Chapter 26: Party I

62 15 4
                                    

I expect na after what happen Yesterday ay magkakaroon na ako ng haters. Pero parang iba.

"Hello Via!"

"Good Morning Via!"

Ano namang nakain nila? Nyay.  Hanggang pagpasok ko sa room naghihiyawan yung magugulo.

"Andyan na si Amazona!" Tumingin ako sa likod. Sino naman kaya?

"Via the amazona Girl! Proud M-101!" Sigaw pa sila. 7:30 na ha. wala pa si Mrs. Sy.
"Oh. wala na tayong pasok niyan!Presidente Kara! Wala ng pasok! Sayang pa yung 1 1/2 hours na natitira!"

"Sandali naman! Eto na oh nagtext na si Mrs. Sy" Binasa ni kara yung text "Dearest M-101! We don't have classes today. But be ready on Monday Oh ayan!"

"Yes!" Biglang umingay yung paligid namin. P.E na lang yung papasukan namin ngayon. Nako naman.

"Tara na." Hinila ko si Kara at nagpunta lang kami sa Office ng student Council.

"Nga pala. MB. Sasama ka ba bukas?"

"Saan naman?"

"Sa Party."

"Party ng alin?"

"Hindi ko alam eh. Wala din akong clue. Basta bukas daw. Sila Chee at Erin pupunta daw si Andrea din pupunta. Punta ka para kumpleto tayo!"

"Okay. Sige. Minsan lang naman tayong pumunta sa mga Party eh!"

"Right! Tama ka diyan."

Kei's POV

To: Kenji, Jett, Darren, Yro, Ardi
  Mga Dude! Nagkakagulo na yung notification ko para sa Party bukas.

Right! May Party bukas. Hindi dahil 1st Monthsary namin ng Rabbit ko kundi dahil 7 Years na ang Fav Boys. Parang sa tao kapag 7th birthday ng Isang bata effort talaga para magcelebrate. 11 pa lang ako nun ng mabuo yung Fav Boys. Grade 5 na ako nun. Ako yung pinakabata sa amin. Sunod si Ardi 12 lang din matanda nga lang ng 4 na buwan. August siya December ako. Sunod si Yro 12, Si Darren 12, Si Kenji 13 at si Jett 13 din. Bumalik kasi sila ng Grade 3 nung binagsak nila yung dalawang major subjects namin.
That time 11 pa lang nun si Via. Matanda ako sa kanya ng 9 months. ngayong 17 na siya 18 na ako sa December 28.

Abala na rin kami sa pagoorganize ng Venue. Si Ate Tanya na yung bahala sa Pagoorganize. Si ate Tanya yung tumayong Ate namin magmula pa noon. 4th year High School siya at Grade 5 kami noon. Sa Clubhouse namin gagawin yung Party bukas ng gabi. Todo-Todo yung preparation. Wala naman kaming ginastos actually si Ate Tanya yung gumastos sa iba then yung iba galing kay Mom.
Yung presidente naman ng Fans Club namin tumutulong din sa pagaayos. We're just lucky to have them.

P.E na pala namin niyan. Nako naman. Buti na lang walang pasok bukas. Nagpunta na ako sa Classroom namin sa P.E as usual nandun na ang mga makukulit at maiingay kong mga kaklase.

"Oy. mga klasmeyt! Nakita niyo si Via?"

"Ayun ohhh! Hinahanap niya. Ayiiiie."

"Tanga malamang Girlfriend niya. Andun sa likod."

"Thanks!"

Hinanap ko agad si Via. Nakita ko naman siya agad. Siguro nga ganun kapag mahal mo yung tao. Agad nakikita ng mga mata mo.

"Hello Rabbit! Hello Kara!"

"Hi Kei!" Bati ni Kara

"Oh. Pupunta kayo sa Party bukas?"

"Yes! Kami pa diba MB? :)"

"Hehe. Oo"

"Good. Nga pala di kita masasabay bukas ha Rabbit. Maaga kasi kaming pupunta sa Party eh."

The Heart's First Love [On-Going]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora