Sana Bumalik ka na (His Side)

926 18 14
                                    

Thea,

"Pre, hindi na siya babalik."


Yan ang lagi nilang sinasabi sa akin Thea. Sabi nila wag na akong umasa na babalik ka pa. Malabo na daw mangyari yun. Ilang taon na ba ang lumipas simula nung nabasa ko yung sulat mo para sa akin? It's been 7 years already. 24 na ako at 23 ka na. Hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. dineactivate mo lahat ng accounts mo eh.

Kumusta ka na? May asawa ka na ba? Masaya ka ba?

Kung sana hindi kita iniwan dati. Kung sana hindi ko pinili si Dana dati edi sana nandito ka ngayon sa tabi ko. Ang bobo ko talaga. Hindi ko alam kung bakit si Dana ang pinili ko. Siguro natakot ako para sayo, para sa atin. Nasa mafia kasi ang tatay niya. Ipapatay ka daw niya pag hindi ko siya pipiliin.


Kahit sobrang sakit ginawa ko ang gusto niya, sinaktan kita dahil mahal kita. Ang gago noh? Ginawa ko iyon para protektahan ka. Ayaw kong mawala ka sa buhay ko. Ayaw kong mamatay ka. Kaso yun nga, nawala ka pa rin sa akin.

Remember the time na sinabi kong walang maiinlove Thea? Natakot ako nun. Natakot akong magmahal. Natatakot akong masaktan. Pathetic right? Kaso pinaglaruan tayo ni kupido. Nahulog ako sayo, nahulog ka rin sa akin.

Nung time na umiyak ka sa harapan ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Doble yung sakit na naramdaman ko. Ang gago ko kasi. Ako ang nanakit sayo. Sinaktan kita. Ayaw na ayaw kong nakikita kang nasasaktan. Kaso yun nasaktan ka pa rin. Gusto kitang yakapin at ipunas ang mga luha mo. Kaso hindi ko magawa. Nagulat ako sa sinabi mo.

Sinabi mong mahal mo ako, mahal mo ako higit pa sa bestfriend. Mixed emotions ang naramdaman ko nun. Magtatapat sana ako sayo kaso bigla kang umalis. Naiintindihan ko kung galit ka sa akin, kung ayaw mo na akong makita. Ako rin ang may kasalanan eh. Iniwan kita. Sinaktan kita. Sabi nga nila sa huli ang pagsisisi. Nagsisisi ako dahil ginawa ko iyon sayo. Sana maibalik ko sa dati ang lahat at maging masaya na tayo.


Yung nakasulat sa letter mo dati kung masaya ako, well here's my answer. Hindi ako masaya. Not now and never will be. Sana bumalik ka na. Para masabi ko na ang lahat ng ito sayo. Mahal din kita higit pa sa bestfriend. Bumalik ka na Thea. Please?

Alam ko na may posibilidad na baka kasal ka na, na baka may asawa ka na. Hindi ko rin alam kung mahal mo pa ako. Ang gago ko talaga. Dahil sa isang maling desisyon nawala ka, nawala ka sa akin. Kung pwede lang ako bumalik sa nakaraan at ulitin muli ang nangyari, ginawa ko na. Thea umaasa pa rin ako hanggang ngayon, paano ba eh mahal na mahal kita.

Sana bumalik ka na Thea, bumalik ka na. Kahit hindi para sa akin, basta bumalik ka lang masaya na ako.

Hihintayin kita kahit gaano pa katagal. Kahit ilang taon pa. Alam ko na baka hindi ka na babalik. I'm still hoping that one day babalik ka, babalik ka sa akin. And when that day comes, gagawin ko ang lahat para mapasakin ka muli. Pangako yan Thea. Mahal na mahal kita.

Umaasa,
Luke

ReminiscenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon