Chapter 44; David to the rescue.

33 3 0
                                    

—DAVID POV—

★  ★  ★

Nang uwian na nagligpit na ako ng sarili kong gamit, na una na sakin si Kyro lumabas at halata ang pagmamadali nito.

Lumabas na rin ako sa room, habang naglalakad dito sa hallway aksidente ko naman nakita ang dalawang kasamahan ni Joys palingalinga ito na parang may hinahanap.

Diko na lang ito pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad pababa sa porking lot.

Nong nasa porking lot na ako dumiretso na ako sa loob nang sasakyan sarili kong kotse. Bigla ko naman nakita sina Sabrina at Tanya na magkasabay na naglalakad palabas ng campus.

Nagtaka naman ako kung bakit hindi nila kasama si Kera. Pero kahit ganon diko na lang ito binigyan ng pansin bago binuhay ang makina ng sarili kong kotse.  Pero pa man ako tuloyang nakalabas sa campus nang  bigla ko na lang naapakan ang preno nang sarili kong sasakyan.

“Shit!” malutong na mura ko pa at dali daling  lumabas sa loob ng kotse.

Pumasok na lang bigla sa isip ko si Kera at ang mga kasamahan ni Joy's na nakita ko kanina na alam kong may binabalak na namang masama at si Kera nanaman ang punterya.

"Putangina!" Malutong kong mura habang tumatakbo pabalik sa second floor.

"Humanda talaga kayo sakin kapag may nangyaring masama sakaniya!" I angrily whisper.

Binilisan ko pa ang pag takbo ko, dahil kinakabahan na talaga ako sa pwedeng gawin ng mga babaeng 'yon kay Kera.

It's passed 5 pm, at masyadong madilim na sa labas pero hindi ko parin nakikita si Kera na lumabas mula dito sa floor.

Nung makarating na ako sa second floor wala na akong nakikitang studyante pa. Patakbo akong pumunta sa room. Pero ganon nalang ang pagkadismaya ko nang makitang sirado na ito.

Now I'm literally nervous my heart beat so fast, hindi rin mapalagay ang loob ko. I know that something's happen to her, at 'yon ang hinding-hindi ko talaga palalampasin.

"Where are you Kera?!" Madiin kong tanong sa sarili ko.

Sa huli, namalayan ko nalang ang sarili kong uma-akyat na papunta sa rooftop, I don't know why my feet's brought me here.

Habang pa-palapit sa rooftop mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Mas binilisan ko na lang ang pagtakbo pa-akyat.

Binalewa ko kahit hingal na hingal ako.

Nang makarating na sa harap ng pinto, di na ako nag pa ligoy-ligoy pa, agad ko nang hinawakan Ang doorknob pero parang may kung anong nakaharang sa loob kaya hindi ito mabuksan agad. Kaya buong pwersa ko itong sinipa.

Ganon na lang ang pagkagulat ko   sa nakita ko. Hawak ng dalawang babae si Kera, and she's so weak.

Sobra akong na-awa sakaniya, 'yong tipong pati ako manghihina narin.

Nandilim ang paningin ko nang makita ko si Joys na may hawak na tubo at 'yong awang naramdaman ko kay Kera ay napalitan ng galit at inis.

Galit ako sa sarili ko, sa mga babaeng 'to, at sa kaibigan ko. Nasaktan at nagparaya ako dahil kay Kyro, hindi dahil sa siya ang pinili ni Kera, kung di dahil sa kaibigan ko siya at nirerespeto ko siya, at ang buong akala ko kaya niyang protektahan si Kera. Pero sa sitwasyong 'to, nasa siya?

"D-David?" Bakas naman sa mukha ng Joys na 'to Ang gulat.

"Let her go!" Sigaw ko sa mga ito na agad naman nilang ginawa.

"D-David," umigting ang panga ko sa napakahinang boses ni Kera.

Napakahalang talaga ng kaluluwa ng babaeng 'to!

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED Unedited]Where stories live. Discover now