CHAPTER 17

708 35 3
                                    


Trigger warning: This story deals with a lot of serious topics and situations. Heavy detail is included. Ranges from sexual assault, abuse and r*pe.


CALLI'S POV


Agad kong inilibot and mga mata sa paligid ng makapasok sa lugar.

Kasalukuyan akong nasa bar, ito kasi yung address na sinend sa'kin ng kapatid ko. May gusto daw siyang mahalagang bagay na pag-usapan. Ayaw daw naman niyang daanin sa text.

Hindi na 'ko nagtanong pa ng detalye at pumunta na lamang sa lugar. Nagbabaka-sakali rin kasi ako na baka ito na ang tamang panahon para siya naman ang makaalam ng tunay na nangyayari para kahit papaano ay hindi ako mahihirapang kumilos sa plano na nabubuo sa isip ko laban kay Ninong.

Naiwan sa condo si Lea, pinabantay ko si Lili at kampante naman ako dahil marami akong tao na naka-aligid sa loob at labas nung condo. Kung sakaling may mapansin silang kahina-hinala ay sinabihan kong tawagan kaagad ako. 

Ilang linggo na naman kasing subsob sa trabaho ang kapatid ko kaya ito lang din ang pagkakataon para makausap siya. Ayoko rin na puntahan siya sa kumpanya dahil alam kong makaka-istorbo lang din naman ako. 

"Miss Calliana?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses.

Bouncer ata siya sa lugar na ito dahil kita sa matipuno nitong katawan at itim na polo na suot.

"This way po, ma'am." Dinala niya ako sa isang private room. Walang tao at tanging iba't-ibang alcoholic drinks lamang ang mga nandito.

Mukhang wala akong choice. Alam naman niya na ayokong nainom pero mukhang mapapainom dahil sa mga nakahanda dito. 

Heartbroken ba siya?

Hindi ako nainom dahil ayoko ng lasa, nasubukan ko yung mga nasa bahay noon pero muntik ko lamang isuka. Maarte e.

Naupo muna ako sa sofa upang hintayin siya. 30 minutes bago yung usapan naming oras. As usual, gusto ko lamang maaga sa pinag-usapan naming oras kaya agad akong tumungo dito pagdating ni Lea sa condo.

Isang linggo na halos ang nakakalipas simula nung umalis ng bansa si Elli kasama si Aletheia para puntahan ang kambal ko. Pinalabas nilang schedule yon sa importanteng project na kinabibilangan ni Elli dahil ayaw namin na may makahalata kung saan siya tutungo.

Sana nga ay gumana dahil kilala si Elli na ayaw lumabas ng bansa kahit na anong klaseng project pa yan dahil ayaw niyang iniiwan si Lili. Pero ngayon ay nandito naman na ako para bantayan ang anak namin kaya kahit papaano ay hindi siya ganon nahirapan umalis ng bansa.

Bukod sa pagtawag nito bago matulog si Lili sa gabi ay kay Aletheia ako humihingi ng updates sa mga ganap nila doon. Matapos kasi lagi nila mag-usap ng anak ko ay hindi ko na ito kinakausap bago patayin ang tawag. Pinapa-patay ko na kay Lili kapag nagpaalam na sila sa isa't isa. Laking pasalamat ko rin dahil hindi naman nagtatanong si Lili kapag sinasabi ko yon.

Ayon kay Aletheia, isang linggo na rin hindi umaalis sa ospital si Elli. Siya ang nagbabantay sa kambal ko buong araw. Mayroon din kasing kwarto doon na tinutulugan minsan ni Aletheia noon, doon natutulog si Elli. Pumupunta lang din daw siya doon kapag may kailangan si Elli at kapag hindi masyadong hectic ang schedule niya. Sobrang dami niya kasing naiwan na trabaho dahil sa pagbalik niya dito.

Napukaw ang atnesyon ko ng may pumasok sa silid kung saan ako naroon. Bar tender ata siya, may dalang isang baso ng wine para daw hindi ako ma-bored sa kakahintay at kahit papaano ay may mainom. Tamang-tama naman dahil sobrang tapang ng ibang drinks na nakahain dito.

La MémoireWhere stories live. Discover now