This year, We'll spend our Christmas and New Year sa Baguio. The whole family, si Andrea, si Kei at Jam.
Late ng nakarating si Manong Dante sa bahay 4:30 A.M na! Kaya agad na lang kaming sumakay sa Van. Sa sobrang excitement nila hindi sila natulog. Kaya naman 30 minutes pa lang ang nakakalipas ayan bagsak sila!
"Gaano po katagal yung byahe Mang Dante?" Tanong ko kay Mang Dante
"Mga 5-6 na oras po Miss Via"
"Ang haba rin po pala ng biyahe."
Gusto kong matulog pero di pa rin ako dinadalaw ng antok. Kung anu-ano na yung pinaggagawa ko. Nasa may Pampanga pa lang kami ang layo pa pala talaga. Ipinikit ko yung mga mata ko para makatulog naman ako.
KEI'SPOV
8:30 na nasa Pangasinan pa lang kami, Traffic kasi. Pinagmamasdan ko lang ang maamong mukha ni Via. She really looks like an angel. Pinatong ko yung ulo niya sa balikat ko.
"Kuya! Wala ba tayong stop over? Naccr na ako eh." Tanong ni Jam.
"Sige, itatabi ko dyan sa may bus stop." Sagot sa kanya ni mang Dante.
Pagkarating namin sa bus stop ginising ko muna si Via. Habang sila Jam at Andrea nauna na.
"Mang Dante, magpahinga muna po kayo." Bilin ni Via.
"Bili tayo ng foods sa may convenience store." Aya ko sa kanya
Bumili kami ng iba't-ibang pagkain. Alam kasi namin na nagugutom na rin sila Jam at Andrea. Nakakita ako ng Mallow Puff kaya kumuha na ako alam ko gusto ni Via yun.
After an hour balik kami ulit sa Van. Tamang pahinga na rin si mang Dante.
"Frog, pengeng mallow puff please." Nagpout si Via sa akin.
"Naglilihi ka? Naubos mo na yung 3 box. Takaw!"
"Wag na kasi!" Pinikit na lang niya yung mata niya. Tampo nanaman!
Binuksan ko na lang yung mallow at ako na lang yung kumain. Matampuhin eh. Hahaha. Maya-maya lang.
"Yehey! Hello Baguio! Mwaaaaaaaaaaa!" Nagising ako sa lakas ng boses ni Jam. "Kuya we're here!"
"Ang ingay mo! Oo kitang kita ko naman oh!" Pagsusungit ko kay Jam
"Whatever!"
"Grabe, 12:25 na pala. Tagal din nating nagtravel. Gutom na ako!" Reklamo ni Andrea
"Bumaba na tayo! Nasa loob na sila Daddy niyan" Pagyayaya ni Via
Pagkapasok namin, kumpleto na ang lahat. Si Ate Minnie at kuya Migz, Si kuya Mickey, Si Tita Jen at si Tito Emman at si Ria.Umupo na rin kami para makapaglunch. After namin maglunch nagpatulong sa akin si Kuya Mickey.
"Kuya! San mo nanaman dadalhin si Kei?" Tanong ni Via
"Sshh! Wala ka na dun." Inisnob lang ni Kuya Mickey si Via
"Meron! Boyfriend ko yan eh!" Tumaas ng konti yung boses ni Via habang natatawa lang kami ni Kuya Mickey
"Baby V! Hayaan mo na sila! I'll make sure walang gagawing masama yang kuya mo kay Kei" Pagawat ni Ate Minnie kay Via.
"Okay! Fine! Basta i-uwi mo ng buo yan kuya ha!" Saan nga ba ako dadalhin ni kuya Mickey?
Nasa isang strawberry farm kami, di ko alam kung bakit ako dinala dito. Kukuha ng strawberries? Hanggang isang babae na di katangkaran ang lumapit sa amin.
"Kung siya lang ang hanap mo, Wala siya dito. Nasa Taniman nila." Pagsusumgit ng babae
"Ate Lucy, alam ko nandyan si Jade pakiusap ate."
YOU ARE READING
The Heart's First Love [On-Going]
Teen FictionLove is about what's inside your heart and the beat that keeps on beating.