–KERA POV–
It's Sunday which means walang pasok sa school. Andito ako ngayon sa sala namin habang nanonood ng tv. Maya maya pa dumating si Kearon saka umopo naman ito sa tabi ko. Agad naman dumapo ang tingin ko sa hawak nito na chocolate.
“Kieron pahingi ako niyan.” sabay lahad ng kamay ko dito. Natatakam kasi ako sa kinakain nito na chocolate.
“Ayaw ko nga. ” pag tanggi nito. Oh diba bukod sa makulit madamot rin.
Kaya Wala akong nagawa agad akong tumayo at tumongo sa kusina para kumuha nang chocolate na nakalagay sa refrigerator.
Wala ngayon si mama dito kami lang naiwan ni Kieron. Kahit Sunday kasi pumapasok pa rin si mama.
Pagkatapos Kong makakuha agad na ako bumalik sa sa sala kung saan Ang kapatid ko ngayon nanunuod ng tv.
“Ate diba c-crush mo yong anak ng boss ni mama? Y-yung kapit bahay natin?” tanong nito habang ngumunguya ng chocolate.
Napatingin naman ako dito pero nasa tv pa rin ito naka focused.
Alam na rin ni Kearon na may crush ako kay Kyro dahil ako ang nagsabi sa kaniya. Pano kasi ang kulit tas tinakot pa ako na kapag hindi ko raw sasabihin sa kaniya ipagsasabi daw niya sa mga kaklase niya na taga dito rin nakatira. Kaya no choice sinabi ko na lang kasi alam kong hindi talaga nagbibiro pag sinabi niya gagawin niya talaga.
“Oo bakit?” sagot ko naman dito.“Kahapon kasi nakita ko siya sa labas ng kanilang gate tas merong babae na maganda ang naghihintay.” wika nito.
Tama kayong narinig dito rin nakatira sa subdivision si Kyro. Diko alam sa taong yon kung bakit niya piniling yumira mag isa kesa makasama Ang daddy at mommy niya sa kanilang mansion.
Si Kyro lang din ang nag-iisang anak ng Fernandez. At sa ngayon siya lang ang mag-isang nakatira sa bahay na yan malapit lang din samin. Minsan nakikita kong pumupunta ang daddy at mommy niya para bisitahin siya. Kung ikukumpara ko ang tinitirahan niya ngayon kisa bahay nila wala itong binatbat dahil mas malaki yon at idagdag mo pa na mala mansion talaga ang dating, nalala ko pa na meron din itong malaking fountain sa harap at malawak na garden.
Baka mag taka kayo kong bakit alam ko ang bahay niya syempre pag crush mo nagiging stalker ka talaga charot. Ang tutuo nakapunta na ako noon don sinama ako ni mama I think nasa 9 years old pa ako ng time na yon. Sinama ako ni mama nong nag birthday ang daddy ni Kyro kaya lahat ng employee sa company nila ay invited sa party. Hindi ko pa nakalimutan ang unang araw na yon nang matutu akong magkagusto sa isang lalaki.
(FLASH BACK)
“Mama pwede ba ako maglaro don sa labas? ” paalam ko kay mama habang nag-uusap sila Ng mga kasamahan din niya sa trabaho. “Bawal baka ano makasira ka pa dito.” suway nito kaya Imbes na makipag talo pa sa tumahimik na lang ako.
“Mima payagan mo na yang anak mo, kawawa naman papuntahin mo don sa garden baka may mga ibang bata din don. ” wika ng kasamahan ni mama.
“Tama mi para ma enjoy niya din itong party, ” turan naman ng isa pang kasamahan ni mama.
Sa kalooblooban ko subrang saya ko, buti na lang andiyan ang mga kasamahan ni mama. Saka tama din naman sila subrang boring dito ganon siguro pag matatanda ang kasama mo hindi ka maka relate sa topic.
Agad naman napatingin si mama sa pwesto ko bago ito bumuntong hininga. “Sige basta wag kang lalayo, don ka lang sa garden pero pag walang ibang bata don bumalik ka dito.” bilin nito sakin.
“Opo.” nakangiting sagot ko naman Kay mama. Agad na akong tumakbo papuntang garden habang hinahawakan ang sarili kong dress na sumasayad sa lupa.
Nang makarating sa garden nawala ang ngiti ko ng maabutan kong walang katao tao dito. Pero Imbes na bumalik don sa table nila mama pinili ko na lang ang tumambay dito sa bench.
YOU ARE READING
MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED Unedited]
Novela JuvenilHindi niya enix-pect na matagal narin pala siyang gusto ng taong gusto niya, at kumu-kuha lang pala ito ng tiyempo para umamin sa kaniya. At nong dumating yung araw na yon nang umamin ang taong ito sa kaniya, hindi siya makapaniwala na nangyari ito...