Chapter 46; The truth.

28 2 1
                                    

—KERA POV—

★  ★  ★

Hindi ako pumasok sa first subject namin at sa sunod pang subject. Nawalan ako ng gana dahil sa mga bumungad sakin ngayong araw. Nandito ako ngayon sa garden na palagi naming tinatambayan na magka-ibigan. Habang naka yuko na umiiyak.

Wala na akong mukha na maipakita kay Kyro, alam kung alam niya na yung tungkol sa picture na yun. Natatakot ako na baka paniwalaan niya 'yon kisa mga ipaliwanag ko sa kaniya.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak bigla ko na lang naramdaman na parang may nakatingin sakin sa pwesto ko ngayon. Kaya agad naman akong tumingala para tingnan kung sino. Sina Tanya pala at Sabrina naka tayo ito habang pinanuod ako ngayon.

Umiwas naman ako ng tingin sa kanila bago pinunasan ang sarili kong luha.“A-anong g-ginagawa niyo dito.” tanong ko dito gamit ang paos na  boses.

“May pasok ngayon, pumasok na kayo dito na muna ako magpahangin.” pag taboy ko pa.

Kahit isa sa kanila walang sumagot o kumibo man lang pero lumapit  ito at umupo ito sa tabi ko.Mga  ilang minuto din kaming binalot ng katahimikan. Tinigil ko na rin ang pag-iyak.

“Tutuo ba 'yon? Yung tungkol sa picture na kumalat ngayon na magkasama kayo ni David?” basag ng katahimikan ni Tanya.

Tanong nito sakin gamit ang  seryosong boses habang nasa  malayo ang tingin. Bumuntong hininga naman ako bago sinagot ang tanong nito.

“kung sasabihin na hindi? Wala pa rin akong magawa kung yung picture na 'yon ang paniwalaan niyo.” sagot ko dito habang nasa malayo nakatingin.“Saka oo magkasama kami ni David sa mga oras na yan pero yang mga nakita niyo sa picture hind yan nangyari.” paliwanag ko pa.

Sa mga oras na ito pinipigilan ko lang ang sarili ko na hindi umiyak. Pero tuwing iniisip ko kung ano ang magiging reaction ni Kyro bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

“Nagkakamali ka, alam namin na hindi mo yan magagawa kay Kyro may tiwala kami sayo...at alam din namin na may gusto si David sayo pero kagaya sayo may tiwala din kami sa kaniya na hindi niya yan gagawin dahilan para ikasira ng pagkakaibigan nila ni Kyro!” wika ni Sabrina.

Napatingin naman ako dito na may kunot nuong eskpresyon.“Si David may gusto sakin? Imposible naman yang sinasabi mo, friend lang naman ang turing ko don.” depensa ko pa.

Saka tutuo naman na kaibigan lang ang turing ko kay David aaminin ko na mabait siya pagdating sakin pero lahat ng 'yon hindi ko binigyan ng kahulugan kasi alam ko na ganon din siya sa mga kaibigan niya. 

“Imposible diba? Kahit ikaw dimo napansin dahil mas gusto mo yung isa kaya ” sagot naman ni Tanya.

“Kaya tinanong kita kung tutuo ba 'yong nasa picture, dahil gusto namin malaman ang tutuo mula sayo dahil pag yang picture ang basihan hindi kami naniniwala diyan. Siguro yung ibang students pinaniwalaan yan.” mahabang wika pa ni Tanya.

Tama nga si Tanya mabilis talagang paniwalaan yung nasa picture. Ang galing kasi ng kumuha nito parang tutuong naghalikan kami ni David. Pero sa tutuo lang diko naisip na nagkagusto sakin si David eh ang alam ko may gusto siya pero diko alam na ako pala yon.

“Sabihin mo lahat ang nangyari nong araw na yan.” Tanong ulit nito ni Sabrina “What happened nung nauna kaming umuwi nang time na ’yon, nung  naiwan ka namin?” tanong ulit nito.

Ang kaninang luhang pinigilan ko ay bigla na lang nasibagsakan ulit, dahil bumalik ang mga  araw na yon kung gano ako nag hirap sa mga ginawa nila sakin. Diko alam kung ano ang sunod mangyari sakin kung hindi dumating si David.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED Unedited]Where stories live. Discover now