Chapter 15: Goodbye

135 27 7
                                    

Dahil Final exam week namin kaya naman, No Libot at kung ano ano pa. Basta focus lang sa Exam.

Sunday na at 2 days na lang sem-break na. Yehey! Di pa tumatawag yung Palakang yun ha! Baka Lasing. Sabi na kasing wag iinom. Lumabas ako sa may garden at dinala ko yung gitara ko. Mauulap ngayon ha. Wala namang bagyo. Umupo lang ako at nagsoundtrip.

[Now Playing: Runaway by Vanessa Carlton]

Wala sila Manang Ona ngayon, si Annie naman maya maya darating na rin siya.

"Tao po!" Teka, si Andrea yun ha?!

"Andrea! Napadalaw ka?"

"Eeee. V--Via" Para siyang kinakabahan na ewan.

"Kumalma ka nga muna!" Binuksan ko yung gate.

"Kasi Via yung mommy mo."

"Anong nangyari kay Mommy?!"

"Via, 3 days na siya sa Ospital. At ngayon Via Critical yung lagay ng Mommy mo!"

"Ano?! Andrea hindi totoo yan. Andrea naman eh. Ang Pangit ng Joke mo!" Naluluha na ako.

"Via! Hindi ako nagbibiro! Via tara na! Bago pa mahuli yung lahat." Umiiyak na rin si Andrea. Kaya di ko na napigilan yung sarili ko Napaupo ako at humagulgol.

"Andrea, hindi pwede. Andrea! Hindi.." Niyakap lang ako ni Andrea. Tumayo ako agad at kumuha ng gamit sa kwarto ko. Pagkababa ko agad kaming nagabang ng tricycle. Pero wala pa. Naiiyak na talaga ako.

"Via! anong nangyari?!"

"K-kei. mamaya na namin ikwekwrnto importante makapunta agad kami ng Pampanga"

"Ha? Osige sandali kukunin ko lang yung kotse ko." wala mang limang minuto nakalabas na siya. Agad naman kaming sumakay. Habang kinukwento ni Andrea kay Kei kung anong nangyari, ako naman balisa lang at nakatingin sa labas. Pumapatak din yung luha ko. Takot ako. Takot ako na iwan ako ni Mommy. Kaya ayokong maniwala noon na may taning yung buhay ni Mommy dahil ayokong isipin na mawawala si Mommy sa akin. Pagmulat ng mata ko nasa tapat na kami ng ospital. Agad kaming nagpunta sa kwarto ni Mommy.

"M-mommy. " nginitian lang ako ni mommy.

"Anak. I'm tired. I can't take the pain anymore. Please let me rest now" Nanghihina yung boses ni Mommy sa sinabi niya pumatak na lang ng pumatak yung luha ko.

"Mommy wag muna. Di ko pa kaya mommy. Ayoko pa mommy." Nakita ko yung luha sa mga mata ni mommy.

"Anak. Di ko na talaga kaya pa. Anak please let me go. Please." Niyakap ko lang si mommy. Pagkatapos hinawakan ko yung kamay ni mommy. Nakatulog na si Mommy pumasok naman yung doctor.

"Hija, May gusto lang akong sabihin sayo." Tumayo ako at lumabas kami.

"Hija. For all over 2 years na inaalagaan namin yung Mommy mo. Your mom really wants to give up. Nagstop na siya ng Medication 1 year na. Hindi na kasi tumatalab yung mga gamot niya. And It's gonna be a blessing if she'll survive for a couple of days. Tanggap na niya na wala na talagang pagasa. And kaya hinayaan ka niya na magaral sa Korea at Manila dahil gusto niya masanay ka na hindi mo siya kasama at wala siya sa tabi mo. Kaya sana ikaw din kayanin mo na wala na ang mommy mo" Masyado akong emosyonal ngayon kaya patak lang ng patak ang luha ko. Pagkapasok ko ulit sa kwarto ni Mommy may inabot na Note book si Uncle Dave sa akin.

"Wish List yan ng Mommy mo."

Binasa ko yung notebook. Lahat nakacheck na pwera lang yung sa last page.

-Magkaroon ng Apo na cute!

-Magkaayos si Ria at Via

-Mapatawad ni Via ang Daddy niya

The Heart's First Love [On-Going]Where stories live. Discover now