–KERA POV–
“Are you done” wika ng nasa likod ko ngayon gamit ang napaka lamig na boses.
Agad naman ako nanigas sa kinatayuan ko dahil sa panlamig ng katawan kahit alam kong subrang init ng panahon ngayon.
Dahan dahan naman akong humarap dito, bumungad sakin ang mukha nito habang naka upo ito sa isang upoan habang nakapamulsa.
“H-Hi Ky.” bati ko dito habang nakangiti na may halong kabang nararamdaman. Yung ngiting parang natatae.
Pero kahit ganon pa man nilabanan ko pa rin ang kabang nararamdaman ko ngayon. Wag lang nito mahalata.
Agad itong tumayo at dahan dahang lumakad papalapit sa pwesto ko. Mali pala ako hindi ko kayang pakalmahin ang sarili ko lalo na kapag kaharap kona ito.
“W-wag k-kang lalapit, h-hindi naman i-ikaw yung Kyro na tinutukoy ko.”kinakabahang lintya ko rito. Habang patuloy pa rin sa pag atras papalayo sa kaniya.
Pero minamalas nga naman pader na pala ang nasa likod ko kaya ganon na lang ang pagkataranta ko nang makita kong patuloy pa rin ito sa paghakbang papalapit sa pwesto ko ngayon. Hahakbang kona sana ang isa kong paa para tumakbo papuntang exit pero kamag anak ata ito ni Flash ang bilis ng galaw nasa harapan kona agad ito habang yung dalawang braso nito nasa magkabilang gilid ko ginawa niya itong pangharang.
“U-umalis ka nga h-hindi i-ikaw ang Kyro na tinutukoy ko.” ulit ko dito.
Pero imbes na sundin ang sinabi ko mas lalo nitong nilapit ang sarili sakin saka yumuko. Ngayon magkapantay na ang mukha namin. Ramdam ko ang mabangong hininga nito. Dahil sa amoy na nakaka adik agad naman ako napapikit.
‘Please lord kong itong mga labi ang unang matikman ko at makakuha ng first kiss ko papayag na ako.’
“Tsk! What are you doing.” linta nito. Agad naman akong napamulat nang wala sa oras.
Bigla na lang ako nakaramadam ng pagkahiya nang makita kong nakatayo na ito nang matuwid habang nakapamulsa na may kunot noong ekspresyon.
Sa mga oras nato ang taninging hiling ko na lang ay kainin na lang ako ng lupa dahil sa matinding kakahiyan.
“He-he-he na miss k-ko lang ang luto ni mama k-kaya n-napapikit ako bigla.” palusot ko naman dito saka mabilis na tumakbo papalabas sa exit, dahil sa subrang bilis muntik na akong mahulog sa hagdan.
Nang makarating ako sa floor namin agad na akong pumasok sa room.
“Oh? Bat ka humihingal na parang may humahabol sayo?” takang tanong ni Sabrina sa 'kin sabay check sa likod ko kong meron bang humahabol.
Dina ako magtataka kong bakit ganito ang reaction niya sa itsura koba naman ngayon. Pawisan, yung necktie baliktad, tingnan na lang natin kung hindi ka magtataka.
Buti na lang wala pang teacher nang pumasok ako sa loob ng classroom.
“Hoy babae! San ka naman nang galing?” tanong din ni Tanya sa akin habang nakataas ang isang kilay nito.
“S-sa rooftop lang, akala ko kasi may teacher kaya nagmamadali akong pumunta dito.” palusot ko dito.
Mahirap na baka ano pa sabihin nila pagsinabi ko ang tutuong nangyari. Subrang daldal pa naman ni Tanya.
“Ano naman ang ginawa mo don na mag isa sa rooftop abir?” tanong ulit ni Tanya habang nakataas ang kilay nito saka naka cross pa ang kamay nito sa dibdib.“Nagpapahangin.”
YOU ARE READING
MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED Unedited]
Teen FictionHindi niya enix-pect na matagal narin pala siyang gusto ng taong gusto niya, at kumu-kuha lang pala ito ng tiyempo para umamin sa kaniya. At nong dumating yung araw na yon nang umamin ang taong ito sa kaniya, hindi siya makapaniwala na nangyari ito...