Chapter 20; Another bouquet

48 2 0
                                    

—KERA POV—

★  ★ ★

“Oh. Kamusta naman 'yong party na pinuntahan mo?” Tanong ni Tanya.

Nasa classroom kami ngayon. Ang aga-aga ito agad ang bungad sa 'kin. Nasa harap ko pa talaga. Ta's si Sabrina naman nasa gilid ko banda. 'Di pa kasi dumating 'yong first subject namin sa English. Si Kyro naman nasa upuan lang ito natutulog si David 'di ko pa nakita. Mukhang late pa 'ata.

“Kung 'yon lang ang pag-usapan, hindi ok!” Nakasalupaypay kong pagsalita rito.

“Why? What happened on the party? Sayang naman kung hindi naging ok ang ganda pa ng ayus mo no'n ta's may pa flower kapa girl.” Sunod sunod na tanong ni Sabrina.

“Alam ko 'yan girl! Kung bakit hindi ok.” Si Tanya naman.

“Oh ano kung alam mo?” mataray kong sagot dito. Ayan naman pala alam naman pala ba't pa ako mag-explain.

“Hindi mo na sayaw 'yong crush mo 'no?!” diretsahan nitong sabi.

‘Pasalamat na sana ako dahil hindi na maka pag-explain Mali mali rin naman pala.’

“Tama ba?” Paninigurado ni Sabrina.

“Mali, hindi 'yon ang dahilan kung bakit hindi ok. Mamaya ko na lang sabihin sa inyo pag recess time.” Kita ko naman ang pagkadismayado sa mga mukha nila. Pero imbes na magreklamo ito bumalik na lang sa kanilang mga inuupuan. Dahil pumasok na 'yong Adviser namin.

“Ok class listen! Mayro'n akong announcement.” Pagsisimula ni Ma'am.

“Next week mayro'ng gaganaping contest. Sa isang section mayroong representative babae at lalakei."  Anunsyo ni ma'am marami naman ang naghiyawan.

Tumingin ako kay Kyro nasa malapit kasi ito sa bintana. Pero parang wala itong pake, habang nakikinig lang ito. 'Di ko inasahan na bigla na pala itong tumingin sa 'kin. Kaya agad naman akong umiwas.

“But I already chose a contestant in this section na representative sa section natin. Kera and Kyro two of you kayo ang mag dadala ng section natin.” Bigla naman akong nagulat 'yong kaklase ko naman naghiyawan. Lalo na 'yong dalawa kung friend ayiee ng ayiee parang timang.

Si Kyro gano'n pa rin walang pake pero ako parang sasabog na 'yong puso ko dahil sa kaba. Kahit hindi pa naman ngayon 'yong contest daw.

“Kayo na ang bahala kung ano 'yong e-perform niyo sa stage. Magbibigay ako ng plus sa performance niyo kung tutuloy kayong dalawa. Pag-usapan niyong dalawa ang mga dapat niyong Gawin,” last na sabi ni Ma'am at lumabas na ito. 'Di na lang ako umimik dahil pumasok na 'yong second period namin.

Nag discuss lang ito at nag bigay ng activity.

Noong recess time na pumunta kaming tatlo sa cafeteria. Nakita ko pa si Joy's kasama nito 'yong mga alipores niya. Sila naman ni Kyro nasa dating tambayan nila kasama sina Tyler at David.

Nag order lang ako ng Milk tea at isang burger. 'Yong kay Tanya naman Milk tea at Burger tas isang slice na cake. Ang takaw talaga mas matakaw pa sakin. Si Sabrina milk tea lang sa kaniya, oh 'di ba ang tipid mayaman naman.

“So ano nangyari ba't hindi ok 'yong party na pinutahan mo?” Pagbasag ng katahimikan ni Tanya, habang kumakain ito.

“Pagpunta ko doon ok pa, naguusap lang kami tapos bigla na lang dumating 'yong babae na pumunta sa bahay nila Kyro, Faith 'yong name. Tapos natatandaan niya pa ako noong nag kamayan na kami ang higpit maka hawak ng kamay parang galit.” Parang bata kung sumbong sa dalawa.

‘Unang kita ko pa lang sa babaeng yon hindi na maganda ang kutob ko, halatang baitbaitan lang yon pag kaharap nito si Kyro.’

“Aba siya pa ang may galit sa 'yo, siya na nga 'tong sumulpot! Alam mo hindi maganda ang kutob ko sa Faith na yan kagaya ni Joy's mukhang ganon din ang ugali 'non!” Medyo napalakas ata 'yong pagsabi ni Tanya dahil tumingin 'yong ibang student sa pwesto namin.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED Unedited]Where stories live. Discover now