–KERA POV–
★ ★ ★
“Kera! Bumangon ka na riyan anong oras na!” Sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto. Dahan dahan ko naman kinapa ang phone ko para tignan kong anong oras na ba. Napabalikwas ako ng makita kong it's already 6:45 in the morning na pala.
“Shit! Late na ako!” Dali-dali naman akong bumaba sa kama at kumuha ng towel. Pa takbo akong nagtungo sa banyo dito sa loob ng room ko. Mabilis lang akong natapos sa pag ligo. Lumabas na ako ng banyo habang naka tapis at may ipit sa buhok. Dumeritso kaagad ako sa closet para mag bihis ng uniform.
‘Yong style ng uniform namin, kagaya sa mga korean. ‘Yong blouse nito kulay white na merong necktie na blue. Then yung skirt 2 inch above the knee, kulay gray at meron ding dark blue na jacket. Sa bandang gilid nito don naka lagay ang logo ng university kong saan ako pumapasok.
Pagkatapos kong magbihis ng uniform nag lagay lang din ako ng pulbos at liptint na pink. ‘Yong kahit strees ka na pero maganda ka pa rin.
“Oh! Pak ang ganda mo self!” Puna ko saking sarili habang naka harap sa salamin na may ngiti.
That's it! I'm Kera Salvia ang student na pinangarap na mapunta sa aking crush. May pagka mataray pero mapagmahal pa rin sa ibang tao especially to family and friends. Maputi mahaba ang buhok, tamang tama lang ang tangos ng ilong. Mahaba rin ang pilik mata. ‘Yon ngalang pinagkaitan ng height. I am senior high students I belong on stem strand.
Ang usual routine bilang student ay gigising sa umaga, para magready, kakain ng almusal, papasok sa school, makipag chismis sa mga friends uuwi at matulog. Gano’n araw araw ang buhay ko halos paulit-ulit lang.
“Kera! Lumabas ka na riyan may pasok pa kayo!” Sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko.
“Opo Ma! Papalabas na!”
“Ang tagal mo mag ayos!” Sermon ni Mama sakin habang naglalagay ito ng plato sa lamesa.
“Si Mama talaga, normal lang naman mag ayos ako sa sarili ko dahil babae ako hindi naman ako katulad ng iba diyan na nagmumukhang clown dahil sa subrang kapal ng make up.” Sagot ko naman dito sabay upo.
Maya-maya lumabas na 'yong kapatid ko galing sa sariling kwarto nito. Siya si Kieron bunso kung kapatid sabihin na lang natin na pogi nag mana sa ate may matangos na ilong may pagka-masingkit at mayroong dalawang dimple sa magkabilang pisngi na ipinagyayabang niya tuwing nag'aaway kami.
“Morning ate, good morning Mama.” Bati nito sabay upo sa katabi kong upuan. Nakabihis na rin ito ng sariling uniform.
“Kumain na kayo.” Sabi ni mama kaya sinimulan ko nang kumain. ‘Yong ulam namin sinigang na baboy at piniritong bangus. Pagkatapos kong kumain nag paalam na ako kay mama. Nauna na ako kay Kieron dahil magkaiba naman 'yong school namin.
Its already 6:58 in the morning kaya medyo masarap 'yong hangin dito sa subdivision. Nasa labas na ako ng subdivision para magbantay ng Taxi buti na lang dahil may dumaan kaagad.
“Saan po kayo Ma'am?” Tanong ng driver.
“Sa Fernandez university lang po kuya.”
'Di naman gano'n ka layo 'yong university na pinapasukan ko mula sa subdivision namin. Yes, sa subdivision ako nakatira pero hindi kami gano'n ka yaman. 'Di kagaya ng iba na merong sariling magarang sasakyan, saka hindi rin kami kagaya ng iba na may sariling Bahay sa subdivision yong samin kasi nagbabayad kami buwan buwan hanggang sa ma full paid namin.
“Thank you po.” Pagpapasalamat ko kay manong sabay abot ng pamasahe.
Naglakad na ako papuntang room ko nasa third floor kasi ‘yong section ng stem strand. 'Di pa gano'n ka rami 'yong student dito sa campus ang aga pa kasi. 7:30 yung start ng klase namin kaya malaki pa ang oras, umaga akong tuwing pumapasok kisa much bitter kasing maaga kisa naman ma late.
YOU ARE READING
MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED Unedited]
Teen FictionHindi niya enix-pect na matagal narin pala siyang gusto ng taong gusto niya, at kumu-kuha lang pala ito ng tiyempo para umamin sa kaniya. At nong dumating yung araw na yon nang umamin ang taong ito sa kaniya, hindi siya makapaniwala na nangyari ito...