Chapter 41; Bracelet

58 3 0
                                    

—Kera Pov—

★  ★  ★

“Kera gumising kana diyan!” dinig ko sa labas ng kwarto ang boses ni mama.

Dahil inantok pa ako, di muna ako bumangon. Ramdam ko pa ang pagod dahil sa mahabang byahe kahapon.

“Ano ba Kera! Dika ba babangon diyan, o ako ang papasuk diyan!” banta pa nito pero Imbes na sumagot mas lalo lang ako dumukduk sa unan.

Bigla bigla pa may narinig akong yapak papunta sa higaan ko.

“Ano ba kera! Mala-late na kayo sa klase nito.” bulyaw ni nama pag-kapasok nito sa sariling ng kwarto ko.

“Ma-mamaya na ma inaantok pa ako.” Inaantok kung sagot dito  habang naka dapa pa rin sa kama.

“Anong mamaya! Pinaghihintay mo ang tao.”

Bigla ko naman niimulat ang dalawa kung mata dahil sa sinabi nito.

“Nasa sala ang boyfriend mo! Kaya bumangon kana diyan!” dugtong pa nito. Napabalikwas naman ako ng bangon sa kama dahil sa narinig.

“Oh ayan, mabuti at gumising kana rin. Bilisan muna diyan.” bilin ni mama bago ito lumabas sa kwarto.

“Haysss! Di man lang ako inin-form kagabi!” pagsasalita ko pa saking sarili bago bumaba sa kama.

Agad ko naman dinampot ang sarili kong cellphone na nasa bedside table nang binuksan ko ito bumungad agad ang 10 missedcall and 10 message. Napa sapo na lang ako sa sarili kong noo.

“Takte! Diko man lang ako nagising!” bago inilapag ang cellphone ko sa table.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras dali dali naman akong tumungo sa banyo para maligo. Lumabas ako sa banyo na naka tapis lang ng puting tuwalya meron din sa buhok ko. Nagtungo na ako sa closet at sinuot ang sarili kong uniform. Naglagay lang ako ng kaunting liptint at sunscreen ng buety product na binigay ni Sabrina. Nang matapos sa mukha sinunod ko naman ang sarili kong buhok sinuklay ko lang ito bago lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ng kwarto na tanaw kuna agad si Kyro naka upo ito sa sofa katabi ni Kieron. Bigla naman ito napatingin sakin kaya ngumingiti ako dito, ganon rin ang ginagawa nito.

“Good morning!” bati ko pa dito.

“Good morning Babe.”

’Ang aga aga pinakilig agad ako.’

“Ayiee si ate kinilig.” pang-aasar ni Kieron.

Una dipa ako na gawa ko pang ma control ang inis ko, pero nang inulit ni Kieron don na uminit ang ulo ko. Tas ang luko tinakbuhan lang ako. Mabilis talaga mag bago ang mood ko lalo na pag si Kieron ang nang-asar mas lalo pa ako na inis dahil sa taong kaharap ko ngayon na nagpipigil ng tawa pero kalaunan tumawa rin ito. 

Imbes na pansinin ito agad ko naman ito tinalikuran dahil pag di ko 'yon gagawin baka sa kaniya ko pa mailabas lahat.

Leteral na mawawalan ka talaga ng gana kumain pag nagpipigil ka na wag sasabog dahil sa inis. Natapos kaming kumain na hindi ko pa rin pinansin si Kyro.

Hanggang sa lumabas na kami sa bahay, dumiretso lang ako sa sariling kotse nito. Kahit ang pagpapaalam kay mama di kona ginawa. Dito ako sa backseat pumwesto.

“Hey, Babe dito ka umopo sa tabi ko, I'm  not your driver, I am your boyfriend.” banggit nito. Aminin kung kinilig ako don pero diko yun pinapahalata pinapanatili ko pa rin na mag sungit.

Hindi na ako sumagot dito agad na akong lumabas at nagtungo sa front seat. Baka isipin pa nito na ginawa ko siyang driver. 

“Babe sorry kung pinagtawan kita kanina.”

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED Unedited]Where stories live. Discover now