Chapter 43; Suffer

60 3 0
                                    

—KERA POV—

★  ★  ★

“Ang ganda ng mood natin ngayon huh?” puna ni Tanya nang makaupo ako sa sariling pwesto ko.

Kakapasok lang din namin ni Kyro  wala pa yung first subject namin.

“Heh! Bakit hindi ba pwedi?” mataray ko namang sagot dito, alam ko namang aasarin lang ako nito.“Ikaw may sabi niyan! Pero tutuo naiingit ako.” nakangusong wika pa nito. 

“Me too, parang gusto ko na rin magkaroon ng bf para naman merong magpapaganda sa mood ko araw araw.” sabat naman ni Sabrina.

‘Mga baliw talaga! Bakit ang pag karoon ba ng bf ang sagot para magiging maganda ang mood mo araw araw? Hindi naman diba?’

“Ano naman ang kainggitan 'nyo sakin aber?” nakataas kilay na tanong ko sa kanila.

“Edi saan paba edi dyan sa romantic bf mo, ang sweet kasi ang sakit nyo sa mata.” sagot naman ni Tanya.

“Yeah, saka napaka swerte mo talaga sa kaniya kasi bukod sa sweet, maalaga din plus material boyfriend pa.” Puna naman ni Sabrina.

Nag diwang naman ang puso ko dahil sa mga narinig mula sa mga kaibigan ko tungkol kay Kyro.“Iwan ko sa inyo! At isa pa mas masakit pag walang mata para malaman mo!" banat ko naman kay Tanya.

’Anyari sa dalawang to? AKala ko ba better bat may nalalaman pang inggit?’

“Basta pag ako nagkaroon ng sariling bf, gusto ko kagaya din ni Kyro. Material bf, saka may alam sa gawaing bahay hindi kagaya sa takng kilala ko na kayabangan lang ang alam, at babaero pa.” nakapanglumbaba na sabi ni Tanya habang nasa harap ang tingin.

Agad naman kami nagkatinginan ni Sabrina bago napailing saka ibinalik ang tingin sa harap ng board.

Maya maya pa dumating na rin yong adviser namin. Kaya nag simula nang mag discuss si ma'am.

Buong oras nakikinig lang ako sa discussion ni ma'am. Hanggang sa pumasok ang sunod na subject  after that is recess time. My favorite time.

“So class that's all for today I will continue this tomorrow after the discussion tommorow mag bigay ako ng short quize.So you need to study.” inform ni ma'am samin.

“See you tommorow good bye class.” pagpapaalam ni ma'am

“Thank you and goobye ma'am!”

Agad ko naman iniligpit ang sarili kong gamit sa bag.“Tara guys, nagugutom na ako.” reklamo pa ni Tanya na na unang tumayo samin sunod si Sabrina except sakin na natili pa rin sa sariling upoan.

“Oh? Ikaw wala kabang balak pumunta sa cafeteria?” nakataas kilay na tanong ni Tanya.

“Ah–eh, kayo na lang muna sasabay kasi kami.” pagtapat ko pa sa dalawa bago tumingin sa pwesto ni Kyro naka upo pa rin  ito  sinundan naman nila ang tingin ko.

“Kaya pala, Ikaw huh? Nagseselos na ako palagi mo na lang yan kasama kisa samin! Pero what ever tara na Sab nagugutom na ako.” pagkatapos sabihin non agad na itong padabog na lumabas sa room, hindi man lang nito hinintay si Sabrina. 

“Enjoy sis, una na ako baka magtampo pa yon.”

“Sige byee, bawi ako bukas.” sagot ko naman dito bago ito lumabas sa room.

"let's go?" bigla naman akong napalingon sa taong nagsabi non si  Kyro lang pala nasa likod kuna pala ito.

“You need help? ” tukoy nito sa mga sarili kong gamit na nililigpit ko ngayon

“Ah-eh hindi na kaylangan patapos na rin ako.” 

Kanina ko pa sana ito natapos sa pagligpit kung hindi lang nagdrama si Tanya.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED Unedited]Where stories live. Discover now