CALLI'S POV
Napabalikwas ako, ramdam ang tumutulong pawis sa leeg at noo. Hinahabol rin ang hininga.
Agad kong inabot ang gamot na binigay sa akin ng doctor. Kumikirot din kasi ang ulo ko. Naghahanda na rin ako ng tubig sa may bedside table dahil alam kong magigising na naman ako sa kalagitnaan ng gabi.
Ilang araw na rin itong nangyayari. Hindi ko malaman kung bangungot ba 'to o may kinalaman sa kondisyon ko.
Napasapo ako sa aking noo habang pinapakalma ang sarili, unti-unti na rin akong nasasanay sa ganitong routine.
Hindi ko magawang magsabi sa iba tungkol dito dahil hangga't hindi ko sigurado kung ano nga ba ang laman ng bawat panaginip na yon ay ayokong gumawa ng gulo na magiging problema pa ng mga taong nakapaligid sa akin.
Muli akong nahiga ng medyo kumalma na ang aking paghinga at sinubukang matulog muli. Alas-tres pa lang kasi ng madaling araw at kailangan ko pang gumising ng maaga para maghanda at ihatid ang anak ko sa eskwela.
Nang muli kong buksan ang mata ay halos wala akong makita sa sobrang labo ng paningin. Kumurap ako at tuluyang bumagsak ang tubig na natitipon sa aking mata.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. I clenched my chest na unti-unting sumisikip. I released a shaky breath, sobrang bigat ng pakiramdam ko ngunit hindi ko alam kung anong dahilan.
I felt so empty, parang sobrang dami kong pinagdadaanan ngunit wala miski isa ang malinaw sa akin kung ano ang mga yon.
Hindi ko rin alam kung ang mga panaginip ba na iyon o mga alala ng nakaraan ko.
Siguro dala na rin ng pagod ng pag-iyak.. muli akong nilamon ng kadiliman.
______________
Huminga ako ng malalim, kasalukuyan akong nagsusuot ng mga isinusukat sa aking suits para sa party na mangyayari sa susunod na araw.
Holding a coffee pero nasa malayo ang isip.
I felt a squeeze on my shoulder at tumingala ako sa salamin sa harapan, it's Mom.
Nginitian ko ito ng bahagya.
"You'll be fine, daughter. Your Dad and I will be here to guide you. It'll be your big day." I caressed her hand na nakapatong sa aking balikat at tinanguan as a response.
They planned a party para doon iannounce sa buong bansa ang pagbabalik ko. Right after namin silang sunduin sa airport noong nakaraan. Iyon na agad ang suhestiyon na lumabas sa kanilang bibig habang kumakain kami ng hapunan.
Hindi mawalay sa kanila si Lili noong gabi na yon, ilang taon din kasi nilang hindi nakita ang apo. Kung nakakausap man ay through video calls lang din.