CHAPTER 5

684 58 11
                                    



CALLI'S POV

Naghihintay ako ngayon sa meeting place namin nung client. Halos isang oras ang aga ko, s'yempre panget kung first meeting n'yo ng client mo, late ka kaagad.

Naiwan sa bahay sila Lea na nakatulog na rin dahil siguro sa pagod sa biyahe kaya ako na lang mag-isa ang pumunta.

I'm currently admiring my precious princess through the wallpaper na sinet ko kanina. Kinuhanan ko kasi ng litrato yung nasa photo album na karga ko s'ya na parang limang buwan pa lang ata s'ya non.

I can't help but to smile, naalala ko na kanina sa sementeryo, ayaw n'yang humiwalay sa'kin. Sobrang higpit ng yakap habang naiyak.

Sabi ng kapatid ko, nung mahilig daw akong kumuha ng video and pictures noong pagdating ng prinsesa namin. Halos araw-araw and nakasave daw lahat yon sa isang USB. Nabanggit n'ya na, habang lumalaki si Lili, palaging ipinapakita sa kan'ya yung mga laman ng USB kaya parang kung tutuusin, kasama pa rin ako sa paglaki n'ya kaya kilala n'ya 'ko.

Noon din daw nung talagang sanggol pa s'ya, ayaw daw talagang humiwalay sa'kin ni Lili, palaging ako ang kasama.

Hindi ko man lang naabutan yung first birthday ng anak ko. Dapat pinalagpas muna yon bago ako patulugin ng ilang taon.

Tulog na 'ko ng mga panahon na yon.

"Look oh, para talaga silang happy family!" Tili ng isang babaeng halos malapit lang sa table ko. I am currently wearing a cap na talagang halos itaklob ko na sa mukha ko. Nabanggit ni Jullie na medyo kilala ako noon sa industriya ng hindi lang modeling, pati na rin sa business field. Ako raw ang may-ari ng position na hinahawakan n'ya ngayon sa kumpanya n'ya. Family business daw kaya nung nawala ako, s'ya ang pumalit.

"Uy respeto naman sa dating asawa ni Miss Sienna." Napatunghay ako sa pangalang nabanggit nung isa. Total nasa side ko naman sila, hindi ko maiwasang magnakaw ng sulyap sa tinitingnan nila sa cellphone.

I squinted my eyes to take a good look. And yeah, nakita ko lang naman ang parang stolen picture ng mag-ina ko kasama si Reagan. Mukhang nasa park sila at iginagala si Lili.

I know I'm not supposed to feel this way pero nakaramdam ako ng konting kurot sa may dibdib ko.

Ako dapat yon e.

Ako dapat yung kasama ng asawa kong magpalaki sa anak namin.

Agad kong ibinalik ang tingin sa cellphone ko dahil pakiramdam ko kapag nagtagal pa 'ko ng titig don e baka lalong manikip ang dibdib ko.

Huminga ako ng malalim at ngumiti, trying to cheer up myself.

"Anong respeto? Hindi mo ba alam na may kumakalat na balita. Noong buhay pa daw si Calliane, s'ya yung dahilan kung bakit matagal nawala sa modeling si Sienna. Pinagbabawalan daw, hindi n'ya deserve ng respeto dahil sinira n'ya yung career ng asawa n'ya. At isa pa, iba ang aura ni Sienna kapag si Reagan ang kasama n'ya oh, mukhang sobrang carefree n'ya tingnan."

Natigilan akong muli sa narinig.

Ginawa ko yon?

Kaya ba... kaya ba nabanggit ni Jullie na nagkaka-problema na yung marriage namin bago pa mangyari yung aksidente?

Ganon ako ka-gago para ikulong yung tanong mahal ko? Para maging hadlang sa pangarap n'ya samantalang ako, nagagawa ko lahat ng gusto ko?

Napainom na lamang ako ng tubig sa sobrang daming tanong sa sarili na hindi ko rin alam ang kasagutan.

________

Dumating ang alas-siyete at nakapag-usap na kami ng kliyente. Pero alam ko sa sarili kong wala ang isip ko sa pinag-uusapan namin dahil sa mga nalaman ko kanina.

La MémoireWhere stories live. Discover now