Chapter 27: Party II

60 15 7
                                    

"Now let me hear the KENJInatics" Aba, lakas din ng hiyawan nila ha. "Please come here! Officers!" Umakyat yung mga Officers. Nagpicture.

"Pag sabayin natin to! Ang Duo ng Fav Boys. nasaan ang mga ARDInatics at DARRENatics!" Bigla dumagumdom ang buong clubhouse. Ganun din Picture at Picturesss!

Pero iba nung Fans Club na ni Yro.

"Eto. Nasaan ang mga YROnatics Forever!" Sobrang lakas ng sigawan nila. Pagkapanik nila sa stage todo yakap sila kay Yro.

"Syempre. Last but not the least! KEInatics!!"

"Hello! Babies!" Lalo silang nagtilian.
Nung tinawag yung mga Officers parang ang close ni Kei sa kanila. Kahit naman sa members eh.

"Oh. ayan! Ngayon Kakain na tayo. Mamaya na yung second part! And yung games!"

Nagpahinga muna kami at kumain ang saya saya nila este kami. Nageenjoy talaga ako. Tinignan ko yung wristwatch ko, akalain mo 7:25 P.M. na. Ang bilis ng oras!

"Kamusta? Nageenjoy ba kayo?" Tanong ni ate Tanya.

Tumango lang kaming Lima. Kumakain kasi kami eh.

"Good! Masyadong busy yung Anim sa pagkain! Nagtago pa sa likod ng kurtina!" Ang ganda ng tawa ni ate Tanya. Nahawa tuloy kami.

Tumayo ako sandali at nagpunta sa wash room. Iba't-Ibang personalidad pero nagkakasundo sila dahil sa Iisang Grupo. Ang Sweet nila. :'>

Nang nasa washroom na ako may nakasabay akong 3 babae. Siguro nasa 15 years old sila. Basta I think I'm older than they are.

"Hello Ate!" Bati nung isa, nginitian ko naman siya.

"Sinong Bet mo sa kanilang anim Ate?" Tanong naman nung isa

"Ahh. Silang lima Bet ko."

"Bakit Lima lang ate?"

"Si Kei kasi Love na love ko."

"Ay. Wow ate ha. Ate kamukha mo yung girlfriend ni kuya Kei. Kaso mas maganda ka." Ano ba itsura ko?! Sabagay may transformation pala ako dati. :'(

"Ah.. Baka nga kamukha ko. Sige una na ako." Lumabas na ako ng washroom at naglakad pabalik pero this time nakayuko ako. Nang nasa malapit sa stage na ako biglang may humila sa akin. Malay ko ba kung sino. Likod to ng stage kaya madilim.

"Just feel this moment!" Bigla ako niyakap. Aba?!

"Can you let me go?! Di ako maatract sayo dahil may Boyfriend ako! Boyfriend ko lang ang pwedeng yumakap ng ganyan sa akin."

"You're really a crazy kid!" He poked my head! Aba! "It's your boyfriend!" Kinuha niya yung Cellphone niya at tinapat sa mukha niya. Si Kei nga. Nako.

"Eh ikaw kasi eh. Tago tago pa. Trip mo rin no?!"

"Ang dami kasing tao.  Hindi naman kita mayakap!" Nagpout siya

"Abnormal ka talaga! nakakailang yakap ka na sa akin sa isang araw!"

Bigla namang nagsalita na si Ate Tanya.
"Paging, Paging! Kei Kimoro! Punta na dito!"

"Oh. Kei punta na daw dun!"

"Sige tara na!"

"Anong tara na?! Ikaw lang yung tinawag tapos pati ako idadamay mo?!" Hinawakan niya yung kamay ko at hinila papunta sa lugar namin nila kara at sa harap pa siya dumaan! Nako naman oh!

"Yun naman pala eh. Kasama ang girlfriend!" Nagsalita nanaman si Ate Tanya. "Since nandyan naman ang mga Lovelife ng Lima. Let's play a game na lang."

The Heart's First Love [On-Going]Where stories live. Discover now