Alam mo ba?

48 3 2
                                    

Alam mo ba na sobrang sakit na?
Alam mo ba na hindi ko na kaya?
Alam mo ba na nagseselos ako?
Alam mo ba na bumalik ang lahat ng nararamdaman ko para sa 'yo?
Alam mo ba na kahit punyeta ka, masaya ako kapag nariyan ka?
Alam mo ba na gusto kitang kalimutan? Alam mo ba na pagod na ako?

Alam mo ba?

Alam mo ba na umaasa pa rin ako?
Alam mo ba na halos mamatay na ako?
Alam mo ba na mahina ang puso ko?
Alam mo ba na may sakit ako?
Alam mo ba na ilang beses na akong naospital?
Alam mo ba ang hirap ng pinagdadaanan ko?
Alam mo ba na may taning ang buhay ko?

Alam mo ba?

Siguro hindi, dahil masaya ka na.
Maligaya ka sa piling niya.
Lagi kang tumatawa't hindi lumuluha.
Hindi katulad ng dati na lagi kang nasasaktan.
Kasalan ko rin naman, dahil tinutulak kita palayo.
Dahil alam ko ang aking daratnan.
Dahil malapit na akong kunin.
Malalayo na ako sa iyong piling.

Patawad sa lahat lahat.
Salamat na rin sa lungkot at ligaya.
Naging masaya ako noong mga panahong kapiling kita.
Pero ito'y nawasak at nasira.
Dahil mawawala na ako mamaya.
Hinding-hindi mo na ako makikita.
Malaya ka na.

Psssst.

Alam mo ba? Mahal na mahal kita. Walang nagbago simula't sapul pa. Hinding hindi kita makakalimutan.

Hiling ko na sana'y masaya ka na. Hindi mo rin 'to malalaman. Ako na ang bahala sa lahat. Basta lagi mong tandaan na mahal kita.

Sana, mahal mo rin ako.
Sana, alam mo 'to.

Sana

ReminiscenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon