KERA POV
Walang tigil ako sa pag-iyak habang nakagapos ang dalawang paa at kamay ko sa upuan, at tanging hagul-hol ko lang ang maririnig ko dito sa loob ng ware house. At hindi ko alam kong sino ang may kagagawan nito sakin, natatakot narin ako sa kong ano ang gagawin nila sakin.
Sino kaya ang tutulong sakin dito? At ano kaya ang gagawin nila sakin? Alam kong nag-aalala narin sina Kyro sakin, at lalo na si mama. At kumakalam narin yong sikmura ko dahil hindi pa ako nakakakain, b*b* lang talaga yong nag bigay ng pagkain sakin. Binigyan nga ako ng pagkain pero hindi naman ako makakain dahil naka gapos ako..
"Sa nagbigay sakin ng pagkain salamat pero ang bobo mo. Pano ako kakain kong naka gapos ako!" Sigaw ko sa lalaking nag bigay sakin ng pagkain na satingin ko ay nasa labas at nag babantay sakin.
"Arghh potanginaa mo!" Mura ko, at pilit na kumawala sa gapos na ginawa nila sakin.. at habang nag pupumiglas ako ay bigla nalang akong nakarinig ng boses sa labas ng warehouse..
"Nasa loob po siya madam," rinig kong sambit sakaniya ng isang nagbabantay din siguro sakin. Satingin ko mukhang yong kausap niya ang may pakana sa pag kidnap sakin, "tinali niyo ba siya ng maayos?" Rinig kong Tanong ng isang pamilyar na boses sa lalaki, at bigla namang pumasok sa isip ko si Joys pero satingin ko naman ay parang nag bago naman siya kaya parang imposible namang siya ito.
Pero nagulat ako sa nakita kong tatlong babae na nakatayo sa pintuan pagkabukas nito, ang buong akala ko nagbago na talaga siya pero hindi pa pala.
"Will, will, will," sambit niya habang lumalakad papunta sa gawi ko. Tiningnan ko naman siya ng masama, "Joys." Inis kong tawag sa pangalan niya sabay tingin ng masama sakaniya."gulat ka no?" May halong pang minis niyang Tanong sakin, "hindi-- kundi gulat na gulat." Pilosopo kong Sagot sakaniya, "Hahaha" tawa niya naman.
"Kong satingin niyo nagbago na talaga ako, pwes nagkakamali kayo. My name is Joys Soriano at walang Soriano na basta-bastang nagpapatalo!" Mahabang lintya niya sakin.
"Ano naman ang kinalaman ko sa surname mo? At ano naman ang pakialam ko kong Soriano ka!" Singhal ko naman sakaniya, at Totoo naman. "Ang tapang mo rin talagang babae ka no," sabat naman ni Grace na nasa gilid ni Joys at naka cross arms. "alangan namang magpapatalo ako sainyo." Laban ko naman, pero bigla nalang akong sinampal ng malakas ni Joys at saka niya hinigit ang kwelyo ko at inilapit sakaniya.
"Ang dami mong utang sakin, lahat ng para sakin ay inagaw mo. At unang-una na don ay si Kyro, kaya humanda ka ngayon sa ipaparusa ko sayo!" Lintya niya at saka ako sinampal ulit, ang sakit na ah.
"Kulang pa yan, Joys kaya dag-dagan mo pa." Sol-sol naman ni Jenny, "Jenny's right habang naka gapos pa ako dito bumawi kana. Dahil pag ako nakawala dito hindi na talaga kita palalagpasin pa," banta ko naman sakaniya.
Kita ko naman ang pag ngisi ni Joys na patakilid, Alam kong may hindi silang magandang gagawin sakin. Kaya ngayon palang ay hinahanda ko na ang sarili ko, Kyro nasan kana ba?
Nanghihinayangan ako kay Joys, hindi pa talaga siya nakukuntento sa mga ginagawa niya sakin. Nanghihinayang ako sa mga araw na paulit-ulit ko siyang binigyan ng pagkakataon para mag bago at patawarin ito pero lahat ng yun ay isinawalang bahala niya lang. At ito narin yong huling pagkakataon na pagbibigyan ko pa siya ulit..
"Ihanda niyo na ang pinahahanda ko sainyo," utos niya sa isang lalaking isa sa mga dumakip sakin. "Opo madam," Sagot naman ng lalaki Sabay tango, hindi ko alam kong ano ang ibig niyang sabihin pero bigla nalang akong nakaramdam ng pangingilabot.
"Ano kaya ang gagawin ng nga bruhang to sakin?" Tanong ko sa sarili ko, "get ready your self b*tch." Sambit ni Joys sakin at saka pairap na lumabas, sumunod naman ang dalawa pero bago din Yon ay umirap din muna ang mga ito sakin. Matanggal sana mata niyo kakairap sakin, mga hinayupak kayo.
Lumipas ang ilang minuto simula nong iwan na ako ng tatlong bruha na yon, hindi parin ako sumusuko sa pagtanggal ng gapos sa kamay ko. Sumasakit narin ito, pag ako talaga nakawala dito talagang malilintikan sakin ang tatlong bruha na yon.
Bigla naman akong tumigil sa pagpupumiglas ng may narinig akong ingay mula sa labas.
"Hi sa inyo!" Rinig kong Sigaw ng isang pamilyar ding boses sakin, "gago pano nakapasok yon dito, tara habulin natin." Sambit ng isang lalaki, hindi ko naman alam kong umalis ba sila pero bigla nalang ding bumukas ng dahandahan ang pintuan.
Agad namang lumiwanag ang mata ko sa taong nakita kong bumubukas ng dahandahan ng pintuan, biglang nawala lahat ng pangamba ko at sa halip ay pinalitan ito ng pagkasabik at ng pag ka tuwa.
"K-kyro," mahina kong bulong na pagtawag sa pangalan niya. Agad din niya akong sininyasan na huwag maingay, at napangiti naman ako ng patago.
Dahandahan din siyang lumapit sa gawi ko at saka mabilis akong tinanggalan ng gapos, at pagka tanggal niya agad ko siyang niyakap ng mahigpit na mahigpit.
Subrang saya ko sa mga oras nato at feeling ko safe na ako sa mga bisig nito.
"Pano mo naman nalaman kong nasan ako?" Tanong ko sakaniya, habang nakayakap parin ng mahigpit."long story baby, the important is you're now safe." Balik niya Pabulong sakin at saka hinaplos-haplos ang buhok ko.
"It's no longer safe here so let's go," sambit niya at saka kumawala ng yakap sakin at hinawakan ang kanang kamay ko at saka hinila palabas ng pintuan ng warehouse. Pero sa bawat galaw namin ay mayroon ding pag iingat, at hindi parin nawawala ang pagkahawak ni Kyro sa isa kung kamay ko..
Napangiti naman ako ng patago, buti nalang talaga at dumating si Kyro. Dahil kong hindi baka nagawa na nila ang plano nina Joys sakin.
Nong makalabas na kami ni Kyro sa warehouse ay bigla kaming nakita ng isang lalaki na naghatid kanina sakin ng pagkain.
"Hoyy!" Sigaw, at saka tumakbo papunta sa gawi namin pero buti nalang at agad na lumiko si Kyro sa isang daanan sa kaliwa at hila-hila ako habang tumatakbo. Agad ring dumami ang mga sumunod samin.
"Pigilan niyo, sila!!!" Sigaw ni Joys na sumunod din pala."ky h-hindi ko na kaya!" Hinihingal kong reklamo sakaniya. "Ngayon pa ba tayo hihinto!" Balik niya sakin at hila-hila parin ako.
"Pagod na ako," reklamo ko pa."huwag kalang bumitaw," sambit niya tumango-tango naman ako. At hanggang sa medyo nakalayo na kami sakanila, at nong makita namin na hindi na sila naka sunod ay agad kaming humingal-hingal ni Kyro, at nagulat din ako ng bigla niya akong yakapin.
"Thanks god your safe," bulong niya habang niyayakap ako agad ko din siyang ginantihan ng yakap na mahigpit din."thanks god you're came," bulong ko rin sakaniya.
"I'll make them pay," bulong pa niya."ipakukulong natin sila," dag-dag pa niya. Hindi na ako umimik pa at niyakap ko nalang siya, salamat sa diyos at may isang Kyro na dumating para iligtas ako..
Napahinto kami sa pagyayakapan ng biglang may van na tumigil sa gilid namin.
"Sakay na kayo!" Biglang yaya samin ni David, So siya pala ang kumuha nong attention ng mga lalaking nagbabantay pala sakin kanina.
YOU ARE READING
MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED Unedited]
JugendliteraturHindi niya enix-pect na matagal narin pala siyang gusto ng taong gusto niya, at kumu-kuha lang pala ito ng tiyempo para umamin sa kaniya. At nong dumating yung araw na yon nang umamin ang taong ito sa kaniya, hindi siya makapaniwala na nangyari ito...