CHAPTER 1

1.7K 57 1
                                    


CALLI'S POV 

Darkness...

Wala akong maainang kung hindi ang kadiliman..

Wala akong marinig kung hindi ang paulit-ulit at nakakabinging katahimikan..

Ipinipilit kong buksan ang mga mabibigat kong talukap, umaasa na may makitang pamilyar na kahit ano pagbukas ng mga mata ko..

Sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag kaya't agad din akong napapikit muli. Ilang segundo ang lumipas bago ko ulit subukan na magmulat.

Puti. Sinubukan kong lumingon, bawat sulok ng kinaroroonan ko ay kulay puti.

Sinusubukan kong igalaw ang aking kamay ngunit miski isang daliri ay bihira kong maigalaw. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan.

Gustuhin ko man magsalita at masagot ang maraming katanungan sa isip ko ay hindi ko magawa dahil wala miski ang boses ko.

Tila may tinitingnan s'ya sa hawak n'yang papel at ng malipat sa akin ang kan'yang paningin ay nakita ko kung paano lumaki ang kan'yang mga mata at mabitawan yung hawak n'yang papel.

Medyo natataranta n'ya pa itong pinulot bago lumabas patakbo sa kung saan.

Medyo naaalibadbaran na rin ako dahil para akong estatwa na hindi makagalaw at makagawa ng kahit ano mang ingay kahit gustuhin.

Hindi ko rin maramdaman ang kahit anong parte ng aking katawan.

Sa sobrang inis ko ay nararamdaman ko ng nagtutubig ang mga mata ko. Mahihinang impit na hindi man lamang makabuo ng salita.

Maya-maya ay may pumasok na halos limang tao.

"Mrs Gavillan, can you hear me?" Tanong ng isang lalaki na sa tingin ko ay doctor.

"Can you blink for me if you can hear me?" Kumurap ako ng isang beses upang ipahiwatig na naririnig at naiintindihan ko s'ya.

"Great. Nurse Ria, please do inform Ms. Gavillan that her sister's awake."

Kita ko ang galak sa mga mata ng tao sa loob ng kwarto, ang iba ay may inaayos sa mga nakakonekta sa akin, samantala ang iba ay ginagawa ang kung ano mang sabihin ng doctor.

Huminga ako ng malalim, pakiramdam ko ay unti-unting nauubos ang lakas ko.

"You're safe now, Mrs. Gavillan. You did a great job fighting for your life." Bago pa man ako lamunin muli ng kadiliman ay iyon ang mga katagang narinig ko.

Napamulat muli ako ng maramdaman ang pagpisil-pisil sa aking kamay at mahihinang hikbi na mukhang nanggagaling sa kaliwang bahagi ko.

Nakita ko ang isang babae na namumugto na ang mga mata, mukhang kanina pa s'ya umiiyak. I felt the urge to wipe her tears pero hindi ko pa rin masyadong magawa, pero naigagalaw ko na ng kaunti ang kamay ko. Agad niya ring sinalubong ng hawak ang kamay kong isa na sinubok kong ipunas sa mga mata n'yang walang tigil sa kakaluha.

"You're finally awake, I knew it. I knew you'll never leave us." Patuloy nitong pag-iyak. Hindi pa rin ako makapagsalita kaya hindi ko s'ya masagot o matanong.

Pamilyar s'ya pero hindi ko pa rin maisip kung sino, kailan at saan kami nagkita, kung ano ang relasyon namin para iyakan n'ya ako ng ganito kalala.

Hindi ko s'ya matanong kung kaibigan ko ba s'ya, kababata, pinsan, kapatid o kung ano mang papel n'ya sa buhay ko.

Mukhang nababasa n'ya sa ekspresyon ko, ang nangungusap kong mga mata kaya naman alanganin s'yang nagsalita.

Huminga muna s'ya ng malalim, parang bata na pinunasan ang kan'yang luha bago tuluyang magsalita.

La MémoireWhere stories live. Discover now