CHAPTER 18

587 31 8
                                    


CALLI'S POV


Napabalikwas ako habang ramdam ang mabilis na tibok ng puso at namumuong pawis sa aking noo.

Napasapo na lamang ako ng aking ulo dahil sa bangungot na para talagang totoo.

Paglingon ko sa aking tabi ay bumungad sa akin ang aking anak na mahimbing na natutulog.

Kailangan ko nang kumilos habang pwede pa. Mahirap na kung masyado kong nanamnamin yung oras at hihintayin pang may masaktan na naman sa kahit sino sa mga taong mahalaga sa'kin bago ako tuluyang kumilos.

3:36 AM. Sobrang aga pa pala, pero alam kong hindi na rin ako makakabalik sa tulog kaya minabuti kong tuluyan ng bumangon at mag-umpisang magluto. Mamaya-maya kasi ay gigisingin ko na rin si Lily dahil may pasok pa siya.


______


Habang hinihintay na kumulo yung sinaing ko ay ilang segundo pa akong nakipagtalo sa sarili kung tatawagan ko ba si Aletheia para humingi ng update sa ganap doon o hahayaan kong siya na lamang ang kusang tumawag sa'kin. Ayoko rin naman kasing maka-istorbo. Masyado ng malaki ang utang na loob ko sa kaniya sa halos dami ng naitulong niya sa'kin at sa kakambal ko.

Theia Calling....

Para bang nabasa niya ang isip ko, bago ko pa mapindot yung call button ay bumungad na sa screen ko ang pangalan niya na agad kong sinagot.

Nakiramdam muna ako bago magsalita, tunog ng basong may isinasalin na kung ano ang bumungad sa aking pandinig.

"You're drinking?" I heard a little chuckle sa kabilang linya.

"How did you know, nandito ka ba pero hindi kita nakikita? Multo ka na?"

Napatawa naman ako ng mahina sa sagot nito.

"Silly, rinig na rinig ko yung pagsalin mo. Tiring day?"

"Nice, you're asking about me instead of your woman?"

"She's not my woman, she's not anyone's woman.. she belongs to herself."

"Oh please, spare me the wisdom. Nakakakilabot." She said na lalong nagpatawa sa'kin

"That's the goal, ang ma-cringe ka."

Matapos non ay tumahimik ang linya, naririnig ko ang pag-inom niya, masyado rin kasing tahimik ang parehong linya kaya rinig talaga kahit hindi ganon kalakas. Hinayaan kong siya ang unang magsalit muli sa aming dalawa dahil mukhang marami siyang gustong sabihin.

"Sometimes, I was thinking... na kung sa almost 40 billion planets na posibleng nag-eexist as per the scientists and with the infinite number of the possible parallel worlds. Kung saan lahat ng possibilities ay nag-eexist. For sure, there were some of them.. kung saan ako yung pinili niya.. kung saan ako yung laging ako yung pipiliin niya."

I heaved a sigh.

Matagal ko nang alam. Kailan ko lang siya nakilala pero hindi rin naman ako tanga para hindi mapansin. She loves her. 

Mahal niya si Isla.

Kapag may mga similar habits kami ni Isla, parati ko siyang nahuhuli na nakangiting nakatingin sa akin. 

Of course, I know those eyes.

Dahil ganon ako tumingin kay Elli.

Na para bang siya lang yung taong visible sa paningin mo.

La MémoireWhere stories live. Discover now