CHAPTER 8

611 60 5
                                    


CALLI'S POV

Dito na 'ko tumutuloy sa condo. Si Lea naman ay naiwan kayna Jullie. Mas ayos yon dahil mas malaki yung penthouse ni Jullie kaya mas komportable s'ya don. Tsaka na lang kami magkikita kapag may kailangan akong asikasuhin sa trabaho.

Kanina pa 'ko hindi mapakali. Lakad dito, lakad doon. Hiningi ko kasi yung contact number ni Sienna kay Jullie. Gusto ko sana pag-usapan yung magiging set-up namin pagdating kay Lili.

Sinpleng text lang pero hindi ko magawa dahil baka busy s'ya o ano.

Pero higit sa lahat, hindi ko lang talaga alam kung paano s'ya i-aaproach lalo na 'pagtapos nung nangyari sa huli naming pag-uusap. Idagdag pa yung mga kwentong nalaman ko tungkol sa estado ng relasyon namin bago mangyari yung aksidente.

Dahil hindi ako makabuo ng sasabihin sa text, susubukan ko na lang tumawag. Bahala na kung mabulol.

*Ringing...*

"Hello?"

"H-hi.. si Calli 'to." Halos pumiyok ako kaya I cleared my throat.

"Oh, hi?"

"Gusto ko lang sana malaman kung kailan ka libre, gusto ko sanang makipagkita."

". . ."

"U-uh, para sana sa magiging set-up natin kay Lili. Y-yes, about don."

"Right, I'm free later after my last sched, 5 PM."

"Okay, saan kaya ang convenient na meet up place para sa'yo? Yung hindi na sana lalayo sa location mo para hindi hassle."

Ilang segundo rin s'yang tahimik bago sumagot.

"I'll text you the address later."

I'm currently fidgeting, hindi alam kung paano magpapaalam sa kan'ya.

"C-can I, can I fetch Lili later after school?"

.

.

.

"I mean, okay lang kung hindi, baka rin may gagawin pa kayo. Naiintindihan k—"

"I'll inform her teacher."

"R-really? Salamat, ano, okay na sa address nung school dahil pinaalam na sa'kin ni Jullie."

She just hummed.

"Alright. Salamat, pasensya na kung naka-istorbo."

"It's fine."

.

.

.

Hinihintay kong ibaba n'ya yung tawag para respeto na rin dahil ako yung may kailangan. Panget kung ako pagpapatayan ko pa s'ya ng tawag.

Lumipas ang halos 10 awkward na segund.

"Uhm, yeah. Bye." Putol ko sa katahimikan.

"Bye." It came out as whisper.

Lumipas pa ang tatlong segundo bago tuluyang namatay ang tawag.

Mukhang naghintayan pa kami. Agad naman akong nagpakawala ng pinipigil na hininga. Hindi ko alam kung bakit kabadong-kabado ako over a phone call.

Excited akong naghanda dahil ilang oras na lang din bago umawas si Lili.

Nag-search din ako ng malapit na shop na ma-eenjoy ng anak ko. Nakahanap ako ng ice cream shop.

La MémoireWhere stories live. Discover now