Almost is Never Enough

113 3 0
                                        

"Trace, may liham ka rito oh." Agad naman akong napabangon sa pagkahiga. Who would send me a letter this time of night? It is almost midnight. Anong trip ng taong 'to?

Bumaba ako habang dala dala ang aking cellphone. Why do I kept on remembering her? Ano ba ang meron siya? Ako na nga ang nang iwan ba't parang ako pa yung nasasaktan? I know I'm an asshole pero iba talaga yung epekto sa akin ng babaeng yun. Ewan ko ba.

"Hoy Trace! Dalian mo na nga! Ang bagal bagal mong bumaba, para kang babae!" Sigaw ni mama sa baba nang hagdan.

"Iwan mo na lang muna diyan ma, hindi naman siguro yan ganun kaimportante." Umupo ako sa isang hagdan. Nanghihina nanaman ako. Tama ba yung ginawa ko? Tama bang iniwan ko siya? Alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. Sana kinaya ko, sana hindi ako naging duwag. Sometimes I hate myself. I hate my decisions. I hate everything.

Kahapon. Sinaktan ko nanaman siya. Ayos ka lang ba Ariesa? Masaya ka na ba ngayon? Or are you still hurting because of me?

Hindi ko talaga malilimutan yung nangyari kahapon. Tinawag mo 'ko pero hindi kita pinansin. Ni hindi kita nilingon. Ang tanga tanga ko. I am the most foolish man on Earth. The way you called me was so full of pleading.

"Trace!" Hindi kita nilingon, patuloy lang ako sa paglalakad nung tinawag mo ako. Naramdaman kong dahan dahan mo akong sinundan kaya mas lalo kong binilisan ang aking paglalakad.

"Trace Martin!" Sinigaw mo ang pangalan ko, madming lumingon sa direksyon mo. Kaya tumakbo ako palayo. Pero bago ako makaalis ay narinig ko ag usapan ng bestfriend mo.

"Hindi ka narinig nun, siguro mahina lang talaga ang boses mo." Mali ang sabi ng bestfriend mo, narinig kita. Dinig na dinig ko ang sigaw mo tumagos nga hanggang buto eh. I miss your voice. I miss it so much.

I wish we can go back to the way we used to be. I wish I didn't leave you behind. I wish you were still here with me. I wish everything will be okay. But these are just hopeless wishes.

Bumaba na ako. I got curious with the letter. Who sent this? I flipped it backwards pero walang nakasulat kung kanino ito nanggaling.

To Trace

Bigla akong pinawisan ng malamig. I know her writing. Why, Ariesa?

First of all, the reason behind I wrote this ay para malaman mo kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa lahat ng nangyari, for you to understand me and my actions, and para malaman mo ang side ko. It's hard for me to do this kind of thing because this is my first, and hopefully the last. Dito ko na lang din naisip sabihin ito sayo, kasi baka di ko makaya pag harap-harapan.

Honestly, hindi ko alam paano o saan ito simulan. Siguro dun na lang pinaka-una.

I don't really know you that well. Nakikita lang kita sa school noon. Napag-uusapan ka ng mga friends ko and since hindi naman kita kilala, wala lang sakin. But who would have thought that all of this will start in a single comment? Yes, sa isang comment. Di ko alam if natatandaan mo pa pero ako, hinding-hindi ko yun makakalimutan. It sounds corny but it's true. To think na galing sa isang stranger ang compliment, it really made my day a whole lot better. Na kahit paano, may nakaka-appreciate ng talent ko. It made my self-esteem boost a little, you know as a girl.

That time, class ko sa PE and we're dancing the swing. As usual, every PE time ko lang naeenjoy ang pinakafavorite ko, ang sumayaw. Di lahat nakikita ito. And sa mga oras na ito ko lang naipapakita ang nakakalokang side ni Angelique. After ng class, eh nagpahinga muna kame. And usual, dahil mahilig ako sa camera, may selfie muna ako para i-post sa IG. Di ko aakalain sa picture na yun mag sisimula ang lahat. Nagcomment ka dun, na ikinagulat ko naman. I don't know how paano pero pinabayaan ko nalang.

Di rin ako sure kung saan mo ako nakita. Nakita ito ng besfriend ko at simula nun, she started teasing me about that guy. Sinuway ko naman sya kasi, stranger nga sya then ano-ano iniisip niya. Ang sabi nya lang sa akin is huwag ko raw isarado ang pinto ko para sa iba. What she said was like a slap in my face. Alam ko naman yun, pero masisisi mo ba ako, after what 'that' guy did to me. Mahirap, sobrang mahirap. I kept on arguing with her na hindi.

I won't let that happen again. Kinalimutan ko na yung tungkol sa post ko. Kinalimutan ko na yung tungkol sa sinabi ni bestfriend sakin. After how many weeks, bigla kang ulit nagparamdam. This time, I entertained you. Nakipagkilala and nakipag-usap ako sayo. I tried to be friendly and all, since yun talaga ang pakay ko. And it turned ot just as I thought. Naging magkaibigan nga tayo. Nakapagtext, nakapag-'get-to-know-you' na. Then I was starting to notice something. Kasi honestly, yun na rin ang nararamdaman ko that time. Sino ba namang hindi, isa kang sweet na guy, masaya kang kausap, and simply talking to you makes me feel good.

Then I realized kung anong kinalalagyan ko. 'Hindi dapat!' sabi ko sa sarili ko. But there's something inside me na pinipigilan yung sinasabi ng utak ko. Then I decided to ask you, pero not directly. Dahan-dahan akong nagtanong, seeking for answers.

Then ayun na sinabi mo nga na. Na importante na ako sayo and I said the same. Later that night, you said those magical words that made my heart flutter like crazy. Bigla tuloy nawala yung mga pag-aanlinlangan ko. Na maybe nga it's time to open my door to someone that'll actually take me seriously. Mas naging close tayo sa isa't-isa.

But then I was wrong. Kung gaano kabilis tayo naging close, ganun din kabilis tayo naging cold, or maybe ikaw ang naging cold sa akin. I understand naman na busy ka, na may iba kang pinagkakaabalahan and I said sorry many times naman diba. But then one day, nawala lang. As in parang bula. Di na tayo katulad ng dati. Every night, I overthink. Inisip ko kung totoo ba lahat ng pinakita mo, mga sinabi mo, lahat-lahat. Hanggang sa napagod na ako, binalewala ko na lang.

After all, ano lang naman ako sayo diba, wala. I tried so hard to forget. Parang nagpatung-patong na lahat ng nangyari. Gusto kong iiyak lahat pero walang lumalabas na luha. Siguro naubos na rin lahat. Nakakapagod kaya. So I just want to clear things up with you. Gusto ko lang malaman mo nasaktan ako, kahit alam kong wala akong karapatan. Na the moment you said you like me, I expected something. Oo alam ko assuming ko noh. Well, di mo ako masisisi. I liked you, you idiot. Pero alam ko naman na hindi na yun maibabalik.

I just want to say thank you na nakilala kita, at kahit paano, I met someone like you. Thankful rin ako na ay nagkagusto rin sakin, di nga lang nagtagal. So no hard feelings ah? Promise di naman ako galit. So there. Nasabi ko na lahat. Di ko rin alam kung mukha pa akong kayang ipakita sayo.

It was wonderful to have someone like you in my life, for once.

-Ries

Tears started to flow, rapidly. Ganito ba talaga ang naramdaman niya? Why am I so foolish? Why didn't I take the risk? Why did I hurt her so badly? Can I turn back time.

Sana hindi na lang kita nakilala, sana hindi na lang kita minahal para hindi ka masaktan ng ganito. Sana maging masaya ka na. Ang tanga tanga tanga ko talaga.

I wish you'll find someone who is worth your love. Who will be your everything. You'll eventually find him. You just need time.

We were almost there but I guess we were never meant to be.

ReminiscenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon