Chapter 23: The Past

83 20 6
                                    

Nandito kami ngayon sa Puntod ni Lola Patricia at Ni Irene.

"Irene G. Quiambao? Sino yun Kei?"

"Isang taong naging mahalaga sa akin." Alam ko maraming gumugulo sa isip niya ngayon. Pero kailangan kong maging totoo.

"18 Years old na siya kung buhay pa siya. Ang bata naman niyang namatay. Anong kinamatay niya?"

"Nagpakamatay siya."

"What?! Nagpakamatay? Bakit naman?"

"Family problem tapos di siya nagawang mahalin ng taong pinakamamahal niya. Kaibigan lang kasi yung turing nung lalaki sa kanya"

"Ang sakit naman nun. Pero If ako siya, I'll never end up my life even if it's so miserable."

"Masakit talaga sa kanya na may mahal akong iba at hindi siya. Naging kami pero isa lang pagkukunwari" Alam ko mas naguguluhan siya.  Nakatitig siya sa akin "Napagalamanan ko lang na nagugustuhan ko na rin siya ilang araw bago siya magpakamatay."

Via's POV

"Masakit talaga sa kanya na may mahal akong iba at hindi siya. Naging kami pero isa lang pagkukunwari." Tinignan ko siya, seryoso ang mukha niya. Nasasaktan ba ako? Di ko pa alam eh. "Napagalamanan ko lang na nagugustuhan ko na rin siya ilang araw bago siya magpakamatay." Pumatak na lang ang luha ko. Siguro nga nasasaktan ako. Yumuko lang ako.

"Halos lagi akong nandito. Dinadalhan siya ng rosas. Huli man ang lahat para ipakita ko na mahal ko siya higit pa sa isang kaibigan pero gagawin ko pa rin."

Nagkwento pa siya tungkol sa mga ginagawa nila noon. Bakit ba pilit niyang sinasabi ang mga ganitong bagay? Nasasaktan ako.

"Via okay ka lang?" Hinawi niya yung buhok ko.

"A--ayos lang." Naghanap ako ng pwedeng palusot "A--ahh. Sandali lang pupuntahan ko muna yung puntod ni Mommy. Babalik na lang ako ulit dito."  Tumayo ako ng hindi pinapakita ang mukha ko sa kanya at kinuha ko yung Bulaklak.

"Teka. Sasa-" Di ko na siya pinagsalita.

"Wag na. Ako na" Naglakad na ako palayo. Nasasaktan kasi ako. Mahal niya yung babae.

Umupo ako sa harap ng puntod ni Mommy. Umiiyak pa din ako.

"Mommy? Normal lang ba na masaktan kapag ang pinaguusapan yung Past ng boyfriend mo? Ang sakit ng nararamdaman ko Mommy. Hindi man kasi totoohanan na naging sila pero minahal pa din naman niya eh. Hanggang ngayon ata mommy mahal pa niya.  Gusto kong isipin na second choice niya lang ako. Na kung hindi namatay yung girl baka wala naman kami ngayon. Mommy, too early to be hurted eh. Mommy I didn't wish to be hurt. Kagabi mommy I'm so excited to tell you na kami na ni Kei. Kasi diba yun yung nasa wishlist mo? Ikakasal na rin pala si Ate Minnie mommy. Tapos masaya na rin si Ardi at Andrea. Si Mommy Jen naman yung nagaalaga sa akin ngayon.  Mommy thank you kasi naiwan sila sa akin.  Mommy mauuna na po ako ha. Babalik po ako bukas. Di ko na po kaya yung sakit eh." Tumayo ako  at naglakad palayo. Nakasalubong ko siya, Sakto pinupunasan ko yung luha ko.

"Ayos ka lang?" Mukha ba akong ayos? Ano to tears of joy kasi nalaman ko yung about sa past niya?!

"Oo. Ayos lang ako. May pupuntahan ka pa ba?" Tinignan niya lang ako.

"Oo, sa bahay ng kaibigan ko."

"Sige. Mauna na ako. Pagod kasi ako eh. Bye."

"Teka. Ihahatid na kita."

"Wag na. Traffic na niyan. Tapos sayang lang sa gasolina mo. Mapapagod ka lang. Magcocommute na lang ako. Bye. Ingat ka na lang." Pigil na pigil ko yung pag-iyak. Nasasaktan talaga ako eh. Di ko masyadong kaya sa ngayon.

The Heart's First Love [On-Going]Onde histórias criam vida. Descubra agora