-JOY'S POV-
★ ★ ★
"Ayan papansin kasi!"
"Dapat lang yan sa kaniya!"
"Kita na ngang may jowa na 'yong tao lapit pa rin ng lapit!"
Samot sari ang maririnig kong bulongan dito sa hallway pagkatapos akong talikuran ni Kyro kasama ang malandi na babae na si Kera.
Imbes na bigyan ito ng pansin padabog akong umalis sa lugar na yon at nagtungo sa restroom habang nakasunod naman 'yong dalawa.
"Urghh, bullshit kasalanan mo talaga ito Kera kung bakit ganon na lang ang pagtrato ni Kyro sakin!" sigaw ko dito sa loob ng restroom dahil sa matinding galit na naramdaman ko ngayon.
"Relax girl! Tingnan mo pumangit ka tuloy." wika ni Grace mas lalo lang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi nito."True girl! Baka mas lalong hindi ka magustohan ni Kyro ni'yan." Puna naman ni Jenny.
Agad naman ako humarap sa dalawa."Bulshit! You know what kung iinisin niyo lang ako much better na umalis kayo sa harapan ko! Alis!" pagtataboy ko pa sa kanila habang nangangalaita sa galit.
Pero imbes na sundin ang sinabi ko hindi man lang nasipaglabas ang mga ito.
"Hey relax, tama naman kasi ang mga sinabi namin...saka kung ako sayo wag kang mag papatalo sa malanding babae na 'yon! Kunin mo ang nararapat sayo!" nakataas kilay na sabi ni Grace."Alam mo naririndi na ako sa Kera na 'yan, tingnan mo nga lumaki na ang ulo nang magiging sila na ni Kyro...saka mas nakakairita pa mukhang nakuha niya na rin ang loob ng ibang students dito, Grace is right wag kang magpapatalo sa babaeng yon kunin mo ang nararapat sayo!"
"Dapat lang! Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang kinukuha ang pagmamay-ari ko!" i answered here.
Wala na akong ibang sisishij kundi ang Kera na iyon! Kung hindi dahil sayo hindi yon gagawin ni Kyro sakin. Diko palalapansin ang ginawa mo sakin ngayong araw.
"So, what's the plan?." nakataas kilay na tanong ni Grace.
"Dapat diyan bigyan ng aral, aral na hindi niya makakalimutan! At nang malaman niya na mali siya nang binabangga." pag-sasang ayon naman ni Jenny.
God! Akala ko painitin lang ng dalawa yung ulo ko may matino din pala na maitulong. I smiled like a devil.
'Humanda ka ngayon sakin na babae ka! Ipakilala ko sayo kung sino ang taong binabangga mo!'
"Ok! Mabuti naman may matino din pala kayong maitulong sakin akala ko pa naman painitin niyo lang ang ulo ko...Two of you mag handa kayo sa mga gagawin natin sa babaeng yon!"
"Yes sis! Kawawang Kera di niya ata kilala kung sino ang taong binabangga niya." nakangiting wika pa ni Grace."Yan ang mapapala sa mga kagaya niyang attention seekers!" Turan naman ni Jenny.
"Let's go girl! Baka ma late pa tayo sa klase pagalitan naman ako ni Mom, alam niyo naman pagnagalit 'yon dada ng dada!" mataray na sabi ko pa sa kanila.
'Tutuo naman kasi na ganon si mom kaya dina ako magtataka kung saan ako nagmana.'
"Let's go."
Sumunod naman silan dalawa sakin papalabas ng restroom.
"Good morning." bungad ng teacher namin nang makapasok na kami dito sa room.
"Good morning sir, sorry I'm late." kinakabahang paghingi ng sorry ani Grace bago ito pumunta sa sariling upoan."Me too sir, sorry if I'm late." dugtong naman ni Jenny at dumiretso din ito sa sariling pwesto.
"How about you ms.Joy's 'diyan ka na lang ba tatayo? O baka hinihintay mo pa na ako ang bumati sayo!" sarkastikong sabi nito dahilan kung bakit nagbubulongan naman ang mga walang silbi kung kaklase. Meron namang ibang pa sekretong tumawa.
YOU ARE READING
MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED Unedited]
Teen FictionHindi niya enix-pect na matagal narin pala siyang gusto ng taong gusto niya, at kumu-kuha lang pala ito ng tiyempo para umamin sa kaniya. At nong dumating yung araw na yon nang umamin ang taong ito sa kaniya, hindi siya makapaniwala na nangyari ito...