Chapter 38: Awake

26 2 0
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas pero wala pa ding pagbabago. Comatose pa din sila. Nakakapagod din. Pero okay lang.

"Via. Gising na si Yro!" Masayang sambit ni Alby

"Talaga? Tita pupunta muna po ako doon." Paalam ko.

"Sige Via."

Nagpunta agad ako sa Room ni Yro. At nakita kong gising na siya.

"Yro!" Sambit ko at niyakap siya.

"Bakit nandito ako? B--Bakit umiiyak kayo?" Tanong ni Yro.

"Bro! Na-comatose ka. Bro 9 days ka ng comatosed! Masaya lang kami at gising ka na. Madadagdagan na ang Prayer group para kay Kei." Pagbibiro ni Ardi

"Anong nangyari kay Kei?"

"Langya, Bestfriends kayo eh, pareho kayo ng kapalaran! Comatose din! Nandun sa kabilang kwarto," sambit ni Darren.

Nakita ko sa kanila ang saya na makitang gising na si Yro. Si Kei na lang ang kulang at kumpleto na ang saya nila. Sana lang talaga magising na siya.

"Gusto ko siyang makita." Sambit ni Yro.

"Hindi ka pa pwedeng lumabas. We'll inform you kung ano ng update kay Kei, right Via?" Sambit ni Jett

"Oo naman." Sagot ko.

Ngumiti lang si Yro, pero alam ko may lungkot sa ngiti niya.

YRO'S POV

Gustong gusto kong makita ang bestfriend ko. Knowing na di maayos ang lagay niya.

"Nurse, pwede ba akong magpunta sa kabilang room? Kahit sandali lang. Please." Pakiusap ko sa nurse.

"Sige po. Halika po." Sambit ng nurse at inalalayan ako papunta sa kwarto ni Kei.

Di ko alam kung bakit pero, bigla na lang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Nasasaktan akong makita siyang nakaratay sa kama.

"Bro! Ano ba naman yan. Ginagaya mo talaga ako no? Kung talagang ginagaya mo ako, sige. Gumising ka nga. Madaya ka rin eh! Lumaban ka pwede? Susuntukin kita kapag di ka nagising! Tignan ko lang kung di ka magdire-diretso." Sambit ko. Langyang luha! Tulo ng tulo.

The Heart's First Love [On-Going]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora