Chapter 48: Life after Pain

5 0 0
                                    

Ang sakit pa din pala kahit pilitin mong magmove on di mo kakayanin.

Mahal kong Darren. Gusto ko mag move on ka agad after kong mawala, gusto ko magmahal ka ng iba. Bigyan mo ng panahon ang sarili mo okay? I do love you forever. No, I must say until the end.

Paulit ulit ko na lang binabasa ang mga sulat niya.

“Sorry po.” Sambit ng isang babae matapos niya akong mabangga

“It's okay.” Sambit ko.

“Mr. Jimenez. Wala kasi si Mr. Tan ngayon tapos pinapasabi niya if you can substitute him sa klase niya ngayong umaga. Isang klase lang naman magtatake lang naman sila ng test ngayon kaya kailangan ng substitute. Is that okay with you?” Sambit ni Sir Tomas

“Yes sir. Okay lang po. Mamayang 11 pa naman din po ang next class ko.” Sagot ko

“Okay thank you Darren. Here's the key. Ikaw ng bahala. ” Sambit ni Sir sabay tapik sa balikat ko.

Pumunta na ako sa room at naupo sa upuan ni sir. Dumating naman si sir Tomas para ibigay ang mga test papers at diniscuss sa akin ang mga gagawin.

7:30 pa ang start. 7:15 pa lang. Wala lang mga estudyante. Yumuko muna ako sa table habang naghihintay sa kanila.

“Z! Pagkanta mo na kami dali! Para may gana kami.”

“Uy parang di si Sir Tan yan ha.”

“Bakit?”

“Ang sexy ng figure eh oh.”

Sa ingay nila kaya tumayo na ako. Tingin ko kumpleto na sila.

“Ohh...” Sambit ng isang babae.

“Okay. Good morning. Kumpleto na ba lahat?” Tanong ko.

“Kumpleto na po.” Sagot ng isang babae. Siya yung nabangga ako kanina.

“Okay so obviously wala si Mr. Tan pero that doesn't mean na wala kayong test. So, no cellphones allowed, talking to your seatmate is strictly prohibited. Magsiupo na kayo.” Sambit ko.

“Kuya di ka magpapakilala?” Tanong ng babae

“Langya Kate! Parang di mo kilala no?” Sambit naman ng lalaking nasa likod.

“Sure I will. I'm Darren Jimenez. Legal management student. It's my last year as a student.” Sambit ko. “Ayan na ha. Magsisimula na tayo.”

Nagsimula na silang sumagot sa test nila. Actually 2 hours lang ang oras nila. Mahaba na yun compare sa haba ng mga test hours na pinagdaanan ko.

“Kuya can we stay here?” Tanong na naman hung babae ng matapos silang magtest.

“Sure basta wala kayong next class.” Sagot ko.

“Thank you Kuya! Hoy Z! Dito ka muna wag kang KJ.” sambit ng babae.

Nakipagkwentuhan lang sila sa akin. Enjoy naman medyo maingay lang. Except sa isang babae si Zoey. Nakikita ko sa kanya si Ree. Tahimik, seryoso sa pagaaral.

For almost 3 months lagi kong nakakasama si Zoey. Mabait siya, she really like Serena. Ang dami nilang similarities. Pero they're different in so many things.

Dahil lagi kaming nagkakasama kaya 'di ko namalayan na nahuhulog na pala ako sa kanya. After 9 months of friendship officially dating na kami.

“Z! Tara na. Let's make some celebration at natapos na natin ang 3rd year college life natin!” Sambit ni Jean kay Zoe

“Ah. Nangako ako kay Darren n tutulungan ko siya ngayon eh.” Sambit ni Zoe

“Okay sige. Darren ikaw ng bahala kay Z ah?” Sambit ni Jean

“Yup!” Sambit ko.

Naka-graduate na din ako. Isa na akong legal advicer/Lawyer. Si Jett at Erin kinasal na habang last month kinasal na din sila Chee at Kenji. Habang si Ardi at Andrea ayun engage na.

Via's POV

After ikinasal nila Kuya Kenji at Chee after isang buwan magkakaroon na sila ng baby. Ang daming nagbago. Pero andito pa din ang barkada. This year 2 pa ang ikakasal. Sa December si Alby at Hannah ang ikakasal. At ngayon si Ardi at Andrea naman. Naiiyak ako. Ganito pala ang feeling ng maid of honor at ang ikakasal ang dalawa mong best friend.

“And now i pronounced you as husband and wife. You may kiss the bride.” Sambit ng pari. At hinalikan ni Ardi sa labi si Andrea. Ang sweet.

Tumuloy na kami sa reception. Ang cute ng reception area. Lahat ng pictures nila together nakasabit. Yung wedding cake si Thea ang gumawa she's so artistic.

“Hello guys. Pasensiya na-late kami, may binili lang kami ni Zoe.” Sambit ni Darren kasama si Zoe ang girlfriend niya. 3 months na silang mag-on. So happy for Darren.

“Umupo ka na attorney Jimenez.” Biro ni Jett.

“Oh kailan niyo balak magpakasal?” Tanong ni Kuya Kenji kay Darren.

“Kasal agad?” Sagot ni Darren

“Oo. Usapan diba dapat magkakaedad mga magiging anak natin?" Katwiran ni Kuya Kenji

“Edi hintayin niyo kami. Hahaha. Seriously baka after na lang nila Yro and Sari sa January. Kung okay lang kay Zoe.” Sambit ni Darren

“Any time you want to marry me I will always say I do.” Sambit ni Zoe. Ang sweet kainis hahaha.

“This is it! Hahaha.” Sabay sabay na sambit ng mga lalaki. Mga baliw talaga eh.

“Tita..” Sambit ni Xander na hinihila ang damit ko.

“Bakit Xander?” Sambit ko at kinarga siya. Kiniss niya ako sa cheeks ng Paulit ulit.

“Nakakaselos naman yan.” Sambit ni Kei.

“Hoy palaka. Wag mong sabihing papatulan mo pa tong napakagwapo kong pamangkin.” Sambit ko.

“Nagpaparinig lang.” Sambit niya.

“Guys! Thank you at nakarating kayong lahat.” Sambit ni Andrea.

“Ano ba kayo nung kasal ko kumpleto kaya dapat sa lahat ng ikakasal pa kumpleto tayo.” Sambit ni Erin.

“Congrats Mrs. Mendez.” Bati ko.

“Thank you soon to be Mrs. Kimoro. Nakakalungkot lang dahil di na ako titira sa bahay mo.” Sambit ni Andrea.

“Wag kang magalala AnDi sa iisang bahay na lang niyan kami titira someday.” Sambit naman ni Kei.

“Sa dream house namin.” sabay naming sambit ni Kei.

“Sige na kayo na kasi! Hahaha.” Sambit ni Chee.

Nagsaya lang kami. Parang noong college pa kami. Young. Wild. Free.

The Heart's First Love [On-Going]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin