CHAPTER 11

588 45 10
                                    


short update para ready na sa roller coaster ride.


CALLI'S POV


I'm on my way papunta sa penthouse ni Jullie, mayroon daw taong gusto akong makita. Sabi ay halos nag-iisa kong kaibigan na nagtagal sa akin. Matapos daw ng mangyaring aksidente ay nang-ibang bansa. Nung nabanggit niya daw ang tungkol sa pagbabalik ko ay agad daw nag-book ng flight pabalik. 

I searched her name online, nagbabaka-sakaling may makita para kahit papaano ay alam ko kung paano siya ia-approach.

A model and a CEO of a fashion brand..

Hindi nalalayo kay Elli. She's also a CEO of her own company na under fashion industry.

Maya-maya ay nakarating din ako, bumungad sa akin ang isang magarbong sasakyan sa may driveway, baka doon sa bisita. 

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang isang babaeng sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap.

"Calli!" Sa lakas ng impact ay napasandal ako sa pinto na kakasara ko pa lamang. 

"Y-you're really here." She cupped my face, chine-check ang mukha ko na para bang hindi siya makapaniwala na ako ang kasalukuyang nakatayo sa kaniyang harapan.

I could sea tears threatening to fall from her eyes, agad kong pinunasan iyon gamit ang sleeve ng suot kong hoodie.

"H-hey, don't cry, it's fine." Taranta kong saad.

Muli ako nitong niyakap kaya naman tinapik-tapik ko ang kaniyang likod, yung isang kamay ay naka-suporta sa kaniyang likod pero hindi exactly nakapatong, that'll be rude.

Nakita ko ang pag-iling ng aking kapatid habang may ngiti sa labi, sumenyas sa akin na doon muna siya sa may kusina na siya namang tinanguan ko. 

Nang kumalma ay humiwalay na rin siya.

"I heard about your condition, let me introduce myself once again, name's Aletheia Trevino, i feel bad saying this but i guess i'm the the only friend you have." She playfully said the last part na siya ding ikinangiti ko. Inilahad niya ang kaniyang kamay na siya ko namang inabot.

"Nice meeting you once again." 

"Likewise, we have lot of catch-ups to do, you should prepare yourself."

_________

She's a really nice person, naiintindihan ko kung bakit ko siya kaibigan gaya ng sabi niya. Magaan din ang pakiramdam ko sa kaniya at komportable ako sa presensya niya.

Sobrang dami niyang kwento lalo na sa mga naging experience niya sa ibang bansa kung saan siya ngayon naninirahan. 

Mayroon din lang daw siyang aayusin dito bago bumalik doon, medyo marami daw kasi siyang naiwan don na hindi madaling basta pabayaan kaya kung babalik man siya dito ay para na lamang sa mga bakasyon.

Maaga rin akong nagpaalam dahil kailangan ko pang ihatid si Lili, sabi pa niya ay pwede daw siyang sumama, sasakyan niya ang gagamitin dahil ang tagal na rin daw niyang hindi nakikita ang anak ko, ilang buwan pa lamang daw ito ng huli niyang makita.

Hindi na rin ako nakatanggi dahil mukhang desidido siya.

__________

"Good morning, mama!" Sarap naman ng bungad ng anak ko. Agad ko itong kinarga at dinampian ng halik sa noo.

"Good morning, little princess."

Aletheia peeked from my behind na ikinagulat ng karga ko.

"Hello there, little pumpkin." Nang mapagtanto niyang hindi niya kilala ang nagsalita ay agad itong nagtago sumubsob sa aking leeg.

Nahihiya siya?? Cute!

"Baby, she's your Ninang Aletheia, although baby ka pa lang ng huli ka niyang nakita kaya hindi mo siya kilala."

She leaned at inabot ang kamay ng ninang niya tsaka ito nagmano at muling sumubsob sa aking leeg. Napatawa na lamang kami sa kinikilos niya. Quite unusual dahil sobrang energetic niya sa paligid ng mga taong kilala niya at kabaliktaran sa mga taong hindi siya pamilyar.

We heard someone cleared their throat at nakitang nakahalukipkip si Elli sa may pintuan.

"Bestie!" Nagulat ako sa pagtili ng katabi ko at yumakap kay Ellie na nakasandal sa may pintuan. Hindi ito yumakap pabalik.

"Are we?"

"Aww, don't be like that. You're hurting my feelings." She pouted.

Biglang ngumiti si Elli na parang kanina ay hindi naka-poker face.

Glad they're closed. 

____________

Inihatid namin si Lili sa eskwelahan at nahila ako ng aking kasama sa mall para daw bumili ng gamit niya dahil masyadong naging rush ang pagbalik niya dito.

Inabot kami ng tanghali at hapon dahil bawat store ata ay binibilhan niya.

Sobrang pagod na ng kaluluwa ko. Mamaya ay siguradong bagsak ako nito sa kama.

She also have a unit on the same building as mine kaya naman kapag tapos naming sunduin si Lili ay deretso uwi na rin kami dahil nararamdaman na rin niya ang jet lag.

______________

About my parents, I was able to talk to them kaso  through video call nga lang.

Nakita ko kung paano humagulgol ang nanay ko habang hagod-hagod ng tatay ko sa likod para pakalmahin.

Hindi ko alam kung anong dapat kong itawag sa kanila noong una pero sabi nila ay I can call them like what i used to.

Mom and Dad..

I was in a good mood dahil sa mga nangyari nitong araw, nakausap ko muli ang mga taong naging parte ng buhay ko bago mangyari ang aksidente. 

Sobrang sarap sa pakiramdam na maraming nandiyan para suportahan ako during the lowest point of my life and i couldn't thank them enough.

Everything's going great..

Until it wasn't..


_______________

Tbc..


La MémoireWhere stories live. Discover now