Chapter 45; Picture

52 1 0
                                    

—KERA POV—

★  ★  ★

Dumaan ang ilang araw at gumaling na rin ang aking mga pasa na tinamo ko sa mga bruhang yon.

(FLASH BACK)

“Wag mo yon pansinin ang sungit non pag dating sakin na ate niya.” mataray na sabi ng ate ni David.

Ngumiti lang naman ako ng tipid dito.  

“So by the way, I'm Divina you can call me Ate and also sister ako ni David, dito ako nagtatrabaho sa sarili naming hospital.” pagkikilala nito

Gulat naman akong tinanggap ang nakalahad nitong kamay.“Nice to meet you po.” bati ko din dito.

“Ah-eh ako pala si Kera kaklase ni David.” nahihiya kung ani dito sabay lahad ng kamay.

“Ah ganon ba?.” sagot nito habang patango tango. “Akala ko pa naman lovers.” diretsahan nitong sabi habang nakangiti.

Gulat naman akong napatingin dito. eh kaklase naman talaga kami ni David grabe naman tong ate niya.

“Hindi po mag kaklase lang po talaga kami ni David saka friend ko na rin.” depensa ko pa.“Sorry talaga akala ko lang kasi girlfriend ka ng kapatid ko iba kasi makapag care pag dating sayo, 'eh di naman siya ganyan sa ibang babae lalo na sakin na ate niya.” Turan naman nito.

“G-ganon po ba?”

“Yes, saka wala naman akong narinig na may nililigawan yan. Iwan ko ba 'diyan ang ilap pagdating sa babae! Minsan napa isip na lang ako baka bakla ang kapatid ko.” patawang sabi nito habang nakatanaw sa malayo.

Tama si ate Divina isa din sa mga napansin ko ay ang pagiging ilap nito sa mga babae pero pag dating sakin hindi naman ganon si David subrang daldal pa nga nito pag kasama ko ito pero hindi katulad ni Tyler na subrang daldal.

“Hindi naman siguro ate base kasi sakin hindi ganon si David sadyang ayaw niya lang ata sa ibang babae. Or meron na siyang nagustohan di niya lang sinasabi.”  pagtatanggol ko dito sa kapatid niya.

“I think yes, meron na siyang nagugustohan pero sana hindi siya masasaktan.” parang may lungkot sa boses ni ate Divina nang sinabi niya yon.

“Sana po ang bait naman kasi niyan ni David.”

“Do you know what? I like you for my brother.” biglang sabi nito kaya agad naman akong napabaling sa pwesto nito na may pagtataka.“Never mind so ma iba tayo hija, may bofriend kana ba ngayon?” tanong nito sakin bigla.

“A-ako po?”  sabay turo sa sarili.

“Yes! Alangan naman yung multo.” patawang biro pa  nito.

“Ah-eh o–” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dito dahil agad naman pinutol ng kakarating na si David.“Tapos naba yan ate gabi na! Iuwi ko pa yan si Kera baka hinahanap na sya ng Mama niya!”  putol nito sa usapan namin ni ate Divina.

“Tsk! Kahit kaylan ang sungit mo sakin! Nag-uusap pa nga kami! Saka hindi na ako magtataka if magiging matanda ka na walang jowa! Dinaig mo pa kaming mga babae palaging mainit ang ulo!” mahabang wika ni ate kay David.

“Oh sya lumakad na kayo baka hanapin kapa nina mom at dad! Ihatid mo yan ng diritsahan malilintikan ka talaga sakin pag may ginawa ka dito! Sinasabi ko sayo!” banta ni ate Divina kay David habang madiin nakatingin sa kapatid.

Imbes na matakot sa sinabi ni ate Divina napangiti na lang ako ng palihim. Sa tutuo lang kahit nag-aaway sila na magkapatid hindi pa rin nawawala ang pagiging care sa isa't isa.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED Unedited]Where stories live. Discover now