CHAPTER 20

726 29 4
                                        


CALLI'S POV


Nagising ako sa mga kaluskos na naririnig ko mula sa kwarto. Kukusot-kusot ako ng matang hinagilap ang cellphone para tingnan ang oras.

8:17 AM

Maaga pa, wala rin kasing pasok yung bulinggit ko kaya napangiti ako nang makitang ang himbing ng tulog nito sa tabi ko. Medyo nakaawang pa ang bibig, manang mana sa nanay niya, gan'yan din yon matulog noon 'pag nags-sleepover noong mga bata pa kami. 

I kissed her forehead bago tuluyang bumangon at magtungo sa banyo para mag-ayos.

Matapos non ay napagpasiyahan ko nang lumabas para makita kung sino ba yung mga gumagawa ng ingay.

"Ma'am, gising na ho pala kayo. Handa na rin po ang agahan ninyo sa baba." Napatigil ako sa babaeng bumungad sa akin 'paglabas ko ng kwarto.

Nakita ko na may mga iba pang tao na kumikilos, may mga dalang panglinis. Siguro ay mga apat rin sila.

"Si Jullie ba ang nagpa-" Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ay nagsalita na ito.

"Kung nagtataka ho kayo, pinadala ho kami ni Ma'am Sienna at simula ho ngayon ay kami na ang bahala sa paglilinis." 

"Ah.." Dahan-dahan na lamang akong napatango nang marinig ang sagot nito.

Si Ellie naman pala, sige na nga.

"Magpahinga na ho muna kayo, hindi naman po masyadong makal-" Napatigil na naman ako sa pagsasalita nang may dumaan na isa sa kasama nilang may bitbit na dalawang trash bag na puno ng kalat.

I cleared my throat. 

"S-susunod na lang po ako sa baba, hihintain ko lang magising yung anak ko." Kamot sa ulo kong saad bago bumalik sa kwarto.

Hindi ko naman itatanggi na medyo napapabayaan ko na nga ang bahay dahil sa sobrang busy, pero hindi naman ganoon kadumi at kagulo gaya ng iniisip niyo. Hindi ganoon, promise.

Weekends lang din ako nagpapapunta ng mga pwedeng mag-ayos dahil malimit, yon lang ang libreng oras at araw ko.

We're still going with our plan, kaya masyadong maraming inaayos.

Pagpasok ko sa kwarto ay siyang tunog naman ng aking cellphone.

It's Ellie.

Agad ko naman itong sinagot.

"Hey, good morning."

"Good morning." Ngiting sagot ko rito na akala mo nakikita ako kahit na voice call lang naman.

"I sent people there to clean up."

"Yeah, nandito na sila at naglilinis na rin. Salamat."

"The last time I called our daughter, I was greeted by a messy living room." 

"P-pasensiya na, masyado lang kasi akong na-busy." Kamot sa ulo kong sagot.

"You really haven't changed. Don't tell me, you're not taking care of your wound as well."

"Hindi naman, okay naman na ata siya." Kahit para akong kinakagat ng dinosaur.

"Says who? Your wound's talking now?" Here she is with her sarcasm. Ganiyan siya kapag naiinis na.

"Don't worry, sinisigurado kong hindi ko napapabayaan si Lili."

"I know, but you're not taking care of yourself." 

She's worried about me?

Para naman tanga yung puso ko, biglang bumilis ang tibok. Napakarupok e. 

La MémoireWhere stories live. Discover now