CHAPTER 10

642 56 9
                                    


Update para bukas dahil busy..

CALLI'S POV

Kasalukuyan kaming nandito sa sofa, pinapanood ang pambansang movie ng mga bata, Frozen 2. Sa totoo lang, kanina ay pinasadahan muli namin ang Frozen 1, gaya ng gusto ni Lili para daw alam ko yung kwento.

Ngayon masyado na akong invested sa mga nangyayari. Tutok na tutok kaming dalawa sa pinapanood. Biglang naalis ang focus namin at lumingon sa isang katabi ng marinig ang mahinang pagtawa nito.

Wala namang nakakatawa ah.

Natawa ito habang nakatingin sa cellphone.

"Why, mommy?"

Umiling lamang ito at muling tumutok sa pinapanood pero nakangiti pa rin.

May ka-chat ba s'ya? Lihim akong napa-irap at sumubo ng maraming ice cream. Too much for my liking na parang na-brain freeze pa.

Karma, bitter e.

Matapos iyon ay humirit pa ang batang maliit ng isang movie. Kaya ayon, hindi kinaya ng antok ko, nilamon ako ng kadiliman.

________

Naalimpungatan ako dahil sa tunog na nanggagaling sa TV. Tiningnan ko ang oras, 2 AM na pala, napalingon ako sa katabi at tulog na rin ang dalawa.

Pinaggi-gitnaan namin si Lili. Sofa bed ang sofa dito kaya naman komportable rin. Ayoko na rin silang gisingin kaya naman hinayaan ko na lang.

Pinatay ko ang TV tsaka pumunta ng kwarto para kumuha ng comforter dahil medyo malamig.

Napangiti ako ng makitang parehas na parehas sila ng ayos kung matulog.

Nahiga na muli ako sa pwesto at pinagpatuloy ang pagtulog.

________

Naunang umalis si Elli, I told her na pwede ko s'yang ipahatid kay Manong Roy para hindi na s'ya magd-drive dahil hindi rin naman ako marunong kaya wala akong ipagyayabang.

Pero natapos lang din ang pagtatalo namin ng mapagkasunduan na magpapadaan na lang s'ya sa sekretarya n'ya para hindi na s'ya mag-drive, gagamitin na lang yung dala n'yang sasakyan.

Kanina pa kumikirot ang ulo ko, kanina matapos kong maalimpungatan ay nagigising na rin ako dahil sa pakirot-kirot n'ya ng walang tigil.

Wala akong sinabihan, tinext ko na Lang yung doctor na nag-alaga sa akin nung nasa coma pa 'ko. Saktong nandito rin s'ya sa city kaya naman dadaanan ko s'ya 'pagtapos ko ihatid si Lili sa eskwela.

__________

"Take care, little princess. Mama will fetch you later." I planted a peck on her forehead.

"Bye-bye, mama." Tuluyan na itong pumasok sa kan'yang classroom.

__________

May opisina dito si Doc kaya naman doon na rin ako dumeretso.

"Great to see you again, Mrs. Gavillan."

Mrs. Gavillan, sarap pakinggan.

"Likewise, Doc."

"What do we have here?"

"Hindi ko ho alam kung migraine lang ba 'to pero kanina pang madaling araw kumikirot ng kumikirot ang ulo ko, Doc."

"Meron ka bang naaalala o nagsisimula ka ng makaalala?"

"Parang wala pa naman ho."

Bigla akong napa-isip sa panaginip ko kanina.

La MémoireWhere stories live. Discover now