Chapter 9: Long Weekend

151 25 5
                                    

Nakarating na kami sa bar nandun na silang lahat.

"Ayan na si Vice President at may Escort pa." Sigaw ni Ardi. Napatingin naman silang lahat sa amin. Yung tingin nila may something eh. Umupo ako sa tabi ni Kara. Nagorder ng beer sila kuya kenji at kami naman cocktail drinks lang pero konting alcohol lang. may dala namang Mango Cake si Kara kaya agad namin kinain yun.

"Rabbit! Penge!" Binuka niya yung bibig niya at kumuha naman ako ng isang tinidor ng cake at sinubo sa kanya. Naramdaman ko na lang na nakatingin sila sa amin. kaya nahila ko agad yung tinidor sa bibig niya. Nagpatay malisya na lang ako. Haaay. Grabe.

"Hello Baby Via!" Buti na lang dumating si ate Minnie

"Ate Mi!" Nagbeso beso kami ni ate minnie. Grabe. Wohoo.

11:00 na kami nakauwi. As usual hinatid niya ako. Malamang magkapitbahay lang kami. Kinabukasan parang may mali. O sadyang nasanay lang ako na hinahatid at sinusundo niya ako? Pagdating ko din sa school wala pa siya. Pero nung umalis ako sa bahay wala na yung kotse niya. Hmm. Baka naman sinundo yung girlfriend niya. Naulit na ng naulit yun hanggang thursday. Buti na lang last week of Month of July na. Long weekend kami ngayon at makakauwi ako sa Pampanga para sa birthday ni Mama sa Sabado. Maaga akong aalis bukas para di ako abutan ng traffic.

Calling...

Oppa Kenji.

"Hello? Bakit?"

[Diba aalis ka ngayon? Gising na! 6:00 A.M. na oh. Baka matraffic ka pa]

"Okay. Thanks for reminding me Oppa! Bye!" Binaba ko agad at naligo naman ako agad. Matapos kong maligo at magayos. Sinalubong ako agad ni Yaya Ona.

"Good Morning Baby Via! Kain ka na. Nandyan na rin pala yung Brownies na binake ko para sa Mommy mo" Nginitian lang ako ni Yaya at kumuha na ako ng pagkain. Naglalakad na ako palabas ng Subdivision ng..

*Beep*

"Ay Palakang Bakla!" Napasigaw ako sa bigla. Sino ba kasi to?

"San ka pupunta? Bakit mukhang ang dami mong dala? Maglalayas ka ba?" Aba. after ilang araw na di niya pamamansin sa akin bigla niya akong papansinin? Abnormal din tong palaka na to ha! Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. "Hoy! San ka pupunta? Sama ako!" Ha? sasama siya? Problema niya?!

"Pupunta akong Pampanga! sasama ka? Tsk!" Di na ako nagabalang tignan siya.

"Oo sasama ako. Please sama mo na ako! Pleaseee." Nagpuppy eye siya.

"Sigurado ka?!" Tumango lang siya. Baliw talaga to! "Osya. Kumuha ka muna ng gamit mo sa bahay niyo."

"No need. Marami akong extra sa Kotse ko." Tinaasan ko siya ng kilay "Bakit nanaman Rabbit?"

"Sinong maysabing magkokotse? magcocommute tayo." May inis sa mukha niya umuwi muna siya sa bahay nila at kumuha ng gamit. After 20 minutes bumalik na siya. Nakaback pack at nakaCap. Nakasakay na kami ng Bus syempre ako sa may bintana. Umidlip ako sandali, Maya maya malapit lapit na kami sa Exit. namiss ko to. hahaha. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa labas. Napatingin ako kay Kei. Tulog siya halatang pagod. After 30 minutes nasa Bus station na kami. Bali 2 1/2 Hours yung biyahe kasama na traffic.

"Huy. Nandito na tayo." Minulat niya yung mata niya at kinuha niya yung bag niya at bag ko. "Uy. Mabigat Bag ko. San na yan" Di niya ako pinansin at dire diretso lang siyang bumaba. Tigas ng ulo! Grr. Sinalubong kami ni Andrea at Uncle Dave nang makita nila kami ganito lang naman ang expression nila » O.O

"Uncle! Andrea!" Niyakap ko sila. Miss na miss ko na sila eh.

"Let's go na" Alok ni Uncle

"By the way uncle, andrea. Si Kei po kaibigan ko. Kei, uncle ko then si Andrea--"

The Heart's First Love [On-Going]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang