sambit niya sabay tingin kay Sean.
“Ako nanaman nakita mo.” Sambit ni Sean kaya pinagtinginan namin siya. “Oo na. Kami na ni Thea okay?” Sambit niya.
“Kailan pa? Grabe ka.” Tanong ni Erin
“10 months. Ayos na?” Pabiro niyang sambit.
Madaling araw na kaming nakauwi. Mamimiss ko sila. Goodluck sa career nila. Alam kong magiging maayos ang lahat.
ESTÁS LEYENDO
The Heart's First Love [On-Going]
Novela JuvenilLove is about what's inside your heart and the beat that keeps on beating.