KEI'S POV
Pinatawag ko na lang si Ardi para ipagdrive si Yro. Baka ano pa maisipan niya.
Kinabukasan si Yro maagang nasa corridor ng building namin. Haay.
"Yro.. Pumasok ka na sa room niyo." Sambit ko.
"Kei di ko pa kaya." Malungkot niyang sambit.
"Yro, Paano ka makaka-move on kung ganyan ka? I think kailangan mong magstay na lang muna sa bahay niyo." Sambit ko
"Ha? Paano studies ko?" Tanong niya
"Mag-hohomeschooling ka. Gusto mong makalimutan ang sakit diba? At gusto mo ring magfocus sa pagaaral mo diba?" Sambit ko
"Oo." Malungkot niyang sagot
"Kaya susundin mo ang sinabi ko. Para sayo din 'to. Pangako araw araw ka naming bibisitahin para maging masaya ka. Okay ba yun?" Tanong ko
"Oo. Thanks Bro." Sambit niya. Nagpaalam muna ako sa mga Prof ko para tulungan si Yro sa mga requirements niya.
Magsstart siyang mag-homeschooling next week. Sa panahong 'to di dapat namin iwan si Yro kaya araw araw nasa bahay kami nila Yro.
"Oh. Ayan lahat ng paborito niyong pagkain nandyan na. Si Darren hahabol na lang daw. May date daq kasi sila ni Serena pero sure na hahabol yun." Sambit ni Ardi sabay hagis sa amin ng mga chips
"Ang sweet talaga ni Darren. Hahaha." Sambit ni Via
"Anong kina-sweet nun?" Sarcastic kong Tanong.
"Aba. Pupunta siya kahit hectic schedule niya." Sambit ni Via
"Nga pala V. Malapit na debut mo ha." Sambit ni Yro. September pa birthday ni Via pero sa December 27 pa yung celebration ng birthday niya.
"Oo nga eh. Syempre kayo ang anim na nasa 18 roses ko." Sambit ni Via
"Subukan mo lang na di ako isama at FO tayo instantly." Sambit ni Ardi
"Hahaha. Baliw ka talaga. Bestfriends ko kayong lahat paanong matatanggal kayo sa list ko?" Sambit ni Via
Lumipas ang ilang mga linggo at nagiging maayos na din si Yro. Si Kara pati ata pagkakaibigan namin nakalimutan na niya.
At ngayon, Christmas na. Sa wakas. Sa bahay lang ang celebration. Si Via nasa Vigan kasama sila Ate Minnie.
Kinabukasan pag-uwi nila Via. Agad na nilang inasikaso ang Debut ni Via at Ria kaso si Ria nasa isang girls town. Yun na siguro ang kabayaran sa mga ginawa niya.
"Frog ko. Wag kang mawawala bukas ha? Gusto ko ikaw ang una kong makita bukas." Sambit ni Via
"Promise. Ako pa mawawala? Edi wala kang Last Dance? Hahaha." Sambit ko.
"Ayie naman. I love you Frog ko." Sambit niya
"But I love you more Rabbit!" Sambit ko.
"Okay. Since gabi na. Umuwi ka na my handsome frog. Bye." Sambit niya. Kaya nagpaalam na ako.
December 27!
Nasa bahay ngayon si Yro. Sabay daw kaming pupunta sa Debut ni Via.
Nagpunta na kami. Marami rami na ding tao. Ilang minuto lang nagstart ng magsalita ang emcee.
"Bro!" Sambit ni Kenji
"Uy. Aba Chee ang ganda ha." Sambit ni Yro.
"Dito na upo na kayo. Hahaha." Sambit ko.
Kumpleto na kami. Si Kara di man lang nag-abala na pumunta.
Nagsimula na. At magsspech na si Tito Emman."Magandang Gabi sa inyong lahat. Unang una, congratulations my daughter Via. You're now on legal age. Stay being a kind daughter and sister. And always keep your patience. Remember that I'll always and always love you my daughter." Sambit ni Tito Emman short but sweet sabi nga.
Nagsimula na rin ang 18 treasures
Si Tita Jen, Si Mommy, Si Ate Minnie, Si Ate Jade, Si Chee, Erin, Andrea, Tammy, Ayaka, Jami at iba pa.Next na ang 18 roses. Syempre una si Tito Emman. Kitang kita sa mukha nila ang saya. Sinundan naman ni Daddy. Haay. Ibibigay ko na lang nga kay Via ang POV nakakatamad eh. Hahaha. Peace yow!
VIA'S POV
Sino ba kasing may sabi na ikaw ang mag-POV ng debut ko?! Hahaha.
Well nasa 18 roses na ako. Syempre una si Daddy.
"Oh wag munang magaasawa ha Baby girl?" Sambit ni Dad
"Daddy naman. Magtatapos muna ako." Sambit ko naman
"Alam ko. Biro lang naman yun. I trust you Baby girl." Sambit ni Daddy.
Sunod naman si Tito Jed.
"Happy Legal Age day my soon to be daughter-in-law." Sambit ni Tito Jed
"Thank you po. Daddy Jed." Sambit ko naman.
Sunod si Kuya Minnie na gwapong gwapo sa kanyang sarili.
Pang-apat si Kuya Gio na sobrang gwapo talaga. Kamukha niya si Tito Jed. Pang-lima si AJ Salas. Pang-anim si Tito Llyod si Tito Llyod ang tatay ni Kuya Kenji. Pang-anim si Tito Darwin ang Daddy ni Darren. Pang-pito si Alby si alby ang kapatid ni Ardi. Pang-walo si Sean. Pang-siyam si Aiden."Ate Via. Happy Debut day. Wag kang mag-alala next week ililibre talaga kita." Sambit niya. Ang sweet talaga niya. Sabagay sweet talaga sila pati si Darren na Kuya niya.
"Thanks Aiden!"
"Hoy Aiden ako na." Sambit naman ni Marty si Marty ang kaibigan namin.
Pang-eleven si Mio. Pang-twelve si Gabby. Pang-thirteen si Jett. Pang-Fourteen si Kuya Kenji kung saan nagdrama siya!
"Baby Girl. Sundin mo lahat ng payo ko sayo ha. Tandaan mo mahal na mahal ka ng Kuya Kenji mo!" Sambit ni Kuya Kenji
"Oo naman Kuya! Di ko kakalimutan yun. Tsaka wag kang madrama. Di mo bagay. Hahaha." Natawa na lang ako.
Pang-fifteen si Ardi. Pang-sixteen si Darren. Pang-seventeen si Yro.
"Oh. Salamat sa lahat ha? Wag kang mag-alala. Next year magbabalik na ako sa school. At tatakbo ulit sa pagkapresidente ng student council." Sambit niya. Bigla akong natuwa sa sinabi niya. Tsaka niya ako pinasa kay Kei.
"Last dance talaga ha." Sambit ko
"Syempre. May hahabol pa ba? Sasapukin ko ang kukuha ng last dance mo." Sambit niya.
"Sira ka talaga!" Sambit ko.
Sobrang saya ng gabing 'to. Lahat kami masaya. Lahat kami masaya. No one left Out-of-Place. And it's like a mini reunion for our parents.
CZYTASZ
The Heart's First Love [On-Going]
Dla nastolatkówLove is about what's inside your heart and the beat that keeps on beating.