Imaginary

25 1 0
                                    

"Congratulations Rose!"

Sigaw ng lahat ng kapamilya at kakilala ko tuwing nakakasalubong ko sila. Finally, nakagraduate na ako! It's such a tremendous achievement. I'm beyond delighted to finally get hold of my degree and sooner or later, I'm going to become successful.

"Salamat po, maraming salamat po." I said as I excused my self from our mini get together. Just a couple of family and friends.

Nang lumabas ako ng restaurant ay walang masyadong tao. Pero punong puno ang paradahan ng mga kotse. Napasya kong umakyat na lamang sa itaas para magpahangin.

Dahan dahan akong umakyat sa mga palapag ng gusali. Ninanamnam ang bawat oras na dumadaan at lumilipas.

Hindi ako makapaniwala na nakatungtong ako sa ganito. Ang buong akala ko'y matatapos kaagad ang aking buhay, pero hindi nangyari.

Abandonado ang rooftop. Pero hindi siya nakakatakot. Napakaganda ng view sa itaas. You can clearly see the stars at night. They're shining so bright like little christmas lights up in the sky.

At sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumaan ang isang bulalakaw sa aking paningin. Agad akong napapikit at humiling.

"I wish you were here right now. I miss you so much. Magpakita ka naman sa akin kahit ngayon lang, or magparamdam okay lang. Basta naririto ka ngayon. I need you. And I still-uhm I just want to talk to you once again."

Pero kahit anong hiling ko sa mga bituin, kahit anong gagawin ko para matupad ang lahat ng ito ay laging palpak. Dahil hindi nagkakatotoo. Walang nangyayari. Kahit tumaas man lang ang mga balahibo sa aking leeg, kahit isang shadow lang, kahit magpakita siya sa akin ay hindi nangyayari.

Pinagbawalan na talaga siya.

Hindi na talaga magtatagpo ang aming landas kahit kailan.

Bigo akong bumaba. Tapos na ang celebration nila nang ako'y bumalik. Nagliligpit na ng gamit ang aming mga bisita at nagpaalam. Binigyan ko lang sila ng isang hilaw na ngisi. Wala akong ganang ngumiti ngayon. Dahil ang isang tangi kong hiling ay hinding-hindi pa rin natutupad.

Tumikhim ako at lumingon si Mommy. Nilapitan niya ako't niyakap.

"We're so proud of you, baby. Always."

I hugged her back and bidded her goodbye. Nauna na akong umalis sa kanila. I needed an escape. I felt driving for today. Kinuha ko ang aking backpack na may laman ng mga damit at pagkain. Girlscout na kung girlscout.

I grabbed my keys and headed towards my baby.

Oh how I miss driving so much.

Pero bago akong tuluyang makaalis, ay nilingon ko muli ang restaurant. This feels so nostalgic. Querencia hits me deepest here. It feels like I'm drawn to this place. And I know why.

This is the place where it began. And I couldn't forget it even for a gazillion years.

Papasok na sana ako ng akin sasakyan, nang biglang umiba ang ihip ng hangin. Mas lalong lumamig ang aking paligid at nagsitayuan ang aking mga balahibo. Walang masyadong tao sa parking lot. And malayo sila sa kinatatayuan ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Pumasya akong pumasok na lamang sa aking sasakyan. Pero bago ko pang maisarado ang pintuan, narinig ko ang boses niya.

It was faint but it was enough for me to hear his soothing and calming voice and I can't help but cry.

"I'm just here."

He said.

Mas lalo akong humikbi at umiyak dahil kahit kailan ay hinding hindi ko na siya makikita. At bumabalik lahat ng sakit at pighati ng aking nakaraan.

ReminiscenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon