Chapter 19

14 2 0
                                    

February 20, 2018

It's my 17th birthday!

Tapos na klase ko at nagmamadali ako mag-ayos ng bag at mag-ayos ng itsura. Tinignan ko muna ang oras at message ni Al sakin.

Al: Dito na ko sa labas

Dahil this is my first birthday na may jowa hehe. Bawing bawi sa ingget sa iba nung valentine's kasi ako pa dumayo sa Laguna. Buti naman ngayon naisipan ng jowa ko na ako naman dayuhen 'no. Para ma-flex ko naman, tamang clout chaser HAHAHA.

Nag-lakad na ko pa-gate na ngiting ngiti.

Nakita ko agad si Al sa may upuan sa guard house, kaya kumaway kaway agad ako.

This is my first time masundo ng jowa sa school. Ang sarap pala sa pakiramdam? Parang main character moments pala kasi pinagtitinginan, lalo't may hawak pa si Al na sunflower. Tama kayo ng nakikita! First time ko den makaka-receive ng flowers na hindi galing sa pamilya! Nakaka-ilang na nakaka-kilig na nakaka-hiya yung feeling.

"Happy birthday, baby." ngiting salubong saken ni Al at niyakap ako sabay kiss sa pisngi ko.

"Thank you, baby!" ngiting ngiti kong sabi habang inaabot saken ang sunflower.

Nag-lakad na kami palabas, at narinig kong nang-aasar at naghihiyawan mga kaklase ko nung makita akong may hawak na sunflower at palabas kasama jowa kong lagi kong fineflex kasi first time nga! Dumila lang ako sa kanila na mapang-asar tapos tumawa at kumaway pa-babye.

Nakalabas na kami at luminga-linga sa kalsada saka tumawid.

Direcho kasi kami sa condo, papalit lang ako then baka kakain lang somewhere. Student budget meal lang. One batch higher lang sakin si Al kaya sila yung first SHS batch, so inabot din sya K-12 and G12 na sya now, graduating na and pa-college na.

Sumakay na kami ng jeep pa-condo and as usual tumingin ako sa bintana at hinayaan lang ang hangin na humaplos sa mukha ko, tumabi naman si Al sakin at inakbayan ako. Nakapikit lang ako para ipahinga ang mata ko. Di ko kasi bet makipag-daldalan sa byahe. Parang alone time ko den sya somehow.

Dumilat ako at tinignan ko yung hawak kong sunflower. Ngumiti ako.

All in all, Al's a good boyfriend naman. Although, we argue palagi dahil palaging nag-caclash ugali and opinion namin, it's normal naman sa magkasintahan diba? Pero pinaka-mahirap samin is yung distance. All his past girlfriends were near lang kasi, parang ang love language nya ata is act of service, hatid-sundo, alaga, silbi. How can he do that nga naman sa virtual? Kaya natuto din ako mag-cutting gawa ng pag tinotopak sya, di kaya kausapin sa chat, talagang pinupuntahan ko sa Laguna.

Tinignan ko uli yung sunflower.

Pero...I hate sunflowers.

Na-konsensya ako sa na-isip ko. Grabe na nga yung effort nung tao bumyahe tapos binigyan pa ko bulaklak. Napaka-panget naman ng utak ko.

Umayos ako ng upo tapos tinignan ko si Al na nag-cecellphone at nanonood ng mga videos.

"Thank you sa flower, baby." ngiti ko sa kanya

"Welcome" ngiti din nya sa akin at bumalik sa panonood

Nakadating na kami sa condo and umakyat na kami sa elevator.

Nung binuksan ko na yung door sa condo, nagulat ako na may balloons. Mabilisan akong lumingon kay Al na nag-vivideo na pala.

"Happy birthday!" ngiting ngiti nya

Pumasok pa ko sa condo at nakita kong naka-attach sa taas yung mga balloons na may pictures namin sa string, tapos sa mirror part, may naka-engrave na HBD na malaki tapos puro post-its na notes nya.

Walking in a Bad IdeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon