—KERA POV —
★ ★ ★
"Grabe ang bilis ng panahon! Next year grade 12 na tayo sana magkasama pa rin tayo!" Panimula ni Tanya habang nakatingin sa malayo.
Andito kami ngayon sa garden tumambay. Kasama ko silang dalawa ni Sabrina, dito na rin kami kumain dahil sa Fresh ang hangin kisa don sa loob ng cafeteria bukod pa nandon din ang mga bruha na na walang ulam kundi ang mang-inis.
“I hope! Sana tayo parin hanggang college para isang university lang tayo." turan ni Sabrina bago kumagat sa hawak nitong burger.
"Ano ba kayo ang tagal pa non! At isa pa kung hindi man taong magkaklase ok lang yun! Mag kikita pa naman tayo!" Pagkalma ko sa dalawa."Except na lang kung meron satin ang mag-aaral sa ibang bansa!" Dugtong ko pa.
Dinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Sabrina."Basta kahit anong mangyari dito ako magaaral hanggang matapos ako ng college! Ayaw kuna magpa-iba iba ng school." Ani ni Tanya.
Ganon din ang balak ko. Isa pa wala din naman kaming pera para mag-aral sa ibang bansa. Lalo na kaming dalawa ni Kieron ang nag-aaral at si mama lang din ang mag-isang nagtatrabaho.
"Me too! Even na merong pera si Dad na pag-aralin ako sa ibang bansa o sa mamahaling paaralan! I choose pa rin na dito ako mag-aaral sa sa bansa natin at saka ayaw ko rin na malayo sa inyong dalawa!" Malungkot na sabi si Sabrina.
Kagaya ni Sab ganon din ang naramdaman ko sa mga oras nato, maraming katanongan na pumasok sa isip ko what if merong isa samin ang lalayo?
Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip nang bigla na lang umipal si Tanya. "And I hope makita kuna ang my only one ko pagdating sa college!" Turan nito habang nakangiti."Ano kaba ang dugyot mo!" Sigaw bigla nito sakin. Pano kasi naibuga ko na lang bigla ang ininom kung ice tea dahil sa mga sinabi nito.
"Are you ok! Here." Agad naman akong inabutan ni Sabrina ng tubig.
“A-ano naman n-nakain mo bat nasabi mo yan? AKala koba pagsusungit lang nalalaman mo! Saka sa itsura mong yan at ugali maraming nagsasabing isa kang tumboy, at hindi interisado sa lalaki.” hindi talaga ako makapaniwala na sa kaniya yon magaling ang mga salitang yun.
“Like Duh!” mataray na sabi nito bago kami pinandilatan ng mata.“Better ka girl! Syempre masungit lang ako pag diko type yung isang tao! Saka Wala naman akong pake kung ganon ang tingin nila sakin na Isang tumboy ang mahalaga alam ko sa sarili ko na babae ako period!” depensa nito sa sarili.
“At isa pa kung meron man akong type sa school nato. Edi sana matagal na akong nagpapansin! Eh ang kaso wala! Baka nasa labas ng university na ito matatag puan ang future ko.” excited na sabi nito na parang naka Plano na lahat sa isip.
Agad naman akong tumikhim."Baka nasa tabi tabi lang yong future mo dimo lang napapansin!” asar ko dito bago ngumiti ng nakakaluko.
Kumunot naman ang nuo ko."At sino naman Aber?” banat naman nito sakin habang nakataas ang isang kilay.
“Iwan ko sayo!”
“Stop it guys!” agad naman kami tumahimik ni Tanya at binalik ang tingin sa harap. Habang iginagala ko ang paningin sa paligid bigla na lang na hagip ng paningin ko si Kyro. Mabilis itong naglalakad na parang nagmamadali habang dala nito ang sariling bag. Bakas sa mukha nito ang matinding galit.
“Diba si Kyro yon?” sabay turo ni Tanya. Pero nakatalikod na ito papuntang porking lot.“Oo nga, anyari don. Bat mukhang galit!” sabat naman ni Sabrina. Hanggang sa mawala na ito sa paningin namin.
“Tara na guys baka ma late pa tayo sa next class!” agad naman kaming tumayo. Tinapon ko muna ang basura bago ako sumunod sa dalawa.
Nang makarating na kami sa room ganon din ang pag tunog ng bell hudyat na tapos na ang recess time. Agad na rin ako dumiretso sa sarili kong upoan sumunod naman ang dalawa. Dumapo naman ang paningin ko sa pwesto nito pero kagaya sa nakita ko kanina mukhang hindi nga ito a-attend sa next subject. Napabaling naman ako sa katabi nito na nakatingin nadin pala ito sakin.
YOU ARE READING
MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED Unedited]
Teen FictionHindi niya enix-pect na matagal narin pala siyang gusto ng taong gusto niya, at kumu-kuha lang pala ito ng tiyempo para umamin sa kaniya. At nong dumating yung araw na yon nang umamin ang taong ito sa kaniya, hindi siya makapaniwala na nangyari ito...