Chapter 9; Jealous

58 6 0
                                    

–KERA POV–

★  ★   ★

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Ramdam ko rin na parang merong brasong mahigpit na naka yakap sa bewang ko.

Dahan dahan naman akong humarap dito pero ganon na lang ang ikinagulat ko nang bumungad ang mala angel na mukha ni Kyro habang mahimbing pa itong natutulog. Imbes na umalis sa pwesto namin ngayon tinuon ko lang ang paningin ko sa maamong mukha nito.

Hindi kona pala namalayan na pinagmasdan Kona ito nang matagal. Ang ganda ng shape ng mukha nito dumagdag din ang mahabang pilik mata and especially here pointed nose. Mula sa ilong nito dumapo ang paningin ko sa pinkish lips nito.

‘Diyos ko Kera! Mahiya ka naman sa sarili mo! Tulog yong tao pinagpapantasyahan mo!’ Natampal ko na lang ang sarili ko dahil sa mga malilikot kung pagiisip, pero Hindi parin maalis ang tingin ko dito habang mahimbing pa rin natutulog.

‘hindi na ako magtataka kung bakit marami akong kaagaw dito.’

“Qre you done staring at my face?” paos nitong tanong dahilan ng ikinagulat ko, agad naman akong lumayo dito na parang hindi alam Ang gagawin.

“H-hindi kaya.” tanggi ko pa sabay iwas ng tingin.

Pero Imbes na makipag talo ito sakin agad na itong bumangon at umopo ito patalikod sa gilid ng kama.

“Liar.” sagot nito at tumayo papuntang bintana para hawiin ang kurtina na nakatakip sa mula sa sinag ng araw.

Ginalaw galaw ko naman ang sarili kong paa, napangiti naman ako ng palihim nang medyo hindi na ito masakit. Dahan dahan naman akong bumaba sa kama habang nakahawak sa headboard ng kama.

“T-thanks lord kahit papano makagalaw na rin ako.” Turan ko pa habang may ngiti sa labi.

Bigla naman ako napaigtad dahilan kung bakit dumulas ang kamay ko sa headboard, buti na lang kaagad naman akong naagapan ng mga braso. Paglingon ko si Kyro pala don ko lang din na realized na andito pa pala ito sa loob ng kwarto.

“Be careful, baka meron pang injured na hindi pa stable.” nag-alalang wika nito.

‘Iwan ko ba sa sarili ko simpleng salita lang nito kaya na agad pabilisin ang tibok ng puso ko.’

“O-ok lang m-medyo stable na din naman ito dina kagaya nong Isang araw.”

Agad naman ako humiwalay mula sa paghawak nito, bago pa ako atakihin sa puso dahil sa abnormal na pag tibok nito.

Sa mga oras nato subrang saya ko dahil makakabalik na rin ako sa school. Ilang araw din na Hindi ako nakapasok ganon din si Kyro dahil sa pag-alalaga sa amin ni Kieron. Kaya malaking pasalamat ko talaga dito tinupad niya talaga ang pinangako niya Kay mama bago ito umalis.

“Hmm... KY hindi kaba papasok now?” basag ko pa sa katahimikan.

Nag-alala lang ako baka pagalitan ito ng daddy niya na hindi siya pumasok dahil samin ni Kieron.

“Tomorrow na lang ako papasok.” sagot nito habang inaalalayan ako palabas ng kwarto.

“Ok lang na papasok ka mamaya, kaya ko naman lumakad.” Sagot ko dito.

Pero pag bukas ok na talaga babalik na kami ni bunso sa bahay hintayin na lang namin si mama na makauwi.

Pero Imbes na sagutin nito ang sinabi ko, bigla na lang umangat ang katawan ko mula sa sahig dahil binuhat ako nito nang pa bridal style. Ang kaninang normal na pag tibok ng dibdib ko Bigla na lang itong bumilis.

Pero Imbes na magreklamo pinalupot ko na lang ang braso ko sa batok nito.

“D-dahan lang.” pagpapaalala ko pa dito nang pababa na kami sa hagdan. “Trust me,” kalmadong sagot nito na parang hindi man lang nahihirapan.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED Unedited]Where stories live. Discover now