Chapter 12: Freedom and Heart Break

154 27 7
                                    

Nakakastress yung 1st day! At ngayon 2nd Day na ng Intrams. Naalala ko lang ngayon na pala yung Dance contest namin. Hala. Buti na lang mabilis si Annie at nadala niya agad yung Damit ko.

Nasa Backstage na silang lahat. Habang sila Kara ayun nasa may backstage na rin.

"Haay. Grabe ka! Akala ko hindi ka makakarating!" Hinawakan ni Erin yung dibdib niya na parang kinakabahan

"Pwede ba naman yun? Bestfriends tayo! Solid na Solid!" Hinug nila ako. Hehe. 6 groups lang kami kasi nagelimination na! Then pang 5th kami. Tinawag na yung 1st group grabe sigawan sila! Paano naman kami? Yung mga supporters namin ayun busy sa intrams! Huhu. NgaNga ba kami?! Maya maya kami na yung tinawag na yung number namin.

"And here are the MB!" Walang sumisigaw pumalakpak lang ng konti. Nagsimula na yung music

[Listen to: Hot Summer by F(x)]

"We Love MBs! We Love MBs!" Napatingin ako sa mga nagchecheer. Ang lalaki kaya ng Boses! Pagka kita ko ang Fav Boys at mga Classmate nila Chee at Classmate namin. Naka Purple si Yro, Sky Blue kay Jett, Black kay Ardi at Darren, Green kay Kuya Kenji at PINK kay Kei! Then lahat ng T-shirt nila may nakasulat na 'We're calm and We Love MBs' ang cute nun! Hehehe!! :) Natapos na kaming magperform at lahat sila maghiyawan. Ang galing talaga ng effort nila. After ng group #6 nasa stage kaming lahat may drum roll pa! 1st runner up at Champion lang yung iaannounce.

"I have the results! And our First runner up goes to..... Group #5 MBs! And our Champion is Group #2!" Whoa! 1st runner up! Yes! Yes! Binigay na sa amin yung certificate at medal. Pagkababa namin ng stage ayun sinalubong kami ng Fans namin este ng Fav Boys.

"Kain tayo sa sushi bar na alam ko!" Aya ni Jett. Wow ha.

"Sige! Game ako diyan! Magpalit muna kayo oh!" Hinagis ni kuya Kenji kay Chee yung t-shirt na green, tapos yung sky blue kay erin, Purple kay kara at Pink sa akin. Agad naman kami nagpalit. Pagkalabas namin ng CR nakasmile lang lahat sila sa amin anong meron nagtinginan kami may nakasulat dun sa shirt na 'We're Calm and We Love Fav Boys'

"Aba. Mautak" Sabay sabay kaming Apat.

"Tara na! Gutom na ako!"

"Opo Boss!" Sabay sabay naman sila Ardi, Darren, Yro, kuya Kenji at Kei. Nilakad lang namin dahil malapit lang naman. Pagdating namin sa Japanese Resto magkakalove team eh.

Jett..Erin..Chee..Kenji

Ardi Darren

Yro..Kara..Ako..Kei

Ganyan yung position namin. Nagorder na sila yung mga Fans daw ng MBs yung bahala eh. Hahahaha. Habang wala ang Mga Fans namin naggroufie muna kaming Apat ng mga bestfriends ko. Wala lang. Tuwang tuwa lang kami. Pagbalik nila. Pakiramdam ko bumalik na ulit yung dating Kei na makulit at lagi akong inaasar at inaaway. Umupo na sila.

"Sheeelfiee tayo Rabbit!" Kinuha niya yung Iphone niya at nagselfie kami. Siguro nasa more than 10 selfie yun hahaha. Nilapag na yung sushi naexcite ako. Hahaha. Kumuha agad ako. Nakita kong nakatingin siya sa akin at nginunguso niya yung sushi. Oo na alam ko na papasubo nanaman to sa akin! Kumuha ako ng sushi at nilagyan ng Wasabe medyo dinagdagan ko. nung masubo na niya.

"Asdfghjkl!! Ang anghang!" Tumawa kaming lahat sa expresyon ng pagmumukha niya. Hahaha. Kinuha niya yung inumin ko. May inumin niyan siya. ToT

"Ang sama talaga ng ugali mo!" Sinungitan niya ako at kinain na lang yung bento meal niya. Nagtampo na yung bata.

"Nagtatampo ka nanaman?!" Tinignan ko siya.

"At ayan po. NaglLQ nanaman po silang dalawa. Yan po ang kwento ng Wasabe. Thank you!" Baliw talaga tong si Chee nagvideo ba naman! Buong pagsstay namin dun tawa lang kami ng tawa.

The Heart's First Love [On-Going]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant