Chapter 14; unexpected gift

54 2 0
                                    

—KERA POV—
★  ★  ★

“Kera, ihatid mo nga sa ito sa bahay ni Kyro mo.” sigaw ni mama mula sa kitchen, nandito kasi ako sa sala namin nanonood ng tv at kakatapos lang din namin mag laba.

Padabog naman akong nagmartsa papunta sa kusina pero hindi pa ako napasok ay amoy ko na Ang mabangong niluluto ni mama at naka handa na rin ang tanghalian namin.

“Ang bango naman yang niluluto ma.” sabi ko sa kaniya nang tuloyan na akong pakalapit dito.

“Tumigil ka diyan, ihatid mo na lang ito.” wika pa ni mama habang nagsasalin ito ng nilagang baboy sa mangkok.

Hindi ko naman mapigilan na Hindi matakam syempre hindi ko itatanggi na matakaw talaga ako pag dating sa pagkain. Tinikman ko naman ang pretong bangos.

“Saan ko pala yan ihahatid ma?” tanong ko dito habang nginunguya ang bangos.

“Kay sir Kyro mo, diyan sa kabilang bahay para may ulam din yon.” sagot niya dahilan kung bigla na lang ako nabulunan.

“Ano ka bang bata ka, matakaw ka kasi Ayan tuloy nabulunan ka!” sermon nito bago inabot ang isang tasa ng tubig at saka sabay himas ng likod ko.

“Eh? Bat mo pa pahahatiran ng ulam 'yon eh may pangbili naman yon nang ulam afford na niya yon.” nakangusong sabi ko dito. Gusto ko lang talaga mag rason pero ang tutuo ayaw ko lang talagang mag hatid.

“Ano kaba pasalamat kona rin sa pagtulong niya satin sa pagbantay sayo nang mawala ako at paghataid niya nong isang gabi sayo dito sa bahay. Saka ano naman ngayon kung afford niya ang bumili basta bawi ko na rin yan.” Turan pa ni mama.

Ayaw ko talaga, Lalo pa nang sinabi sakin ni Kieron na binuhat daw ako ni Kyro papasok sa bahay nong sinabay ako nito galing school. Kaya hindi ko talaga kaya ang harapin ito.

“Pero ma pwede bang si Kieron na lang ang maghatid may gagawin pa kasi ako.” palusot ko pa.

“Kay aga aga pa mamaya na yan, saka wala dito ang kapatid mo nasa kabilang bahay tawagin mo na lang din yon.” napanguso na lang ako dahil wala na nga akong maipalusot baka magalit pa si mama.

Pagkatapos mag salin ni mama ng niluto niyang nilagang baboy ay agad ko na itong kinuha ang mangkok para ihatid sa bahay ni Kyro.

“Haysst, si mama talaga!” bulong ko pa habang binabaybay ang daan papuntang bahay ni Kyro.

Nang makarating na sa tapat ng bahay nito, buntong hinga Mona ako bago nag doorbell at ilang minuto ang nakalipas ay bumukas na ito.

Nagulat pa ako nang bumungad ang bulto nito magulo pa ang buhok nito naikinadagdag sa kagwapuhan niya. Sunod sunod ang paglunok ng sarili kong laway.

Pati ito ay bakas din ang gulat sa mukha na hindi inasahan ang pagpunta ko dito.

“Ah-eh pinabibigay pala ni mama.” tukoy ko pa sa dala kong mangkok na may lamang ulam.

He's wearing white tshirt and black short na merong logo na adidas, at may towel pa ito naka sabit sa leeg niya na mukhang kakatapos lang sa pag ligo dahil sa medyo basa pa ang buhok niya at what the f talaga subrang gwapo hot nito sa paningin ko.

“Hey!” nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ko ang boses nito.

“Ay fresh!” bulalas ko pa dahil sa gulat.

Napangiti naman ito dahil sa sinibgaw ko at ngayon lang nag sink in sa utak ko kung ano 'yung sinigaw ko.

“Y-yong Karne fresh pa kaya... Kainin mo yan.” bawi ko pa dahil baka ano ang iisipin nito.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED Unedited]Where stories live. Discover now