CHAPTER 19

701 26 2
                                    


THIRD PERSON'S POV


"Here." Alok ng dalaga sa kanina pa tulala at tila nakikiramdam na tao sa kaniyang harapan.

Kakagaling lang din nila ng ospital para ipagamot yung mga galos at sugat na natamo lalo na ni Calli sa nangyari kanina. 

"What's really happening?" Kalmadong tanong ng isa, tinititigan lamang ang tubig sakaniyang harapan.

"You really can't recognize me? I thought your memories were back." Agad namang napatingala si Calli.

"P-paano mo nalaman?"

Imbis na sumagot ay nagkibit-balikat lamang ito.

"Lea please, ano ba talagang nangyayari? Ipaintindi mo sa'kin."

"Sa tingin ko, kayo ng kapatid mo ang kailangang mag-usap patungkol diyan. Parating na rin yon, may appointment lang sa Cebu. Limitado lang din ang mga sagot na maibibigay ko sa'yo."

Dahan-dahan namang tumango si Calli.

"Hindi mo ba talaga 'ko natatandaan? Pero kanina habang papalapit ako sa gawi n'yo, kita kong nagagamit mo pa yung mga tinuro ko sa'yo nung mga bata pa tayo." Patay-malisaya nitong saad na nagpatigil kay Calli.

Nang tuluyang maintindihan ay napa-awang ang bibig nito.

"Y-you're.."

"I am, idiot." 

"Pero.. pero paano nangyari 'yon?"

"Mahabang kwento pero paiikliin ko na kaya makinig kang mabuti. Noong huling beses na pinaalis ng walanghiya mong ninong si nanay, gaya ng pagpapaalis nito noon nung si Isla pa ang nandon sa bahay na 'yon, pinagtangkaan ng gago na yon ang buhay namin. Dahil sa marami na kaming nalalaman, lalo na ang inay sa mga katarantaduhan niya. Mabuti na lang at dalawa lang yung taong pinadala niya kaya hindi naman kami nahirapan ng tatay na itumba sila dahil kay tatay ko rin natutunan kung ano mang kaya kong gawin ngayon. Pinahanap kami noon, para kaming mga kriminal na nagtatago."

Nag-igting ang panga nito sa pag-alala ng nakaraan.

"Mabuti na lang at hindi niya alam ang itsura ko, lalo na ngayong tumanda ako. Alam mo na, lagi akong patagong nilulusot noon para may kalaro ka. Hanggang sa nakatapos ako at binalak kong pasukin yung lungga niya, nag-apply ako sa kumpanya niyo para ako na mismo ang tumapos sa buhay ng matandang 'yon, grabeng paghihirap ang dinanas namin sa kaniya. Not until nahuli ako ng kapatid mo na pinagtangkaan ang buhay non. Mahirap pero nagawa kong ipaliwanag sa kaniya ang rason. Sinabi ko lahat ng nalalaman ko dahil alam kong kung mayroon mang hindi pwedeng pagkatiwalaan, nag-iisang tao lang yon. Alam ko ang pinagdadaanan ng pamilya niyo pero hindi ko ginawa 'yon para sa inyo. Gusto ko lang talagang ipagganti ang sinapit ng pamilya ko, comatose ka na ng malaman ni Jullie ang katotohanan, yun ang isa sa nagtulak sa kaniyang itakas ka. Hanggang ngayon, nag-iipon pa rin kami ng mga magagamit para tuluyang mapabagsak si Roberto."

Ilang segundo lamang nakatitig si Calli, pilit iniintindi ang lahat ng impormasyong kaniyang narinig.

"Nanay.. si Manag Fe?" 

"Hmm." Tango naman ng isa.

"Kung tinatanong mo kung paano kita napuntahan kanina, tumawag sa'kin si tatay. Nakita niya yung mga sasakyan na sumusunod sa'yo 'pagtapos mo siyang palabasin ng sasakyan."

"S-si Manong Roy?"

"Wala ng iba."

_____________

La MémoireWhere stories live. Discover now