CALLI'S POV
kasalukuyan akong nasa may kitchen counter, iniisip yung nangyari kanina. I couldn't form any words matapos ko makitang ganon ang reaksyon n'ya ng akmang pupunasan ko lang naman yung luha n'ya.
Agad din s'yang nagpaalam at umakyat para tabihan si Lili sa kwarto. Dito kasi sila magpapalipas ng gabi dahil alanganing oras na rin.
"Hey.."
Nginitian ko yung nagsalita, ang kapatid ko. Hindi ko sinasadya pero alam kong naging alanganin yung itsura ng ngiti ko dahil pa rin sa iniisip.
"Hi, kumain ka na? Lulutuan kita." Akmang tatayo pa lang ako pero pinigilan na n'ya ako.
"Hindi na, busog pa naman ako. Anong iniinom mo?" Napatingin naman ako sa mainit na tsokolate sa aking baso.
"Hot choco lang, pampa-antok." Ngiti kong saad.
"Nakaka-antok ba yan? I have alcoholic drinks here. Want some?" Akma s'yang tatayo ng pigilan ko ito.
"Hindi na, ayoko ng lasa n'yan. Okay na sa'kin 'tong iniinom ko."
"Really? That's new. Well, nabanggit naman ng doctor na mayroong some changes sa behavior or personality mo since you're suffering from amnesia."
"Bakit?"
"Alcoholic drinks ang pampa-antok mo. Besides, you're the total opposite of me. You're not really a fan of anything sweet"
"Really? Well, baka nga dahil sa kondisyon ko." I shrugged it off.
"Jullie.."
"Yeah?" She responded while making herself a coffee.
"Is there any chance na, I'm an abusive partner.. to my wife..?" Ang hirap itanong, ang hirap kilalanin ng sarili ko.
Mga ilang segundo rin n'ya akong tinitigan bago bununtong hininga at uminom muna ng tinimpla n'yang kape bago sumagot.
"All I know, right before the accident happened, you were already having a problem sa marriage n'yo. I don't really know the whole story dahil neither of you were willing to share anything na pinagdadaanan n'yo. That's one of the similarities between the two of you. Kahit gaano kahirap na, you guys are expert when it comes on pretending that everything's fine. But one time... may nakita akong pasa near Sienna's mouth. Pumunta ako sa bahay n'yo to visit my niece and Sienna was the one to open the door. Nagulat pa s'ya pero huli na n'yang ma-realize na nakita ko na." Tuluyan akong napapikit sa narinig. Gusto kong ibalibag yung sarili ko sa kagaguhan na ginawa ko kung tama ang hinala kong ako nga ang may gawa noon.
"I was really furious, kasi Sienna was my best friend bago mo s'ya maging asawa, Calli. Bihira s'yang magpakita ng emosyon pero one thing na gusto ko sa kan'ya, she's not using words to express her feelings. You could see everything through her eyes. And the moment nung magtagpo yung mata namin when she opened that door. I couldn't see any emotion sa mga mata n'ya." I know wala akong maalala pero hearing this story, I could my eyes getting warmer, mga luhang nagbabadyang tumulo. Sa inis at pagkadismaya sa sarili.
Gusto kong tanungin sa sarili ko kung bakit ako ganoon ka-gago? Pero pilitin ko mang maka-alala, wala talaga akong kahit anong impormasyon tungkol sa nakaraan ko maliban sa mga kwento na nanggagaling sa ibang tao.
"I was so furious na I immediately find you and I did find you... na mahimbing na natutulog sa kwarto n'yo samantalang yung asawa mo, she's doing the chores. Ang dahilan mo, noon ka lang nagkaroon ng oras para makapagpahinga. We already told you na mag-hire ng babysitter or anyone na makakatulong n'yo sa bahay pero kahit anong pilit ayaw n'yo. That's when I finally understood, ayaw mong may makakita ng ginagawa mo sa asawa mo." Nararamdaman ko ang sariling kuko na bumabaon sa sariling balat dahil sa tindi ng emosyong nararamdaman ko ngayon.
