—KERA POV —
Mabilis lumipas ang araw at P.E na ulit namin ngayon. Andito kami ngayon sa cafeteria kamasa ko ang dalawa kong kaibigan. Naisipan namin na tumambay muna dito since wala pa naman ang teacher namin sa Hope subject which is P. E.
Sa gymnasium naman kami pupunta mamaya.This day gaganapin ang laro ng basketball ng dalawang section stem at venus which is yung section namin at section ng mga bruha.
“I hope na manalo ang section natin ngayon.” wika ni Sabrina bago ito sumimsim sa ice tea na hawak nito.
Yung inorder ko naman ay Cheese burger and one Hojicha buffalo milk. Kay Tanya milktea at burger din then kay Sabrina ice tea lang, tipid si ate.
“Dapat lang! Hindi ako papayag mapunta sa section ng mga bruhang yun!” sagot naman ni Tanya.
Sana nga, first time ko rin kasi mapanood maglaro ng basketball na kasali si Kyro pati na rin si David.
“Pero ngayon lang tayo maka panood ng basketball nila.” Turan ni Tanya habang sa akin ito nakatingin. Parang may kahulogan ang mga titig nito.
“Ah-eh oo nga!” sagot ko naman dito bago umiwas ng tingin.
“Alam kong maraming manunood ngayon!” Tumingin naman ako dito sa nagsalitang si Sabrina. Tama nga siya sigurado akong marami nga, mukhang hindi lang ang section ng venus at stem ang nandon mamaya sa gymnasium.
Gaganapin kasi ang game mamaya sa recess time. Kaya alam kong marami ang pupunta don para manood bukod pa don magkasama na maglalaro ang dalawang kinaadikan ng mga kababaihan dito sa campus sina David at Kyro.
Hindi nila kasama sa laro si Tyler dahil nasa athena na section ito Abm strand din. Pero alam kong pupunta din ito para manood.
“Parang tutuong laro ang magaganap ngayon! Basta support ako sa section natin mamaya. Sayang nga lang di tayo naka gawa ng banner para sa section natin!” nagalalang sabi ni Tanya.
“Fyi! Hindi ito intrams na gagawa ka ng banner!” mataray kong sabi dito.
Kita mo tong gano kaluko kala nito siguro game sa intramural. Pero ganon na nga mukhang kaabang abang.
"So? Ganon na rin yun! Ano naman ang pake ng iba kong gusto kong ipagmalaki ang section natin lalo na sa mga bruhang yun!” Inis nitong sabi bago uminom bg milktea.
Tumingin naman kami ni Sabrina sa paligid if meron bang nakarinig sa sinabi nito. Medyo napalakas kasi ang pag sabi niya. Bumuntong hininga naman ako nong busy pa rin ang mga ito sa kanilang ginagawa.
“Please! Minimize your voice! Baka may makarinig sayo dito!” pabulong na suway ni Sabrina dito.
Bumuntong hininga naman ito at sumandal sa inuupoan habang na ka cross ang mga braso nito sa dibdib at bakas sa mukha nito ang inis. Mabilis talaga ito magalit pero minsan dina sa tamang paraan ang pagiging mainisin nito wala na kasi itong pake kong magalit na.
“So? As if naman na may pake ako if marining nila!” mataray na sagot nito.Imbes na sagutin ito walang umimik isa samin ni Sabrina. Alam namin kasi pag pinatulan pa namin ito di naman ito magpapatinag.
Nang maubos kona yung pizza napagpasiyahan kong dalhin ko na lang yong drinks ko sa loob ng gymnasium. Pwede Kang magdala ng pagkain o mainom sa loob basta marunong ka lang mag ligpit ng sarili mong basura.
“What time tayo pupunta don?” tanong ni Sabrina.
“Ngayon na. Mamaya mag simula na din naman ang laro.” Turan ko pa bago tumayo, ganon din ang ginawa ng dalawa. Mabuti na lang talaga wala dito ang mga bruha, sure ako pag andito 'yon di talaga ito titigil hanggat hindi na uubos ang pasensya ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/358517274-288-k195645.jpg)
YOU ARE READING
MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED Unedited]
Teen FictionHindi niya enix-pect na matagal narin pala siyang gusto ng taong gusto niya, at kumu-kuha lang pala ito ng tiyempo para umamin sa kaniya. At nong dumating yung araw na yon nang umamin ang taong ito sa kaniya, hindi siya makapaniwala na nangyari ito...