Convenience Store

36 1 0
                                    

Natatandaan mo pa ako? Malamang hindi. Hindi mo naman ako kilala eh. At lalong hindi kita kilala. Magulo ba?

Convenience Store. Dito ko siya unang nakita. Hindi ko alam kung anong pangalan niya. Bigla akong naatract sa kanya. Iba kasi eh, iba siya ang gwapo niya. Parang artista.

Kung akala niyo na nalove-at-first-sight ako well then you're wrong. Crush st first sight lng siguro. When you say love dapat kilala mo ng husto ang mahal mo. Most of all tanggap mo mga hamartias niya. I don't believe in that phrase.

Hindi din ako naniniwala sa Fate, Kismet, Karma mga ganyang bagay. Hindi naman totoo iyan eh. Naniniwala ako diyan dati. Sadyang nagbago lang ako.

I've been hurt and they say pain can change people. And it does, it really does. Okay back to the topic.

Sunday iyon, kakatapos lng namin magsimba ni mama. Pumunta kami dito dahil may bibilhin daw siya. It's her time of the month eh and besides malapit lng to sa bahay namin kaya no problem.

"Anak, hanapin mo nga yung Modess Day and Night." Sabi ni mama. Bumili siya ng makakain. Hinanap ko nga ang pinapahanap niya. Kinuha ko na aalis na sana ako ng *bam*

May nakabangga sakin. Taragis naman oh. Pinulot nung tao yung napkin at binigay sakin.

"Sorry miss. Uh ito nga pala oh." Naiilang niyang inabot sa akin. Lalaki pala ito. Tinulungan niya akong tumayo. Ang lambot ng kamay niya at grabe ang gwapo niya.

"Geh, salamat." Tinalikuran ko na siya. Nakakahiya na nakakakilig. Ewan ko ba. Ang landi ko naman.

"Danzel! Tagal mo brad sino ba yang tinititigan mo kanina ka pa." Sabi nung isang matangkad na lalaki na maputi sa lalaking nakabangga sa akin.

"Kallea! Anak ang tagal mo naman." Sabi ni mama. Iniabot ko na sakanya yung pinabili niya nagbayad naman siya. Paalis na kami at wala na siya.

Danzel pala ang pangalan mo. Bakit biglang bumibilis ang tibok ng puso ko sayo?

~*~

Gabi. Nag away nanaman sina Mama at Papa. Nagfacebook na lng ako at mas lalo akong nasaktan. Sila na pala sabi ko sa isip ko. Si Yenzy pati si Pierre. Si Pierre parang infatuated ako sa kanya. Si Yenzy pinsan ko. Matagal ko ng kilala si Pierre to make it worse bestfriend ko siya.

Ginawa niya akong tulay para mapalapit sila ni Yen. Ang saklap kaya nun. Hindi na nga nagsimula ang lovestory ko sa once upon a time, hindi rin siya magtatapos sa they all lived happily ever after.

Ganyan talaga ang buhay, c'est la vie. Biglang may tumawag sa akin na unknown number. Sinagot ko din.

0906******* Calling.

"Hello?" Sabi ko. "Train! Tuloy tayo mamaya?" Sinong Train? Is this a prank call?

"Uh, wrong number ka siguro. Wala akong kilalang Train." Natahimik siya.

"Ay sorry miss. Nagkamali lng siguro ako. Sorry talaga Geh."

"Wait, besides hindi mo ako kilala pwedeng mag share? Sabi kasi nila mas magandang mag open up sa taong hindi mo kilala dahil hindi ka huhusgahan." Kailangan ko ng advice eh.

"Okay lng ano yun?" Tanong niya.

"May kaibigan kasi ako yung mahal niya sila na ng pinsan niya kung ikaw ang kaibigan ko anong gagawin mo?" Magulo ba? Haha. Matagal siyang hindi sumagot.

"Nagbibiro ka ba?" Mukha ba akong nagbibiro? "Hindi."

"Ganyan kasi sitwasyon ko." Wow ah. Coincidence? "Anong ginawa mo?" Tanong ko sakanya.

"Kahit mahal ko siya, pinakawalan ko. Alam ko kasi na wala ng pag asa. Sayang lang kung habulin ko siya. Hindi niya ako mahal. Anong laban ko sa pinsan ko? If it's meant to be, it will be. Ika nga nila. Kailangan na lng natin magantay." Wow naman. Mature siya mag isip.

"Salamat uh. Makakarating yan sa kaibigan ko. Geh na." Ibababa ko na sana ang telepono.

"Saglit! Anong pangalan mo?"

"Kallea, ikaw?"

"Danzel, bye Kal." Bago pa ako makapagsalita binaba niya na.

Danzel? Siya ba yung lalaki kanina? Or is it just a coincidence?

Coincidence lng siguro. Ayaw ko ring umasa. Ako lang ang masasaktan.

Danzel, sana makilala kita.

~*~

Days, weeks, months have passed. Naging mas madalas ang paguusap namin ni Danzel sa telepono. Lagi din kaming magkatext.

He's 18. Sa Trepline University siya nagaaral. Schoolmate ko raw siya. Nakita niya na raw ako. Pero hindi ko pa siya nakita.

"Ang ganda mo pala." Sabi niya sa akin noong nakaraang linggo. Nagulat ako at biglang kinabahan nakita niya ako. Woah.

Wala akong kilalang Danzel sa batch namin kaya imposibble na classmate ko siya. Sino ka ba? Gusto na kitang makilala.

Hapon, pumunta ako sa NBS kasama si Azerya. May bibilhin kasi kame. Hiniram niya ang cellphone ko. Pinahiram ko rin.

"BES SINO SI DANZEL?!" Sumigaw siya bigla. Shems nakakahiya pinagtitinginan na kame.

"Azy, hinaan mo boses mo. Hindi ko siya kilala."

"Hoy Kal. Ikaw ah lumalablyp ka na. I think he's into you kung sino man siya. Bahala ka na." Naglakad na siya papunta sa ibang aisle. Pakialamera talaga bestfriend ko kahit kailan.

Bago ako umuwi, dumaan ako sa Convenience store. Nagpapabili kasi si Mama ng Nutella para sa kapatid ko.

Hinanap ko na. Oh ayun pala. Nasa pinakamataas na shelf. Naman oh. Ang liit ko na lng nga. Paano ko 'to makuha? Tumalon talon ako. Yown! Nakuha ko na. Pero na out if balance ako.

"Oh sht." Sabi ko. Inantay ko na mahulog ako sa ground pero waley. Binuksan ko ang mata ko and woah.

May sumalo sa akin. Y-yung lalaki na nakita ko dito nung nakaraan. What the f? Anong pangalan nun? Nakalimutan ko na.

"Sa susunod mag ingat ka." Ohmaygash. Ang ganda nang boses niya. Ang sarap pakinggan. Oy Kal mamaya ka na makipaglandian.

"S-salamat pala." Ang gwapo gwapo niya talaga. Pwede na siyang pumasa bilang artista.

"Geh Kalleng see you around." Kalleng? Si Danzel lang ang tumatawag sa akin niyan. Shemay don't tell me.

"Danzel?" Lumingon siya at tumawa.

"Sa wakas! Nakilala mo rin ako. Yeah ako si Danzel." Nanlaki ang mata ko. Naman oh! Ang swerte ko talaga. Speechless pa rin ako.

Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. " Ang cute mo talaga. Geh kita lang ulit tayo dito sa Convenience Store."

Magkakalablyp na kaya ako? Hihihi. Sabi nga nila good things come to those who wait. Kay tagal ko na itong inantay.

Will I finally get my happy ending?

-

Natatawa lang ako geh. Trip ko lang 'to. Matagal ko na 'tong sinulat. Hahahaha. Geh thankszxc guys. 

ReminiscenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon