CALLI'S POV
Naalimpungatan ako nang makarinig nang sunod-sunod na lagabog. Mukhang nanggagaling sa ibaba kaya naman agad akong naalarma.
'Wag sanang tumama ang kutob ko pero hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa isang 'to.
Agad kong binalingan ang anak kong mahimbing na natutulog sa aking tabi at maingat na ginising.
"Mama?" Kukusot-kusot ng mata niyang sabi.
"Listen to Mama, baby. Gusto kong mag-stay ka sa walk-in closet natin. Don't make any noise kahit pa mamaya makarinig ka ng kaluskos dito sa kwarto. I want you to promise mama that you'll be a good girl at hindi mo sasawayin ang mga ibinibilin ko. Can you do that for me, baby?"
Nagtataka man ay tumango ito na agad kong ginawaran ng ngiti at halik sa noo bago ko dali-daling binuhat patungo sa loob ng walk-in closet. Hindi naman siguro mahahalata dahil tago rin ang papasok sa bandang yon. May dadaanan ka munang literal na closet bago ka makarating doon.
"Mama have another request, baby. Look oh." Hawak ko ang isang mp3 player at earphone.
"Nandito yung favorite nating playlist, 'di ba? Kapag inihahatid ka ni Mama, we always listen to these songs sa biyahe. We currently have 7 songs in total dito. I want you to close your eyes and listen to every song. Kapag hindi pa rin bumabalik si Mama-"
Naudlot ang aking balak sabihin at agad na niyakap si Lili nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.
Kita ko ang takot sa mukha ng anak ko dahil don.
"Listen, baby. Kapag hindi pa rin bumabalik si mama after those 7 songs, gusto kong tawagan mo si Mommy mo using this phone."
Hinubad ko ang suot kong kwintas at isinuot kay Lili.
"Tell her na may tracking device itong kwintas na 'to, sabihin lang niya kay Tita Aletheia mo kaya kahit anong mangyari, kahit hindi mo makita si mama.. you'll be fine, anak. Darating si Mommy at sila Tita mo, sila Lolo at Lola para hanapin si Lili."
Yung kwintas kasi ay bigay ni Aletheia, may tracking device para kung sakaling may ganitong magyari ay handa kahit papaano. Pero ang priority ko ngayon ay ang mailabas ng ligtas at walang galos ang anak ko dito.
"M-mama.."
"No need to cry, matapang kaya ang baby ko.."
"Hinding-hindi pababayaan ni Mama na may mangyaring masama sa prinsesa niya kaya don't cry na, hmm?" Pinunasan ko ang luhang patuloy na umaagos sa munting pisngi nito. Nakangiti ako para hindi lalong mag-panic ang anak ko pero ramdam ko na rin ang hapdi ng sarili kong mga mata.
Niyakap ko ito nang mahigpit bago isinuot ang earphones sa kaniyang magkabilang tainga at sinimulan patugtugin ang mp3 player.
Muli ko itong hinalikan sa noo bago tumayo at nilisan ang silid. Iniharang ko ang couch para medyo maiba ang desenyo ng kwarto, dalawa ang closet dito, magkabilang banda kaya naman nagbabaka-sakali akong hindi na 'yon mapansin ng mga ulupong na pumasok dito.
Agad ko ring kinuha ang baril na pinagkatago-tago ko para sa ganitong sitwasyon.
Mamatay na kung mamatay, iyon naman dapat talaga ang nangyari noon pa, sinuwerte lang ako kaya hanggang ngayon humihinga pa.
Kaya kung sakaling kailangan kong ibuwis ulit ang pangalawa o panglima na atang buhay na 'to para sa anak ko, hindi ako magdadalawang isip na gawin 'yon.
Ini-lock ko mula sa loob ang pinto ng kwarto ko, ganon din ang ginawa ko sa iba pang mga kwarto o kahit anong may pinto. Kung tanga sila, siguradong malilito sila.
Natigil ang mga putok ng baril sa ibaba. Itinago ko sa aking likuran ang baril bago tinahak ang hagdan paibaba.
"Magpapakita ka rin naman pala, ineng. Kinailangan pa naming kitilin ang buhay ng mga alipores mo bago ka sumipot. Tsk, tsk, tsk, kawawa naman sila." Mga nakakarinding pagtawa ang bumalot sa buong salas, nagkalat ang mga katawan ng mga tauhan ko.
Halos 16 sila ngayon dito, mga putangina na malalaki ang mga tiyan, sarap ipakain sa daga.
Meron ang 18 na bala sa baril ko. Hindi ako pwedeng magkamali ng pagtama kung sakali.
Lahat sila ay may hawak na baril kaya naman kung mabagal ako ay katapusan ko na.
"Punyeta, nakikinig ka ba?!"
Naputol ang pag-iisip ko dahil sa sumigaw.
"Ano nga ulit 'yon? Mahina yung dito sim e."
May isa sa tauhan niya ang hindi napigilan ang tawa at dahil sa kaniyang inis ay pinaputukan niya ito.
Sumipol naman ako sa pagkamangha, ang galing.
"Sige, sino pang tatawa? Patatawanin ko 'tong bala ko sa mga bungo niyo!"
Kita ko ang pagkaputla ng mga ulupong.
Anlalaki ng mga katawan pero takot sa bansot nilang leader. Pwedeng-pwede nilang daganan e.
"Dalhin niyo na 'yan, hinihintay na tayo ni boss."
Palapit na ang isang sa kanila nang dali-dali ko itong pinulupot ang aking isang braso sa kaniyang leeg at pinaharap sa kaniyang mga kasamahan bago ko paputukan ng isang beses sa kaniyang tagiliran.
Dahil wala na rin itong lakas para maglaban ay sa kaniya na ngayon tumatama ang mga balang pinapaputok ng mga kasamahan niya.
Nakatama pa ako ng lima, sa dibdib nila ang puntirya ko para hindi na magkaroon ng round 2 at baka rin kulangin ako sa bala.
Agad akong nagtago sa may kitchen counter, nakatama pa ako ng dalawa sa kanila.
Huminga ako ng malalim, 8 na lang.
May nakita ako sa cabinet sa may kusina, yung binili ko kanina.
Agad akong naghagis patungo sa direksyon nila.
"Granada!!" Taranta ng mga ito na agad kong sinamantala at nagpaputok habang wala sa aking ang atensyon nila.
Tatlo ang natamaan ko.
"Mga inutil! Atis 'to at hindi granada!" Gigil na siya.
Bago pa ma-korner ay lumabas na ako sa aking pinagtataguan.
Fortunately ay hindi naman ako tinamaan ng mga baril nila.
"Gamitin niyo 'yang makikitid niyong utak at dakpin niyo na ang babae na 'yon, mga tanga!"
Dahil sa mga bagal nila ay nagawa kong matamaan ang mga natitirang tauhan.
Nilapitan ko ang kaninang sigaw nang sigaw na lalaki at pinagmasdan siyang unti-unting mawalan ng hininga.
Patayo na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone niyang nasa kaniyang bulsa sa jacket niyang suot.
'Boss is calling...'
Sinagot ko ang tawag ngunit walang boses na nagmumula sa kabilang linya. Kung hindi ang yabag.
Huli na nang matanto ko, may isang matigas na bagay ang pumalo sa aking ulo dahilan para mapatumba ako ng tuluyan at mabitawan ang baril at cellphone na hawak.
'Putangina talaga'
Anino lamang ng tao ang naaninag ko bago tuluyang lamunin ng kadiliman ang buong pagkatao ko.
Ramdam ko rin ang pagpatak ng luha ko nang maalala ko ang anak ko na nasa loob ng kwarto.
'Makuntento na sana sila sa akin at 'wag nang idamay ang anak ko..'
__________________