CHAPTER 2

807 49 0
                                    


CALLI'S POV

Ganon na lang nga kabilis dumaan ang halos isa at kalahating taon. Masasabi ko na ramdam ko na ulit ang sarili kong lakas dahil nakakalakad na muli ako.

Ngayon na rin ang labas ko ng ospital. Kaya naman may ngiti sa labi akong nag-aayos ng gamit. Maya-maya ay darating na rin si Julli para sunduin ako.

Hinanap ko ang ni-request ko sa kan'ya noong isang araw at dali-daling pumunta sa kwarto kung saan madalas ako nagpapalipas ng kaboringan.

Kumatok muna ako bago pumasok. Dala ang paper bag ay pumasok ako bago sinalubong ng ngiti ang mga tao sa loob.

Yung mga nakakalaro ko ng unggoy-unggoyan at tong-its. Pinabilhan ko sila ng ibang board games ay iba parang laro na pwede nilang pagkaabalahan.

"Oh, eto ho. Uno, sungka, pati na rin snake ladder. Ah, meron din palang jack stone oh, laruin n'yo ho lahat yan ha? 'Wag n'yo sana akong masyadong mami-miss. Kapag natalo, pwede kayong magkotongan. Alam n'yo naman, kapag may pusta, pipitikin kayo ng bantay at mga doctor n'yo, lalo na mga nurse." Pabiro kong sabi na s'ya namang ikinatawa nila.

"Eto talagang batang ito, basta ba babalik ka kahit minsan dito e at makikipaglaro sa'min."

"S'yempre naman ho, lalo na kapag nakahanap na 'ko ng trabaho. Dadalhan ko kayo ng maraming pagkain na walang lasa kasi bawal naman halos lahat ng masasarap sa inyo."

"E kung anong bawal, ayon ang masarap."

"At bakit ka pa maghahanap ng trabaho? Alam mo bang barya lang ang milyon sa sobrang yaman ng kapatid mo? Ang alam ko s'ya ang may pinakamataas na posisyon sa isang malaking kumpanya."

Hindi ko alam. May mga naririnig nga ako tungkol doon pero hindi ko s'ya tinatanong dahil pakiramdam ko ay hindi pa s'ya dapat tanungin tungkol doon. Lalo na hindi ko alam kung para ba yon sa ikakabuti ko o dahil mayroon lang talaga s'yang mga bagay na ayaw n'yang ipaalam.

"Kahit na ho, hindi ko rin naman ho iyon pera at hindi rin pwede na habangbuhay na lang ako aasa sa kapatid ko. Lalo na, ngayong lalabas at magkakaroon na rin ako ng sariling buhay sa labas."

"Gusto ko talaga ang klase ng pag-iisip mo, ineng. Oh s'ya sige, mag-iingat ka ha? Unang tapak mo lang sa labas sa loob ng halos 3 at kalahating taon kung hindi ako nagkakamali. Ayoko kitang makita agad sa kabilang kwarto ha?" Natatawang saad nung isang matanda.

"Kaya nga ho, 'wag n'yo sana akong ma-miss dahil matagal-tagal na ulit bago tayo magkita."

Matapos ng pagpapaalam ay bumalik na rin ako sa kwarto ko dahil baka nandon na rin si Julli.

At hindi nga ako nagkakamali, dahil pagpasok ko sa kwarto ay nasalubong ko na ang mga naka-uniporme na polong puti, bitbit ang mga gamit ko palabas, yumuko muna ang mga ito sa akin bago lumabas at magpatuloy sa paghahakot.

Nadatnan ko rin ang aking kapatid sa loob ng kwarto na inaayos ang iba kong gamit.

"You're here. Handa ka na ba?" Tanong nito sa akin ng ako'y makalapit. Kasabay non ang pagpisil sa aking pisngi na parati n'yang ginagawa dahil daw natutuwa s'yang bumalik na yung taba ng pisngi ko.

Ang bastos lang..

Pinagpapasensyahan ko nalang kahit na indirectly n'ya 'ko sinasabihan na mataba.

Tumango ako sabay irap na medyo ikinatawa n'ya dahil alam n'yang ayoko ng pagpisil-pisil n'ya sa pisngi ko pero parang no choice ako lagi dahil sobrang laki na rin ng utang na loob ko sa kan'ya.

La MémoireWhere stories live. Discover now