CALLI'S POV
Habang nag-aayos ng gamit kanina sa office kanina dito sa condo, naka-agaw pansin ang isang lumang parang photo album na nakasingit sa mga makakapal na libro. Isinantabi ko muna para mamaya pagtapos ko maglinis ay titingnan ko kung anong mga laman.
Maya-maya ng matapos sa ginagawa ay binalikan ko na muli ang photo album na nahanap kanina.
Mukha s'yang matagal na dahil medyo naluluma na rin.
May mga date na early 2000's, napangiti ako, noon palang ay mahilig na talaga ako kumuha ng mga litrato.
Sa kalagitnaan na bahagi ay isang litrato na hindi ako ang nandon. Pamilyar s'ya pero hindi ko maisip kung saan ko s'ya nakita.
Pilit kong kinilala ang batang nasa litrato. Napanganga ng sa wakas ay maalala. Nakita ko 'to nung may pinakitang photo album sa akin si Jullie. Yung litrato ko nung bata, katabi ang litrato ni Lili.. at ang litrato ni Sienna nung bata s'ya..
It's her..
08/08/03 — Elli's favorite flower.
May hawak itong yellow daisy flowers.
May mga ilang pahina na si Sienna pa rin ang laman ng mga litrato, kasama ang yellow daisy flowers.
May sumunod na tatlong pahina, ngunit ang kulay ng bulaklak ay naging kulay orange.
12/03/03 — Fun day!
Minabuti kong i-search ang meaning ng iba't ibang uri ng bulaklak.
A yellow daisy flower represents friendship, joy, cheerfulness and well wishes.
Orange daisy flowers are vibrant and full of energy, so it makes sense that they symbolise joy, excitement, healing, happiness, playfulness, and warmth.
Marami pang pahina pero lahat ay blangko na. Hindi ko natapos. Siguro kagaya ng mga bata noon, kapag nagsawa na sa isang pinagkakaabalahan, ititigil na lamang basta.
Napatawa ako ng mahina, dami ko palang alam noon.
Hindi nabanggit sa akin ni Jullie ang tungkol sa kabataan ko, tungkol lamang sa mga dapat kong malaman bago mangyari ang aksidente ang mga bagay na alam ko.
Hindi ko alam na kababata ko pala si Sienna... o si Elli.
Sienna Elliote Gavillan soon, babalik sa Sienna Elliote Gallego.
Nag-ayos na ako ng sarili ng makita ang oras, ihahatid ko pa pala ang anak ko sa eskwelahan.
Agad ko rin tinawagan si Manong Roy para magpahatid kayna Elli. Would she mind if I start calling her Elli again?
That's why our daughter's name is Lilliane Charlotte, galing sa Calliana and Elliote.
Parehas kaming may "Li" kaya naman naging Lili, hindi ko mapigilang mapangiti habang iniisip iyon, bahala na kung pagkamalan akong baliw ni Manong Roy, be proud.
Pagbaba ko ay kasabay kong nakita ang pagkuha ng isa sa mga tauhan nila ang isang bouquet ng rosas.
Halos mataranta ang tauhan ng makita ako, pabalik-balik ang tingin sa akin at sa bulaklak.
"A-ah, ano ho, galing kay Sir Reagan. T-tuwing makalawa ho kasi s'ya nagpapadala ng mga ganito para kay ma'am."
Nginitian ko naman ito at tinapik ang balikat.
"Hindi n'yo ho ako kailangang bigyan ng paliwanag. Naiintindihan ko ho." Napahinga ako ng malalim ng palihim.
"Mauna na ho kayo" Saad ko dito.
